Rodjun Cruz on Rayver-Cristine breakup: “Actually, ayaw ko na talagang magsalita tungkol diyan kasi nirerespeto ko po yung kapatid ko.”

Rodjun on the allegations that their family felt relieved upon hearing of Rayver and Cristine’s breakup: “Kung anong gusto niya, mahal na mahal namin siya, basta nakikita naming masaya siya andito lang kami palagi para sa kanya.”




Maagang nagsidatingan ang mga kapamilya at tagahanga nina Rodjun Cruz at Rocco Nacino sa SM Megamall Cinema 9 last Tuesday, February 5 sa ginanap na premiere night ng indie film na I Luv U Pare Ko kung saan bida ang dalawa.

Maaga ring dumating si Rodjun kasama ang girlfriend nitong si Dianne Medina at ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz.

Medyo late ng kaunti si Rocco dahil galing pa ito sa taping ng kanyang teleserye sa GMA na Yesterday’s Bride.

Masayang bungad sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Rodjun, “Actually, sobrang masaya ako sa movie na ‘to kasi kakaiba siya, very very light siya… natural na natural yung pangyayari, tungkol sa magkakaibigan… pagmamahalan.”

FIRST MAJOR MOVIE ROLE. First time na nabigyan ng starring role sa pelikula si RJ (palayaw ni Rodjun), kaya naman daw pinagbutihan niya talaga ang kanyang role dito.

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang kakaiba yung twist ng story na to kasi ako homophobic ako dito.

“Tapos ang hindi ko alam na yung best friend ko pala na sobrang close na close ko, gay pala siya at may gusto sa akin so dun nag start yung twist ng story.”

Kahit gay ang tema ng movie, hindi naman daw masyadong maseselan ang mga eksena nila dito ni Rocco.

Pahayag niya, “Merong mga shower scenes, may shower scenes yan, tapos meron kaming tumatakbo kami ni Rocco na naka-topless.

“Wala po kaming kissing scene dito.”

Straight ang kanyang papel na ginagampanan at si Rocco ang gumanap na kanyang bestfriend na bading.

Saad niya, “Si Rocco yung gay dito pero napakaganda kasi kumbaga, nung ginagawa namin yung film very natural lang, nage-enjoy lang.

“Tapos yung director naming na si Direk Neil Tan, siya yung nagtuturo sa amin kung ano yung mga gagawin.

“Pero sinisigurado ko sa inyo na mage-enjoy kayo, matatawa kayo, maiiyak kayo… andito na sa lahat sa movie na ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kaya niya pinaghandaan ang pagsabak sa ganitong klaseng movie?

Patotoo nito, “Actually kasi, pag may binibigay naman sa akin na role pinaghahandaan ko talaga, binabasa ko yung script nang mabuti tapos sinusunod ko yung sinasabi ng bawat directors.”

Open ba siyang masundan uli ang pelikulang ito ng ganitong klaseng tema?

Sagot ng kuya ni Rayver, “Ako naman po open naman po ako sa kahit anong trabaho at ito po yung trabaho at kung magustuhan ng mga tao, tuluy-tuloy lang siguro.”

So masasabi ba niyang magli-level up na siya pagdating sa mga indie movies?

Kuwento niya, “Opo, siguro kasi enjoy akong gumawa ng mga indie films ‘tsaka mga movies kasi natsa-challenge talaga ako.”

ON DIANNE AND RAYVER. Ano naman kaya ang reaction ng kanyang girlfriend of six years na si Dianne?

Tugon niya, “Proud naman si Dianne pati yung family ko, sobrang proud sila at nakakatuwa nga po kasi nandito silang lahat para sumuporta sa akin.”

Kaka-announce lang ng kanyang nakakababatang kapatid na si Rayver na hiwalay na sila ni Cristine Reyes.

May mga advice ba siyang binigay dito paano magiging strong ang isang relasyon?

Pahayag niya, “Siguro suportahan lang talaga palagi, tsaka give and take lang sa relationship.”

Dagdag pa niya, “Actually, ayaw ko na talagang magsalita tungkol diyan kasi nirerespeto ko po yung kapatid ko kasi yun na po yung sinabi niyang first and last interview niya.

“Pero masaya naman po siya kasi napag-usapan naman po nila yun.”

Aware kaya siya sa balitang diumano ay natuwa ang kanyang mga kapamilya sa paghihiwalay ng dalawa?

Patanong pa niyang sagot, “Saan nanggaling yan? Sa’yo lang ata galing yan, e.”

“E, di basta ako nakasuporta ako sa brother ko… kung anong gusto niya mahal na mahal namin siya, basta nakikita naming masaya siya, andito lang kami palagi para sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN