Carlo Gonzalez on rumored transfer of cousin Dingdong Dantes to TV5: “Hindi naman siya yung klase ng tao na would do something like that o padalos-dalos without any basis.”

Asked about his plans for Valentine’s Day, Carlo confesses: “Hindi kasi ako masyadong ma-Valentine’s na person. Never akong nagba-Valentine. Para sa akin kasi, araw-araw is Valentine’s Day.”


Masaya naman daw si Carlo Gonzalez na mula nang pinasok niya ang pag-aartista at naging Kapuso siya, hindi naman daw nangyari na matagal siyang walang ginagawa.

Kung wala pang regular show, madalas ay nakukuha siyang mag-guest sa teleserye.

Pinakabago nga rito ang dramarama sa hapon na Bukod Kang Pinagpala.

Siya raw si Oscar na kaibigang matalik ni Alejandro, si Mark Anthony Fernandez sa serye.

Pero sabi nga namin sa kanya, bilang bestfriend muli ng bida ang karakter niya.

Okay na ba siya sa mga ganoong role?

“It’s a very comfortable role for me. You know naman, hindi naman first time na nagawa ko yung ganoon role.

“But of course, for me, it’s part of the dues I have to pay to go where I want to go,” paliwanag niya.

Ano yung gusto niyang puntahan?

“Siyempre, like any other artists, [to] have his own show,” saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng Bukod Kang Pinagpala noong February 6 sa GMA Network Center.

Patuloy niya, “Maipakita ko yung capabilities ko at kaya ko pang gawin more than just a minor role or bestfriend role nga.

“Although, it is a good role. It’s very substantial to the story.

“Maganda rin yung nakikita ng mga tao pero siyempre, maghahangad pa tayo ng more than that.”

Legacy daw ang huling teleserye niya pero, dahil nakakapag-guest nga raw siya sa ibang programa tulad sa Yesterday’s Bride.

Nakapagbakasyon din daw siya sa America noong December.

“Natapat kasi na wala akong ginagawa noong toward December, nakapag-bakasyon ako.

“Nanood ako ng fight ni Pacquiao. Naghanda-handa lang at nag-attend to other business namin,” kuwento ni Carlo.

FINDING HIS NICHE IN SHOWBIZ. Lingid sa kaalaman ng iba, galing sa may kayang pamilya si Carlo at hindi masasabing ang kinikita niya sa showbiz ang bread and butter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti naman niyang sabi, “Siyempre, it helps.

“Malaki-laki rin naman, let’s say... yung income ko rito.

“Pero, sabi ko nga kay Perry [Lansigan, his manager], when we talked about getting to show business like three years ago, hindi yung pera ang habol ko.

“I mean, ang sa akin talaga is what I do, yung purpose where I can go and excel as a human being and to share what God has given me.

“Feeling ko, dito talaga ko magkakaroon ng katuturan sa mundo.”

Anong image nga ba niya gustong makilala?

Character actor o makilala rin na pang-leading man?

“Ako, it doesn’t matter as long as it’s a good role... a good show, it doesn’t matter.

“Yung maho-hone pa ang acting skills ko and I can show to people what I am made of.

“Naiintindihan ko kasi ang industriya. Naiintindihan ko yung pag-arte.

“Naiintindihan ko yung pagbibigay ng isang katauhan sa isang role. Gusto kong iparating sa tao na intindido ako pagdating sa larangang ito,” paliwanag niya.

ON DINGDONG’S RUMORED TRANSFER. Nababalita ngayon na kesyo si Dingdong Dantes na pinsan niya ay posibleng lumipat ng ibang network.

Ano ang masasabi niya rito?

“Personally, feeling ko, kilala naman natin si Dong na very loyal here and to GMA na talagang nagbigay sa kanya ng career.

“Hindi naman siya yung klase ng tao na would do something like that o padalos-dalos o without any basis,” pagklaro niya.

Kung halimbawa lang na lumipat nga si Dingdong, mananatili pa rin siyang Kapuso?

“Yeah,” mabilis naman niyang sagot.

“I’m apart from him. Oo, cousin ko siya, pareho kami ng manager.

“He gives me advice and everything I know in showbiz, lalo na in Philippine showbiz.

“I know naman the acting, but the business itself... sa show business, sa kanya ko natutunan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But still, I am apart from him.

“Kung ano ang desisyon niya, mga ginagawa niya sa trabaho niya, hindi ako kasama ro’n. I mean, kung nag-decide siya ng ganoon, ako, I’ll decide on what’s good,” pagklaro niya.

GOING STRONG WITH LUANE. Akala pala ng iba, nag-break na sila ni Luane Dy.

Pero ayon kay Carlo, sila pa rin at kaka-celebrate nga lang daw nila ng kanilang ika-tatlong anibersaryo noong January.

Ano ang naging celebration nila?

Aniya, “Wala naman, nag-out-of-the country lang kami noong January. Nag-Singapore lang kami with her family. Bago maging busy ulit, makapag-unwind for the last time.”

Paano naman nila ise-celebrate ang Valentine’s Day?

“Hindi kasi ako masyadong ma-Valentine’s na person. Never akong nagba-Valentine. Para sa akin kasi, araw-araw is Valentine’s Day,” saad niya.

Noong isang taon, hindi rin niya dinate o binigyan ng bulaklak si Luane?

“Wala, kasi, whenever we have time or she has time, we always go out. Hindi rin kasi siya yung ganoon.

“She doesn’t expect kapag Valentine’s Day or monthsary-monthsary.

"Kahit nga yung anniversary, hindi naman niya masyado—actually, yung January, birthday niya rin.

“So, yung trip naming na yun, hindi lang sa anniversary, basically, sa birthday niya.”

Ano yung pinaka-sweet na ginawa niya para kay Luane?

“Palagi naman akong sweet,” nakangiting sabi niya.

“Siguro yung pinagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Favorite niya na ginawa ko, yung beef stew.”

Ano sa tingin niya ang meron kay Luane na dahilan kaya nagtatagal ang relasyon nila?

“Siguro, like noong before when you first interviewed me, wala kaming pretensiyon sa isa’t isa.

“Walang arte, walang Valentine’s, walang monthsary. Walang masyadong isyu na pinag-aawayan.”

Sa palagay niya, sila na nga kaya ang magkakatuluyan?

“In every relationship naman, you’d like to think na kayo na. Pero siyempre, it’s an open book.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang ilalagay mo sa mga pahina ng libro mo, ikaw ang gagawa no’n. Hindi mo puwedeng tuldukan sa gitna pa lang,” makabuluhan niyang saad.

Nakikita na ba niya ang sarili niya na puwede nang pakasal?

“Well, katulad nga ng sinabi niyo, basically sa career ko, I’m just starting bilang three... magpu-four years pa lang ako sa industriya.

“Marami pa akong gustong magawa o mangyari na hindi ko magagawa kapag nagpakasal na ’ko o nag-settle down na ko.”

Mga bata pa rin naman daw sila ni Luane.

At saka nito sinabing, “At saka, ayoko munang unahan sila Dong.”

Dugtong pa niya, “Hindi ko pa rin talaga masabi kasi, si Luane rin, nag-e-enjoy pa siya sa ginagawa niya. Marami pa siyang gustong mangyari rin.”

Diretsahan naman naming siyang tinanong kung hindi pa ba sila live-in?

“A, hindi, she still lives with her Mom, I still live with my parents. Siyempre, Filipino style,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN