Gary Valenciano on newly-married son Paolo: “When you said a lot of people are concerned about the wedding, but you’re more concerned about the marriage, that says so much about who you are, Pao.”

Gary’s message to Paolo and his future granchild: “Not just as the weeks... the months go by... but as the years go by... for as long as this heart beats, I’m going to be the father and the father-in-law to the both of them.”


Ikinasal na last Thursday, February 7, si Paolo Valenciano sa long-time girlfriend nitong si Samantha Godinez.

Si Paolo ang panganay na anak ni Gary Valenciano, at siya ring pamangkin ng Concert King na si Martin Nievera. Ginanap ang Christian wedding ceremony sa Manila Polo Club, sa Forbes Park, Makati City.

Sa report ng abs-cbnnews.com kahapon, February 8, naging emosyonal daw si Gary kahit na sobrang proud daw siya sa panganay sa pagpapakasal nito sa kanyang kasintahan matapos ang anim na taong pagsasama bilang mag-nobyo.

Kuwento ni Gary, "Blessed ako. Talagang niyakap ko si Samantha [Godinez] kanina.

“Sabi ko, ’Thank you for being part of Paolo’s life. You don’t know how much you’ve touched me, how much that means to me. I’m very fortunate na my son made a good choice.’”

Ayon pa sa ASAP host, si Sam daw ang nag-encourage kay Paolo ‘to be more of himself’—childlike and boyish—kahit sa harap ng publiko.

Aniya, “That’s Paolo. That’s really him, and I’m glad that he just came out kanina. She was able to bring that out in him, and make him live that and be himself.”

Naging sentimental din si Gary na parehong mahihiwalay na sa kanilang mag-asawa ang dalawang anak na lalaki.

Nakatakda na rin kasing tumulak papuntang Florida si Gab Valenciano para mag-aral sa loob ng dalawang taon.

Pero inihanda na daw niya ang kanyang sarili dito.

Dagdag pa niya, “I’ve been holding it all in. As a matter of fact, in the next two days I might just drive out maybe to Tagaytay, just on my own... There are certain things I have to digest and learn to live with for now.”

Ang ikina-e-excite daw ni Gary ngayon ay ang scenario ng pagkakaroon ng bagong miyembro ng pamilya—ang pagkakaroon ng apo sakaling makabuo na ang bagong mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya niyang sambit, “Yeah, bring it on! My legs, kaya ko pang mag-swimming with my apo.

“I don’t mind. Kung ano yung mga pagkukulang ko kay Paolo, and if Paolo doesn’t have time with his baby, come on, bring him to papi! I will take care of him.”

Papi daw ang gustong itawag sa kanya sakaling magkaapo na siya.

Nangako naman si Mr. Pure Energy na palagi silang nakaantabay sa kung anuman ang kakailanganin ng bagong kasal.

Tugon niya, “Not just as the weeks... the months go by... but as the years go by... for as long as this heart beats, I’m going to be the father and the father-in-law to the both of them.”

Mensahe pa niya kay Paolo, "When you said a lot of people are concerned about the wedding, but you’re more concerned about the marriage—that says so much about who you are, Pao."

“You anchored your relationship on Christ. Know that he is the Captain of that ship that has you and Samantha and the kids to come. God bless you both. I love you dearly. Need me, and I’ll be there, promise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN