Sarah Geronimo bids goodbye to weekly musical show; describes experience on the show as "roller-coaster"

Tulad ng inaasahan, naging emosyunal si Sarah Geronimo sa pagtatapos ng kanyang weekly musical show na Sarah G Live kagabi, February 10. Sa dulo ng show ay pinasalamatan ni Sarah ang lahat ng mga nakasama niya sa show at pati na ang mga "nanakit" sa kanya.


Nagtapos na kagabi, February 10, ang weekly musical show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN, ang Sarah G Live, halos eksaktong isang taon simula nang ito ay umere.

Sa final gap ng show, isang video tape recording (VTR) ang ipinakita kung saan may madamdaming mensahe si Sarah para sa kanyang followers.

Saad ni Sarah, “Sa totoo lang, isa ang Sarah G Live sa pinakamahalagang blessing na dumating sa buhay ko.

“Kung hindi dahil sa show na ‘to ay hindi ko mae-experience ang maraming firsts sa buhay ko, wala akong chance para mas mapalapit at mas makilala pa lalo ang mga supporters ko, hindi ko malalaman na mas marami pa pala akong kayang gawin.

"At higit sa lahat, kung hindi dahil sa Sarah G Live at sa suporta at pagmamahal na ipinakita ninyo, hindi ko kayang bumangon mula sa pagkakahiga.

“Sabi nga nila, isang roller-coaster na buhay ang naranasan ko sa isang buong taon ng show.

“Sa bawat ikot, sa bawat taas at baba, nakita ninyo ang pagbabago sa career ko, sa personal kong buhay, at sa aking lovelife.

“Ang mahalaga naman, marami po akong natutunan sa mga experiences na ‘yan.

“This entire experience and blessing has definitely made me stronger, braver, and wiser.

“Sa lahat ng nagmahal sa Sarah G Live, sa staff at crew, kulang ang forever para magpasalamat sa inyong lahat. At hindi po akong magsasawang sabihing, ’I love you, too.’”

Pagkatapos ng VTR, nagbigay na ng kanyang closing spiels si Sarah.

Mababanaag man ang kalungkutan sa kanyang boses, ramdam namang tila masaya si Sarah dahil maraming proyekto ang nakatakda niyang simulan.

Mensahe niya, “Mga kapamilya, for the past year, naging tahanan ko po ang Sarah G Live, at buong puso po ninyo kaming tinanggap sa inyo pong mga tahanan tuwing Linggo.

“And for that, I give my sincerest thanks to each and every one of you na sumama po sa amin sa napakagandang journey ng Sarah G Live.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At muli po, sa inyong lahat, hindi po ito katapusan.

“Sa totoo, ito ay isang simula lamang ng mga bagong bagay na gusto ko pang gawin.

“At sana po ay samahan ninyo pa rin ako as I explore and discover new things and move on to another phase in my life as a new journey begins.

“Sana po ay samahan ninyo po talaga ako. Para po sa inyo ito.”

Pagkatapos nito ay kumanta si Sarah ng awitin ni Kelly Clarkson na “Breakaway.” Pahiwatig sa kanta ang pagkakaroon positive na pananaw sa mga bagong aspetong tatahakin sa buhay.

Sa chorus ng kanta, ay ganito ang naging mensahe:

I’ll spread my wings and I’ll learn how to fly
I’ll do what it takes till I touch the sky
And I’ll make a wish, take a chance, make a change
And breakaway
Out of the darkness and into the sun
But I won’t forget all the ones that I love
I’ll take a risk, take a chance, make a change
And breakaway…

Pagkatapos niyang kantahin ang “Breakaway,” nagsimula nang lumuha si Sarah.

Panghuling pasasalamat niya, “Maraming-maraming salamat po sa inyo, mga kapamilya.

“Mami-miss ko po itong sabihin pero isasapuso ko po ito, kasi totoo naman pong kulang talaga ang forever para pasalamatan kayong lahat dahil tinanggap ninyo ako.

“Baguhan lang po akong host, marami po akong mga naging pagkakamali pero tinanggap ninyo po ako—yung mga totoo pong nagmamahal sa akin.

“Yung mga sintunado ko [na pag-awit], tinanggap ninyo pa rin ako,

“Maraming salamat. Thank you, Lord. Thank you to my Sarah G Live family, Popsters [her fans], thank you, ‘til next time.

“Hindi pa po ito katapusan, mahal ko po kayong lahat… dito lang po sa walang katulad na sunday night concert TV, Sarah G Live… thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling umawit si Sarah bilang kanyang finale number, at kinanta niya ang kanyang hit single na “Forever’s Not Enough,”

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-awit, inisa-isang pinasalamatan ni Sarah ang mga miyembro ng banda, naging guests, performers, naging co-hosts.

Pero bago siya muling umawit, may mahiwagang mensahe si Sarah.

Aniyang natatawa, “Sa lahat ng mga nanakit sa akin, thank you, pinagkakikitaan ko siya.”

Dito na nagsigawan ang lahat ng mga nasa studio.

Patanong pa niya sa katabi niya, “Sinaktan mo ba ako?” sabay birit ng chorus ng “Forever’s Not Enough.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN