Julie Anne San Jose on Alden Richards bashers: “People shouldn’t judge agad-agad… hindi pa naman nila nakikilala nang lubos iyong tao.”

Hindi pa sigurado si Julie Anne San Jose sa pagkakaroon ng bagong ka-loveteam. Sabi ng Kapuso singer-actress, “Hindi naman pamalit. Kasi ako naman po, I’m not aiming for a loveteam, e, na maging dependent ako sa ganoon. Kami pong lahat, hinuhulma pa namin iyong mga talents namin.”


Sobra ang kaligayahan ni Julie Anne San Jose nang tanggapin niya mula sa GMA Records ang double platinum award para sa kanyang self-titled album.

Tinanggap niya ang nasabing award sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, February 10.

"Sobrang nakakagulat!” bulalas ni Julie Anne.

“It’s actually a big surprise for me.

"Ang iniisip ko… platinum lang. I wasn’t really expecting na magdo-double siya."

“So, iyon! Sobrang na-surprise talaga ako kasi hindi ko akalain.

“At nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa album ko.

“After this, I hope to do more albums. Magkakaroon din ako ng concerts.”

PATIENCE. Matagal nang wala siyang bagong show sa GMA-7 pagkatapos ng Together Forever na pinagtambalan nila ni Elmo Magalona.

Sa Party Pilipinas lang siya ngayon regular na napapanood.

Paliwanag naman ni Julie Anne, “Kasi po sa ngayon, inaayos pa ng network.

“Management decision na parang… wino-work out pa nila iyong schedules.

“Tapos, siguro definitely, siguro magkakaroon din naman po talaga. Basta… meron naman po siguro.”

Hindi siya naiinip na ilang buwan na ang dumaan, wala pang bagong project for her ang GMA-7?

Sagot niya, “Hindi naman po. Hindi naman po talaga ako iyong nag-e-expect ng maraming maraming projects.

“Basta ako, kung ano lang po iyong ibigay sa akin ng management.”

Sinasabing mabantilawan ang acting career niya at ni Elmo dahil sa poor performance sa takilya ng launching movie nilang Just One Summer.

Sabi naman ni Julie Anne, “Marami naman pong magagandang feedbacks at reviews about it.

“Somehow… yeah, definitely nakaapekto sa takbo ng career ko and sa career din po ni Elmo.”



JULIE ANNE-ALDEN TANDEM. Ngayon naman, dumarami ang kinikilig sa nabubuong tandem nina Julie Anne at Alden Richards.

Nag-trending ang pagtatambal nilang dalawa sa isang episode ng Maynila.

Sabi ng young singer-actress tungkol dito, “Siyempre nakakatuwa din.

"Kasi hindi rin naman po namin ini-expect na magkakaroon kami ng fans at mga supporters din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And… mabait kasi si Alden, e. At saka lahat ng tao ina-approach niya, sweet siya sa lahat.

“I think iyon siguro ang isa sa mga factors kung bakit nagustuhan nila together kami.”

Puwede nang pamalit si Alden ni Elmo bilang ka-loveteam niya?

“Hindi naman pamalit. Kasi ako naman po, I’m not aiming for a loveteam, e, na maging dependent ako sa ganoon.

“Kami pong lahat, hinuhulma pa namin iyong mga talents namin.

“Iyong mga capabilities namin na puwede pa kaming mag-innovate pa, at saka mag-experiment.”



COLD TREATMENT. Marami ang nakakapansin na tila nanlamig na sila ni Elmo sa isa’t isa, kumpara noong lagi silang magkadikit na parang ayaw maghiwalay.

Sabi ni Julie Anne, “Actually, hindi naman po talaga kami iyong sobrang attached na attached talaga.

“Yeah, we’re really good friends naman, e.

“At saka naman kahit hindi kami magkatrabaho, nagkikita pa rin naman kami, e.”

At saka balitang may Lauren Young daw si Elmo?

“I don’ know... I would rather not comment on that,” iwas ni Julie Anne.



NEW FANS. May reaksiyon ba si Elmo sa nabubuong tambalan nila ngayon ni Alden?

“Wala naman po!” sabay tawa ni Julie Anne. “Wala naman.

"Kasi ano naman, e… okey naman si Elmo kay Alden. And okey naman kami.”

Ang hindi lang nga okay, iyong JuliElmo fans na balitang until now ay tini-threat si Alden sa Twitter.

May gusto ba siyang iapela sa fans nila ni Elmo na pinag-iinitan si Alden na sa tingin ng mga ito ay inaagaw siya bilang ka-loveteam ni Elmo?

Sabi ni Julie Anne, “Siyempe po, I really feel bad. I really feel bad.

"Kasi parang… minsan dumarating sa point na medyo nakakasakit na rin.

“People shouldn’t judge agad-agad. Kasi hindi pa naman nila nakikilala nang lubos iyong tao.

“Tapos, hindi naman talaga ganoon ang intensiyon niya. Sana… respect lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi naman talaga natin maiiwasan na magkaroon ng mga haters, e.

“Kasi kumbaga, ang showbiz is showbiz, e.

“At saka siguro, people should learn how to separate the showbiz life and iyong private life, di ba?

“Saka may kanya-kanya naman po tayong mga buhay. So sana po respect lang.”



NORMAL DAY. Malapit na ang Valentine’s Day. Natawa si Julie Ann nang matanong kung may date ba siya.

Aniya, “Kasi ako… nasa school ako noon. Siguro I’ll just treat it as a normal day.”

Wala siyang inaasahang magyayaya ng date sa kanya?

“Hindi ko po alam, e!” sabay tawa niya. “Wala naman.”

Paano kung sabay na nagyaya sina Elmo at Alden na i-date siya sa araw ng mga puso, kanino siya sasama?

“Hindi ko po alam... wala!” tawa na naman si Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN