Lovi Poe on relationship with Rocco Nacino: "We are close, magkaibigan kami—and that’s something naman na I’d like to keep."

May laman ang isang wish ni Lovi Poe para sa kanyang kaarawan. Sabi niya: “I want to be able to balance my personal life and my career. Mahirap kasi, e. Lalo kung ang daming magagandang opportunities na dumarating sa iyo.”


Ngayong araw, Monday, February 11, ang 24th birthday ni Lovi Poe.

Pero kahapon, Sunday, February 10, ay nagkaroon siya ng celebration sa Party Pilipinas.

“Marami pa akong gustong gawin,” sabi ng Kapuso actress nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang wish niya sa kanyang kaarawan.

“I want to be able to balance my personal life and my career.

“Mahirap kasi, e, lalo kung ang daming magagandang opportunities na dumarating sa iyo.”



WISH LIST. Ano kaya ang gift na gusto niyang matanggap ngayong birthday niya?

Sabi ni Lovi, “Wala. Uhm… material things, wala na naman akong mahihiling pa.”

Dahil ba feeling niya nasa kanya na lahat?

“Hindi... hindi. Not because of that.

“It’s just ano… malalaman ko lang iyon kapag nakuha ko na… na iyon pala ang gusto ko,” nangiting sabi pa ni Lovi.

SPECIAL GUEST. Meron ba siyang planong celebration kaugnay ng birthday niya?

“Well, just a simple dinner with my family and friends… iyon lang.”

May darating bang special someone sa dinner na iyon?

“I don’ know. Let’s see!” sabay tawa niya.

Ang ex-boyfriend ni Lovi na si Ronald Singson, darating kaya sa dinner birthday celebration niya since friends naman sila until now?

“I don’t know. I don’t have a party nga kasi, so I didn’t invite anybody,” sabay ngiti niya.

“Wala akong time kahit magplano ng birthday party kasi masyado akong busy sa work.

“Ang siguro, kung may konting free time ako, para sa pahinga na lang iyon at saka sa tulog.”



ROCCO NACINO. Ang nali-link kay Lovi ngayon at leading man niya sa Yesterday’s Bride na si Rocco Nacino, dumating kaya sa dinner na iyon?

“Ang alam ko, makakasama ko siya sa taping. So iyon, baka doon kami mag-celebrate.”

Bakit nga ba patuloy siyang nali-link kay Rocco kahit marami na nilang beses sinabing friends lang sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga pagkakataon na they go out together kaya iniisip ng iba na sila na nga.

Sabi ni Lovi, “Well, I think it’s normal for people to react like that dahil may soap kami.

“And I’m actually thankful and happy. Na siguro nga natutuwa sila sa team-up namin sa Yesterday’s Bride.

“We are close, magkaibigan kami—and that’s something naman na I’d like to keep.

“Si Rocco kasi, napakabait niyang tao. Kaya isa siya sa mga taong gusto kong i-keep naman."

After Yesterday’s Bride, possible kaya ma-develop higit sa friendship iyong samahan nila?

“I don’t know. Mahirap kasi iyong ganyan, e.

“It’s nice kasi when you’re friends… alam mong it’s just there.”



RESTRICTED. Ang production number nina Lovi at Rocco sa Party Pilipinas noong January 27 na may pagka-sexy ang tema, mukhang hindi maganda ang naging reaksiyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ano ang feeling niya about it?

“Wala. I have nothing to say.

“Oo, wala akong masasabi!” bahagyang natawa si Lovi.

Gagawa pa ba siya ng ganoong klaseng production number o pag-iisipan muna niyang mabuti in case meron ulit na something like that?

“I don’t know. Wala na akong masabi tungkol doon. I’d rather not say anything na lang.”



VALENTINE’S DAY. Sa nalalapit na Valentine’s Day, ano ang plano niya?

“I have no plans. I think I have work din, e.

“I think I’m leaving... I’m going out of the country.”

Ang plano ba niyang biyahe ay para magbakasyon at makapagpahinga?

“Hopefully. That’s one of the few things that I wish to do.

“I wanna have my alone time... and explore the world!” sabay tawa na naman niya.

Dagdag ni Lovi, “I have no idea yet where to go for a vacation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-iisip pa ako kung saan ako puwede na safe mag-isa. Yun!

“Right now, tinatapos ko ang shooting ng The Bride and the Lover with Paulo Avelino and Jennylyn Mercado.

“And excited ako dahil maganda ang movie ito directed by Joel Lamangan.”

Sa career daw niya naka-focus ngayon si Lovi kaya deadma muna siya sa lovelife.

YESTERDAY’S BRIDE. Labis na ikinatutuwa ni Lovi na bukod sa mataas ang ratings ay maganda ang feedback sa pinagbibidahan niyang afternoon series na Yesteday’s Bride.

“Sobrang nagpapasalamat kami dahil nga maraming sumusuporta.

“And thankful ako, na nakatrabaho ko sina Rocco [Nacino], si Luis [Alandy], and everybody else.

“Sobrang mababait sila and magaan kami lahat sa set.”

Malapit nang matapos ang nasabing serye, gusto ba niya ay heavy drama ulit ang next project niya?

“I’ve always loved doing drama. But then, it‘s nice to do other things, e… once in a while.

“Pero I love drama talaga. So bahala na, kahit ano’ng ibigay sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN