Eula Caballero on posing sexy for FHM: “I wouldn’t say no kasi ako, personally, I find it an art.”

May napapabalitang “consistent someone” na nanliligaw kay Eula Caballero, pero kailangang maghintay pa raw ito ng kaunting panahon. Sabi ng Kapatid talent, “Kasi, I wanted him to wait until I’m eighteen. Not necessarily sa araw na mag-e-eighteen ako. Pero, I really want to know him more.”


Personal choice ni Mayor Herbert Bautista at ng Heaven’s Best Production si Eula Caballero para gumanap bilang anak ng actor-politician sa pelikulang Raketeros.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa unang araw ng shooting nito sa may Kamuning kamakailan lang.

Flattered naman si Eula na siya ang napili sa pelikula kunsaan mga kilalang komedyante pa ang makakasama niya; gaya nina Ogie Alcasid, Joey Marquez, Andrew E, Dennis Padilla, Long Mejia, at Rufa Mae Quinto.

Sabi ni Eula, “I was thrilled when I found out na tatay ko nga siya [Mayor Herbert] sa movie.

“And since I did Bagets in TV5 and he’s one of the original cast, siyempre I wanted to meet him din.

“Kasi yung iba, nakasama namin sila, like sina Tito Raymond Lauchengco, Nanay Cheska Iñigo...”



COMFORTABLE. Kumusta namang katrabaho ang mayor ng Quezon City?

Sagot ni Eula, “He’s really nice. He makes me comfortable with him at sinusubukan niya pong talaga na mag-loosen up ako with them."

Hindi ba siya nailang?

“Hindi naman po kasi siyempre, for me, I don’t know how to approach him.

“Hindi ko masabi na, ‘Ay naku, nahihiya po ako sa inyo, naiilang po ako.’

“Pero siya mismo talaga yung… he tries to makes me comfortable with him at nakikipagkuwentuhan siya sa akin as early as now.

“Kasi, first time lang din naming mag-meet ngayon.

“So, before kaming gumawa ng eksena, I really appreciated that he tried na maging comfortable ako with him.”



MAY-DECEMBER AFFAIR. Bilang magde-debut na siya ngayong taon at puwede nang magdesisyon, posible bang magkagusto siya sa older men tulad sa kalibre ni Mayor Herbert?

Sagot ni Eula, “I don’t know, kasi it happened to me na may nanligaw sa akin na may edad and natakot ako.

“Hindi naman siya nanligaw na araw-araw. Pero we were in this place called Cable Car. Wala… nandoon lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was offering me a drink, ganito-ganyan.

"So, parang ako, ‘Oh, my God, I don’t know how to handle this!’

“I just went home agad-agad.

“I’m so bad on that. Hindi ko kaya talaga. Natatakot ako sa ganoon.”

Paano kung may mayaman na nag-offer sa kanya na pupuwedeng hindi na siya magtrabaho, pero mas malaki ang tanda sa kanya?

“I don’t know... magtatrabaho na lang ako kasi pangarap ko naman talagang magtrabaho for myself.

“I never dreamt of getting the money and living the good life.

“Parang gusto ko rin... kasi, I always believe naman katulad ng sinasabi ng tatay ko…

“Na we were raised at sinasabihan kaming talaga na the best thing in life are hard to get.”



POSING SEXY. Ngayong May 23 ay magde-debut na si Eula.

Ang kasabayan niya sa Star Factor na si Ritz Azul na nakapag-cover girl na sa FHM. Gagawin din ba ni Eula ang nagawa ni Ritz?

“I wouldn’t say no kasi ako, personally, I find it an art. And hindi bastusin naman.

“Like yung kay Ritz, hindi naman bastusin.”

Posibleng pagtuntong niya ng 18, magpo-pose na rin siya?

“Yeah, if I have to decide alone. I’m turning 18 naman.

“Pero, not as much as what they did siguro. Hindi ko pa kaya yung ganoon—nahihiya ako.”

Nakahanda na ba siya?

“No,” nakangiti niyang sagot.

“Hindi ako sanay, e.

"Kahit nga sa beach, I never wore na something two-piece.

“Kapag family ko lang, I can wear that.

"Pero kapag may ibang tao, palagi akong naka-two-piece, pero may short.

“Not that I’m conservative, pero hindi lang talaga ako kumportable pa.”



ENHANCEMENT. Bago mag-pose ang ibang babae, nagpapaayos muna sila ng mga dapat pang-ayusin o “i-enhance” sa anumang parte ng katawan nila.

Sa palagay ni Eula, may dapat pa bang ayusin sa katawan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Siguro naman, meron talagang kailangang baguhin kasi we were never made perfect.

“But I think naman, yung imperfection natin, they don’t have to trouble us at all.

“Kasi, marami naman akong kakilala diyan, wala masyadong balakang, walang masyadong boobs... nakikita ko.

“But they were able to pull it off in a sexy way kahit kulang ako sa ganito, sa ganyan.”

Ano sa tingin niya ang dapat i-enhance sa kanya?

“My butt,” tila nahihiya pa niyang sabi.

“I try to workout naman, pero it’s hard.

"Anything sa likod daw, yun daw ang pinakamahirap talaga.

“Kahit sa lalaki raw, yung back, yun daw ang mahirap talaga.”



CONSISTENT SOMEONE. Malapit na ang Valentine’s Day, may mga plano na ba siya?

Sabi ni Eula, “Siguro I’m taking my mom out.

"Usually kasi, at saka last year sa Cebu, kapag Valentine’s Day, we always have dinner at home.

“Tapos, darating ang mga ate ko, ang boyfriend nila... ang kuya ko, yung girlfriend nila.

“Last year, kahit nasa showbiz na ako, we were able to do that.

“I don’t know this year kasi ang laki na ng tiyan ng ate ko. Yung isa kong ate, kakapangangak lang.

“And my brother is studying this year. So, malabo.”

Pero may special someone siya, di ba?

“Not really special someone, but someone who is consistent to be there in my life,” sabi ni Eula.

Yung consistent someone na yun, hindi pa siya niyaya sa Valentine’s Day?

“I don’t know yet. He never asked me formally, pero parang nagpaparamdam nga siya kung may trabaho nga raw ako sa [February] 14.

“Sabi ko, ‘I don’t know.’ Mukhang wala naman at saka mukhang ipapa-block-off ko, kasi nga, we usually have dinner at home.

“Tapos biniro ko pa siya, ‘If we’ll have dinner at home, why don’t you come?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi we were friends naman and, even before na hindi pa siya nanliligaw, he used to go to my place as well as my other friends na babae, na lalaki... lahat.”

EXCLUSIVELY DATING. Ang sinasabi ni Eula na “consistent someone” ay ang dati niyang kasamahan na contestant din sa Star Factor na si Christian Samson.

Si Eula ang grand winner ng nasabing reality artista search ng TV5.

Kuwento pa niya, “Kaya rin we go along very well kasi he’s taking up Digital Filmmaking in La Salle. I’m interested also."

Gusto rin daw ni Eula na iyon ang kuhanin niyang kurso, kaya lang ay hindi pa raw siya graduate ng high school.

Nasa fourth year na siya ngayon pero dahil sa schedules niya, apat na buwan na siyang hindi nakakapasok.

May isang taon na raw nanliligaw si Christian kay Eula.

“Hindi pa… totoo talaga! Kasi, I wanted him to wait until I’m eighteen.

“Not necessarily sa araw na mag-e-eighteen ako. Pero, I really want to know him more.

“There has been a lot of relationship that will last for two months, three months, parang I don’t wanna fall on that type of relationship.”

Aminado naman si Eula na "exclusively dating" na sila ni Christian.

“Yeah at wala rin namang nanliligaw sa akin. Siya lang din talaga.

"He’s very nice, he’s very nice.”

THE DEBUTANTE. Ngayong debut niya, may plano ba siyang magkaroon ng big party?

Sabi niya, “I don’t have idea yet.

"Kasi, gusto ko sana, now that I’m eighteen, gusto kong umuwi ng Cebu.

“And well, it’s not bad naman siguro in my little way, do an outreach program and all the barangays of our town.

“Kasi, it’s a very needy town.

"Sobrang mahirap talaga and super-remote… may bundok na part… may coastal din naman na barangay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakauwi na ba siya sa Cebu ngayong artista na siya?

“Last year. Kaya lang, tuwing umuuwi kasi ako sa Cebu, palagi lang ako sa city.”

Hindi talaga siya magde-debut party?

“Ako talaga, wala.

"Pero my mom, palagi niyang sinasabi na, ‘O, anak, kapag nag-eighteen ka…’ sobrang dream niya.

“Kasi, hindi niya nagawa yun sa mga ate ko kasi, siyempre, hirap na hirap din kami dati… sabay-sabay kaming nag-aaral.

“Kaya sabi niya, ‘Ikaw na lang ang gagastusan namin ngayon.’

"So, may plano siya—ayaw paawat.”

Dugtong pa niya, “Si Mommy naman, sobrang hilig sa TV, ang dami niyang crushes.

“’O, imbitahan mo si Daniel Matsunaga.’ Nakakatawa ang mommy ko.

“’Invite mo si Jasmin Curtis,’ sobrang gustong-gusto niya si Jas.

“Siyempre, gusto ko rin siyang pagbigyan kasi sobrang fan siya ng iba kong nakakatrabaho.

“So, yun. Nakakatuwa lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN