Bella Flores’s condition deteriorates; daughter wants to revive acting career to help mom’s medical expenses

This is what Ruby Arcilla (not in photo) prays for about her ailing mother, Bella Flores (in photo): “Sabi ko, ‘Lord, bibigyan Mo pa ba siya ng mahabang buhay? Kung bibigyan Mo pa siya ng mahabang buhay, gawin Mong kumportable siya para ma-enjoy pa niya yung ginagawa niya. Kung hindi naman po, okay naman po, ibibigay namin siya sa ‘Yo nang buong-puso. Ayoko na lang po siyang mahirapan."


Nakunan ng Startalk—ang weekly showbiz talk show ng GMA-7—ang pag-uusap sa telepono ng veterans stars na sina Bella Flores at Gloria Romero noong nakaraang taon.

Pero noong Sabado, February 9, lang ito ipinalabas pagkatapos pumayag ng nag-iisang anak ni Bella na si Ruby Rose Arcilla.

Sa pag-uusap na iyon ng magkumare, sinasabihan ni Gloria si Bella na magpagaling na ito para makapagtrabaho na sila.

“Oo, Mare,” lang ang sagot ni Bella sa original movie queen.

Kuwento ni Ruby, pagkatapos daw ng pag-uusap na iyon ng kanyang ina at ni Gloria, “Mare” na rin daw ang tawag ni Bella sa kanya.

Isa lamang iyon sa mga signs na nakita ni Ruby na merong Alzheimer’s Disease ang ina, pagkatapos nitang madulas nung nakaraang taon at maoperahan sa balakang.

Isa si Gloria sa tumulong sa pagbigay ng pantustos para sa gamot, kasama ang mga kasabayan nila sa Sampaguita Pictures gaya nina Boots Anson-Roa at Caridad Sanchez.

Pero ang isa raw sa unang tumulong hanggang sa ngayon ay si Mr. Ben Chan ng Bench.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na rin si Ruby kina Senator Bong Revilla at Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil nakatanggap na raw siya ng tawag na magpapaabot ng tulong ang mga ito sa kanyang ina.



BELLA’S CURRENT CONDITION. Palala na raw nang palala ang kundisyon ng Primera Kontrabida, kaya parang naaalangan daw si Ruby na ipasok sa hospital ang ina at baka hindi rin daw nito kakayanin.

“Mas pumayat na siya ngayon,” sabi pa ni Ruby.

“Talagang nag-decrease ang kanyang body.

“Wala na siyang fats. Wala na siyang laman. You know, it’s like bones and sagging skin.

“Ganun po ang nangyayari sa kanya ngayon,

“Hindi ko po alam kung makaka-recover po siya. Hindi ko alam kung what’s out there pa.

“I was kinda hesitant na ipaospital pa siya kasi baka naman alam mo na, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka di niya makaya and all that, pero we have to give it a try.

“Kailangan po natin gawin lahat na para sa kanya, para sabihin naman niya na talagang inalagaan natin siya, hindi po ba?”



THE PAIN. Hindi pa masabi ni Ruby kung kailan nila ipapasok ng hospital si Bella, dahil sa ngayon ay hirap na hirap nga raw itong ibangon o kahit hawakan man lang dahil nasasaktan na raw ito.

Saad ng anak ni Bella, “She’s always in pain.

“The only thing that she does when you move some of her body, parts of her body... ganun siya… hindi na as often before.

“Pero of course, you have to move her. You have to sit her down and all that.

“And then that’s only thing she says.

“Pag nag-spongebath siya, gaganyanin mo lang body niya, masakit na. Masakit na. Nag-aaray na siya.”

Kaya talagang tiyaga lang daw sila sa pag-aalaga.

Ito rin daw ang dahilan kaya iniwan nila ang kabuhayan nila sa Amerika at umuwi na si Ruby sa Pilipinas, kasama ang kanyang asawa at nag-iisa ring anak.

Sabi ni Ruby, “After thirty years of being away sa Philippines po, talagang tinalikuran namin ang buhay namin sa Amerika.

“Pikit-mata naming sinamahan si Mom.

“Sumama kami sa kanya because at this point in time, ako lang ang maaasahan niya.

“Ako lang ang nandito para mag-aruga sa kanya. Kaya ganun po ang ginawa namin.

“Talagang we left what we had para mag-umpisa ulit dito.



A DAUGHTER’S MESSAGE. “Lagi ko nga pong sinasabi sa mommy ko, ‘Alam n’yo naman po na nandito ako palagi sa inyo. Gusto kong malaman mo na aalagaan kita. Nandito ako sa ‘yo hanggang kailangan mo ako. Hindi ako magsasawang mag-alaga sa ‘yo kasi mahal na mahal kita…’”

Dito sa puntong ay hindi na napigilan ni Ruby ang mapaluha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niyang mensahe sa ina, “Malapit na ang birhtday mo, sana… sana makarinig ka pa sa birthday mo.

“Kung sakaling nandiyan ka pa sa birthday mo, magsi-celebrate tayo.

“Lahat ng nagmamahal sa ‘yo, makikita ka. Lahat ng nagmamahal sa ‘yo, makakausap ka.

“Kaya just hang it there.

“Kaya natin ito, alam ko matibay, malakas ang loob mo, fighter ka.

“We will survive this, Mom. Nandito lang tayo. Nandito ang Diyos para sa ‘yo, araw-araw po akong nagdadasal.”

Sabi pa ni Ruby, “Tinatanong ko nga si God. Sabi ko, ‘Lord, bibigyan Mo pa ba siya ng mahabang buhay? Kung bibigyan Mo pa siya ng mahabang buhay, gawin Mong kumportable siya para ma-enjoy pa niya yung ginagawa niya.

“’Kung hindi naman po, okay naman po ibibigay namin siya sa ‘Yo nang buong-puso. Ayoko na lang po siyang mahirapan.’

“Yun po ang aking hinihiling pag nagdadasal ako.”

RUBY FLORES. Ang isa pang hinihiling sana ngayon ni Ruby ay makapagtrabaho siya.

Lumalabas naman daw siya noong ‘70s bilang child star at gamit daw niya ang screen name na Ruby Flores.

“Makikiusap sana kung meron pong magiging interesado diyan, hindi man ako pumalit na Bella Flores, you know, mabigyan kami ng chance na magkaroon kami ng trabaho, hanapbuhay—me and my daughter Jessica.

“Willing po kaming suungin ang Pelikulang Pilipino or industriya for that matter, TV…

“Lahat po na puwede naming gawin, gagawin po namin just so magabayan namin ang pag-aalaga kay Mom.

“Kasi nga kung mahabang proseso ito, kailangan po namin ng mahabang tulong.

“So after thirty years of being away, ewan ko kung anong… what’s up ba kung ano in store for me now?

“I hope I’ll be given the chance.

“I can still play roles. I can still act,” umaasang pahayag ni Ruby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN