MasterChef Pinoy Edition grand winner JR Royol plans to wed longtime live-in partner

When asked what he would to his one million cash prize, MasterChef grand winner JR Royol answered, "Unang-una, yung long overdue na wedding. Of course, one million, for me, is napakalaking halaga for just one person so sa family, doon po mapupunta."


Matapos manalo bilang grand winner ng MasterChef Pinoy Edition, handang-handa nang pakasalan ni JR Royol ang three-year live-in partner niya.

Sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited media kay JR matapos ang live cook-off noong Sabado, February 9, tinanong ang rock band vocalist kung ano ang unang-una gagawin niya sa premyong one million pesos.

"Yung long overdue na wedding," sagot niya.

Sa nakaraang guest appearance ni JR, kasama ang MasterChef judge na si Chef Jayps, sa Kris TV, nabanggit niya na tatlong taon na silang nagsasama ng kanyang girlfriend.

Bagamat nakabili na siya ng engagement ring, hindi pa naman daw nila magawang magpakasal.

Katuwiran ni JR, "Gusto ko po kasi sana na special yung ibigay sa kanya... yung wedding namin.

"So, I’m still working doon sa funds para maibigay ko ang magandang wedding para sa kanya."

Bukod sa planong pagpapakasal, kasama rin sa kanyang mga susunod na gagawin ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa pagluluto sa pamamagitan ng Culinary scholarship na nakuha niya mula sa Center for Asian Culinary Studies.

Sabi ni JR, "December pa po ako nakapag-set ng mga plano ko sa buhay.

"Nag-resign na po ako sa trabaho and magtutuluy-tuloy na po sa Culinary.

"I’m looking forward to learning from the best, Chef Gene [Gonzales] and Chef Gino [Gonzales]."

Bagamat mas magiging abala na si JR sa pag-aaral ng pagluluto, siniguro naman ni JR na hindi niya iiwan ang kanyang banda.

"Definitely, tuloy na tuloy po ang pagbabanda, which is something na napag-usapan na rin naming magkakabanda.

"Parang kuwan ’yon, e, pinagbiyak na bunga na hindi puwedeng paghiwalayin sa buhay ko."



IMPRESSED THE JUDGES WITH "BIGOROT." Sa ginanap na live cook-off noong Sabado, binigyan ng pagkakataon ang Top 3 MasterChef finalists na magpakitang-gilas sa pamamagitan ng sa tingin nila ay pinakamasarap na ulam na magagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napili ni JR na ipakilala ang mga probinsiyang pinanggalingan ng kanyang mga magulang sa ulam na tinawag niyang "Bigorot Royol."

Ang binansagang "Rakistang Kusinero" ay may tatay na Bicolano at nanay na Igorot, kaya "Bigorot" ang tawag niya sa kanyang inihanda.

"From the start pa lang, yun na ang gameplan na makapag-prepare ng isang dish na magre-represent sa pinanggalingan ko.

"Kasi yung kinalakihan kong lasa, yun na ’yon—yung gata and smoky flavor. Medyo hinaluan lang natin ng mga tekstura," sabi ni JR.

Hindi naman nabigo si JR dahil bukod sa regular chef judges na sina Chef Fern Aracama, Chef Rolando Laudico, at Chef JP Anglo, at host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, na-impress din niya ang celebrity judges na sina Kris Aquino at Richard Gomez.

"Perfection" ang salitang ginamit ni Kris para ilarawan ang "Bigorot" ng 29-year-old kusinero.

Dagdag pa ng TV host-actress, na nagbigay ng 99 na score para kay JR, "I used to always think why are we... so parang in praise of the things that are organic. Parang feeling ko, marketing lang.

"Pero JR, pinatunayan mo sa akin, [by bringing] out the real flavors, why it’s worth it to have real to have organic goose, orgnanic eggs. Yung mga mountain brew na sinabi mo.

"Hindi ako fan ng goose but I love yours.

"Nakaka-in love ka magluto."

Sa kabuuan, nagtamo ng 96.1 score si JR.

Ito ay sinundan ng 93.9 score ni Carla Mercaida para sa recipe niyang "Adobong Tuna at Kanin Na Dilaw."

Pumangatlo naman ang inihain ni Ivory Yat na "Palabok Finale," na naka-score ng 93 mula sa judges.

Nang tanunngin ng PEP kung ang mga niluto ng Top 3 MasterChef finalists ay magiging commercially available din tulad ng sa Junior MasterChef, sinabi ng ABS-CBN Corporate Communications na wala pang plano. Pero ang recipe ng mga ito ay ilalagay sa website ng MasterChef Pinoy Edition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN