Dingdong Dantes on jealousy between him and Marian Rivera: “Walang ganoon. Ang tanda na namin... graduate na kami diyan.”

Wala raw special plan si Dingdong Dantes para sa Valentine’s Day kung makakasama niya ng kasintahang si Marian Rivera. Sabi lang niya: “Hindi naman ako marunong magmasahe, hindi naman ako kumakanta, di ba? Siguro, watch movie, nakaka-relax din yun.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes kung may mga plano na siya ngayong darating na Valentine’s Day para sa girlfriend niyang si Marian Rivera.

Sagot ng aktor, “Wala pa, may mga taping pa, pero sinusubukang magpaalam kung ano ang mangyayari… gusto ko last minute.”

May nakahanda na ba siyang Valentine’s gift para kay Marian?

Biro naman ni Dingdong, “Actually, humingi na ako ng GC [gift check] dito kay Perry [Lansigan, his manager] para mapa-experience sa kanya ang Reluxe Spa.”

Nakausap ng PEP si Dingdong sa opening/blessing ng Reluxe Spa sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, noong mismong Chinese New Year, February 10.

Si Perry Lansigan ang presidente nito, at kasosyo niya ang PPL talents tulad nina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Rochelle Pangilinan, at Arthur Solinap.

HOW DOES HE RELAX MARIAN? Bilang boyfriend, paano niya napapa-relax si Marian?

“Paano nga ba? Hindi ko alam!” natawang sabi ni Dingdong.

“Hindi naman ako marunong magmasahe, hindi naman ako kumakanta, di ba?

“Siguro, watch movie... nakaka-relax din yun.”

Siya naman, bukod sa pagpapa-spa, ano pa ba ang nakakapagpa-relax sa kanya?

“Music and tulog, at saka magagandang tanawin,” sagot ni Dingdong.

PAHIRAM NG SANDALI.Malapit nang magwakas ang primetime series ni Dingdong sa GMA-7, ang Pahiram Ng Sandali.

Sa nakaraang episode ay ipinakitang namatay na ang karakter ni Christopher de Leon.

Bukod sa kung magkakaroon ba ng pagkakapatawaran, sinabi ni Dingdong na abangan na lang kung makikilala na nga ba siya ng tunay niyang ama sa serye na si Mark Gil.

“Feeling ko, nasa peak na ng story, nasa climax ang ipinapalabas ngayon.

“So, nandoon na lahat, abangan na lang talaga nila.”

Sinasabing pinagsama-sama sa Pahiram Ng Sandali ang ilan sa pinakamahuhusay na artista sa Pilipinas—mapa-beterano man o baguhan.

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong umpisa pa lang talaga, sinabi na sa amin ang magiging direksiyon ng show.

“At kahit noong mga unang buwan, unang week, talagang we feel very lucky na makakasama namin ang magagaling talaga.

“And true enough, talagang lumabas lahat ng mga hinihintay ko, inaasahan ko mula sa kanila.

"Dahil sa kanila, para akong nanonood ng TV, pelikula, kapag nakakaeksena ko sila.”

Paano niya gugustuhing tapusin ang teleserye nila, lalo na sa karakter niya bilang si Alex?

“Tama ang sinabi ni Max [Collins, his leading lady], kailangan forgiveness sa lahat.

“Kailangan, at the end of the day, intact ang family ninyo. Dahil kahit anuman ang mangyari, kayo at kayo pa rin ang magkakasama.

“At least, kapag nag-move forward ka, e, kasama mo ang mga magulang mo—nanay mo at the very least.

“Yung pag-ibig naman, kung anuman ’yan, makakahanap ka… if hindi talaga para sa iyo, baka nga hindi.

“Pero sana, umaasa si Alex na talagang magkabalikan sila.”

MOST CHALLENGING. Ano ang masasabi niyang pinakamahirap niyang ginawa sa Pahiram Ng Sandali, lalo’t ang karakter niya ang pinakamaraming conflict?

“Siguro dito, dahil yung subject matter mas matured na at hindi lang siya nagta-tackle about love, mas nagdi-deal na sa more complex relationship.

“Hindi lang yun, marami pang nakakakabit.

“So, siguro, yun siguro, mas kumplikado siya kesa sa mas marami nang nagawa ko.”

Hindi ba nagiging dahilan ng selosan sa pagitan nila ni Marian ang kissing scenes nila sa kani-kanilang teleserye?

Si Marian ang bida ng isa pang primetime series ng GMA-7, ang Temptation of Wife.

“Wala namang ganoon sa amin. Sa kanila yata meron,” nakangiting sabi ni Dingdong.

Pero dugtong niya, “Walang ganoon. Ang tanda na namin... graduate na kami diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN