Comedian Ariel Villasanta emotionally prepared for the passing of Mommy Elvie: “Nag-let go na ako dahil mas gusto kong magpahinga na siya.”


Ayaw magpatalo sa lungkot ang komedyanteng si Ariel Villasanta pagkatapos sumakabilang-buhay ng kanyang pinakamamahal na ina na si Elvira Ramos-Villasanta—o mas kilala sa telebisyon bilang si Mommy Elvie.

Pumanaw si Mommy Elvie, sa edad na 84, noong February 8 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa breast cancer.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinabi ni Ariel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ayaw muna niyang alalahanin ang mga malulungkot na huling araw ng kanyang ina.

Mas gusto raw niyang balikan ang mga masasayang sandali nila.

Dagdag pa ni Ariel, “I want to treat this as a celebration of her life.

“Kita n’yo naman, ang daming kaibigan ni Mommy. Noong unang gabi ng wake niya, box-office hit!

“Ang daming dumating kaagad para makiramay. Yung iba, galing pa sa mga malalayong lugar.

“Sinasabi nila na pinasaya sila ni Mommy tuwing napapanood nila siya sa Mommy Elvie@18.”

Ang Mommy Elvie@18 ang reality show ng ina ni Ariel sa GMA News TV Channel 11.

Patuloy ni Ariel, “Marami ring senior citizens na dumating. Inspiration nga raw nila si Mommy dahil sa mga ginagawa niya.

“Kaya walang rason para malungkot ako sa nangyari kay Mommy, dahil lahat ay pinasaya niya.”

Nakausap ng PEP si Ariel noong Sabado, February 10, sa burol ni Mommy Elvie sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City.



THE PASSING. Ikinuwento sa amin ni Ariel na wala siya sa ospital nang bawian ng buhay si Mommy Elvie noong Biyernes ng hapon.

Nasa gitna raw siya ng traffic noong araw na iyon.

“Pabalik na ako sa St. Luke’s Medical Center [The Fort] that time. Kaso, grabe ang traffic.

“Tinatawagan na ako nina Eileen [Macapagal-de Leon, wife of Joey de Leon] kasi unti-unti na raw bumabagsak ang mga vitals signs ni Mommy.

(Magpinsang-buo sina Ariel at Joey dahil kapatid ni Mommy Elvie ang ina ng Eat Bulaga! host.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong magawa noon dahil ang layo ko pa talaga. Kung makakalipad lang sana ako, ginawa ko na.

“Pero thankful din ako na wala ako noong mga oras na iyon sa ospital.

“Alam ni Mommy na hindi ko kakayanin na makita kong unti-unti na siyang nawawala.

“Itinaon talaga ni Mommy na umalis ako at doon siya nag-goodbye.

“Ramdam ko na sinadya niyang wala ako sa kuwarto kapag namaalam siya.

“Diyan ako bilib kay Mommy, ayaw niya akong makitang umiiyak.

“Pangit daw kasi ako umiyak!” sabay tawa ni Ariel.



PREPARING EMOTIONALLY. Pero inamin ni Ariel na in-advance na niya ang kanyang pag-iyak para sa ina. Alam naman daw kasi niyang mauuwi sa ganung sitwasyon ang kanyang ina kaya inihanda na niya ang sarili.

“For the past three months, hinanda ko na ang sarili ko, emotionally.

“Kasi yun ang mga months na pabalik-balik na si Mommy sa ospital.

“Tuwing ihahatid ko siya sa ospital, umiiyak ako.

“Hindi ko lang ipinapakita kay Mommy kasi lalong hihina ang loob niya.

“Noong na-confine na nga siya last January for an operation, handang-handa na ako.

“Whatever happens, tanggap ko na.

“Tapos, noong ma-comatose siya, alam kong fifty-fifty na ang chances niya para magising.

“Lahat naman ginawa ng ospital. Pero handa naman na ako—handa na kaming lahat sa mangyayari kay Mommy.

“Actually, noong isang taon pa namin pinaghahandaan ito.

“Fighter lang talaga si Mommy. Sinabi ko nga noon na isa siyang survivor.

“Lahat ng mga sakuna sa kasaysayan ng Pilipinas ay napagdaanan na niya at na-survive niya.

“For us, it’s time for her to go.

“Nag-let go na ako dahil mas gusto kong magpahinga na siya.”

Sabi pa ni Ariel, “Natupad naman na lahat ng gusto niya, di ba?

“Nakilala niya si Tito Dolphy, pati na rin si Tita Bella Flores…

“Nagkaroon siya ng TV commercial, nagpaturo siyang sumayaw, nagkaroon siya ng premiere night sa SM Megamall, inayusan siya ni Madam Auring...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng wishes niya, natupad.

“Kaya panahon na para si Lord naman ang makasama niya.”



THE LAST CONVERSATION. Ano ang naging huling pag-uusap nilang mag-ina?

Sabi ni Ariel, “Parati naman kaming nag-uusap ni Mommy, e.

“Bago siya ma-confine sa ospital, sa bahay, ako ang nag-aasikaso sa kanya.

“Noong maipasok na namin siya sa ospital, parati akong nasa tabi niya.

“Ibinubulong niya sa akin parati na magpakabait ako, mag-ingat ako, magbago na raw ako dahil mahal na mahal niya ako.

“Siyempre, sinasagot ko siya ng, ‘I love you, ‘Mommy.’”

Nakapagbiro pa nga raw si Ariel kay Mommy Elvie sa huling pagkakataon.

Kuwento ng komedyante, “Noong ma-comatose na nga siya… lahat naman kaming nagbabantay sa kanya, bumubulong na kami sa kanya.

“Noong ako na, ayoko na ng nakakaiyak kasi ayoko na ngang maiyak, di ba? Nag-comedy na lang ako.

“Bulong ko kay Mommy, ‘Huwag ka munang bibigay, ha? Maghahanap pa ako ng pantubos sa ‘yo dito sa ospital!’

“Feeling ko naman ay natawa si Mommy sa ibinulong kong iyon.

“Kung gising lang siya, magpa-punchline din ‘yon sa akin.

“Hindi makakatiis si Mommy na hindi ako okrayin,” ngiti pa ni Ariel.



CRISTINA CASTILLO. Isa sa mabilis na nagpadala ng suporta kay Ariel noong mabalitaan ang nangyari kay Mommy Elvie ay ang estranged wife ng komedyante na si Cristina Castillo.

Nagpapasalamat si Ariel sa pakikiramay ng kanyang estranged wife kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.

Alam kasi ni Ariel na mahal na mahal ni Cristina si Mommy Elvie.

“Nagpapasalamat ako kay Cristina dahil mabilis naman siyang tumawag at nagtanong kung ano ba ang maitutulong niya.

“Sabi ko naman na malaking bagay na yung nakiramay siya sa amin.

“Alam ko na malaki ang concern niya kay Mommy.

“Noong nagsasama pa kami ni Cristina, ayaw niyang naiiwan si Mommy sa bahay namin sa Marikina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto niyang nandoon din si Mommy sa bahay namin para maaalagaan namin.

“Naayos naman namin lahat kaagad. Mabilis na in-arrange nina Kuya Joey at ni Eileen ang lahat para kay Mommy.

“Hindi man kami nag-abot ni Cristina noong dumalaw siya, pero alam niya na appreciated namin lahat ang suportang binigay niya para kay Mommy.”

Sa mismong Valentine’s Day, February 14, ang scheduled cremation ni Mommy Elvie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN