Ryan Bang on tax evasion case: "Kung gusto nila akong ibalik sa Korea e wala akong choice, babalik na lang ako."

Dahil sa kaso niyang tax evasion ay magbabago na ang pananaw ni Ryan Bang tungkol sa pagtatrabaho. Aniya, “Siyempre, malaking pera, hindi naman ako kikita ng ganyan malaki. Siyempre, nagulat lang ako. Hindi naman ako nagtatrabaho dahil sa pera. Ine-enjoy ko lang. Pero ngayon, kailangan kong magtrabaho dahil sa pera.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comedian na si Ryan Bang sa live episode ng Banana Split sa Qurino Grandstand noong Sabado ng gabi, February 10.

Sinalubong ng gag show ng ABS-CBN ang Chinese New Year o ang Year of the Snake sa naturang lugar sa Luneta Park.

Bilang isang Koreano, katulad din daw ng mga Chinese ang Bagong Taon sa kanila.

Sabi ni Ryan, “Pareho lang din, pareho lang ang Chinese at Korea. Ngayon din.”

Ano ang mga tradisyon nila kapag ganitong nagpapalit ang taon?

“Kumakain kami ng duk gook [Korean rice cake soup], sabaw yun.

“Ibig sabihin, one year older ka na. Mas matanda ka ng isang taon.

“Tapos bisita kami mga lolo, lola, pamilya… Nagba-bow kami sa mga matatanda sa amin sa pamilya namin.

“Tapos yung mas matatanda, nagbibigay sa amin ng pera.”

Siya ba, namigay rin ng pera ngayong Chinese New Year?

“Hindi, dito ako sa Philippines, e. Kaya okay lang.

“Wala akong family dito. Sa pamilya lang, e. Sa mga tito, tita… yun.”

Noong Pasko ay nakauwi naman daw siya sa Korea at nakapiling niya ang kanyang pamilya.

“Nag-vacation lang, Christmas break.”

Sikat na siya sa kanila?

“Minsan lang,” sabi ni Ryan.

“Kilala naman pero hindi ako sikat. Nabalitaan nila mga news... newspaper.

“Alam nila na merong komedyante sa Philippines.

“Marami namang Pinoy sa Korea. Sigurado ako, pinapanood nila ang Showtime.”



IT’S SHOWTIME. Bukod sa Banana Split, regular ding napapanood si Ryan sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ito ang show na masasabing mas nagpakilala sa kanya nang husto sa mga Pinoy.

Ngayon ay dalawa na ang katapat nilang noontime show—ang Eat Bulaga! ng GMA-7 at Wowowillie ng TV5.

Kumusta naman?

Sabi ni Ryan, “Ganoon pa rin, nandoon pa rin kami. Hindi naman namin iniisip na kalaban kasi idol namin ang Eat Bulaga!.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At may bago pa silang katapat ngayon?

“Meron ba? Hindi ko alam, e,” sagot niya.

Dedma lang ba siya sa show ni Willie Revillame na Wowowillie?

Sabi agad ni Ryan, “Hindi naman dedma, ayoko ng ganun. Wala akong iniisip na kalaban-kalaban.

“Hindi naman ako dedma, bakit kayo nag-iisip ng ganyan?

“Basta gusto masaya lang ako sa Showtime.”



ISSUE WITH BIR. May isyu ngayon kay Ryan.

Sinampahan siya ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi niya pagbabayad ng buwis mula pa noong 2010.

Naiulat na aabot ng mahigit isang milyon ang kailangan niyang bayarang tax, kasama na ang subcharge at interest.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Ryan tungkol dito, “Akala ko po naman, kung alam ko lang talaga, nagbayad ako.

“Kung alam ko lang talaga na may ITR [Income Tax Return], mga tax.

“Kung tatakas ako, siyempre wala ako dito, tatakas akong talaga

“Pero, hindi ko alam talaga. Nagulat lang akong talaga.”

Ang Star Magic, na siyang namamahala sa kanyang career, na raw ang nag-aayos ng kasong ito.

“Inaayos na ng Star Magic. Okay na po.

“Sa akin naman, hindi ko alam na may mga ganyan.

“Sorry naman ako kung may kasalanan ako. At saka, kung hindi magandang balita.”

Dugtong pa niya, “Kung gusto nila akong ibalik sa Korea e wala akong choice, babalik na lang ako.

“Sorry naman ako, hindi ko alam.

“Noong 2010, 2011, eighteen, nineteen [years old] pa lang ako.

“Tapos wala naman akong pamilya na nagga-guide sa akin.

“Hindi naman ako sa showbiz. First time ko. Estudyante pa ako.

“Pero kung sobrang malaking kasalanan ko yun, kailangan kong bumalik sa Korea, e, siyempre babalik na lang ako.”

Pero hindi naman daw kailangang bumalik ni Ryan sa Korea, lalo pa nga’t inaayos na nga ng Star Magic ang kaso niya sa BIR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUPPORT SYSTEM. Nang makarating sa kanya ang reklamo ng BIR ay natakot ba siya, lalo nga’t hindi naman talaga siya Filipino?

Sagot ng Korean national, “Hindi naman ako natakot. Nagulat lang din ako.

“Siyempre, malaking pera, hindi naman ako kikita ng ganyan malaki.

“Siyempre, nagulat lang ako.

“Hindi naman ako nagtatrabaho dahil sa pera. Ine-enjoy ko lang.

“Pero ngayon, kailangan kong magtrabaho dahil sa pera.

“Medyo nalungkot lang ako.”

Lalo naman daw naramdaman ni Ryan ang nabuo niyang pagkakaibigan sa mga nakasama niya sa shows niya sa ABS-CBN, tulad ng It’s Showtime at Banana Split, sa panahong nagkaroon siya ng ganitong problema.

Ang mga ito rin daw ang nagbigay sa kanya ng moral support.

Binanggit ni Ryan ang mga kasamahan niyang artista na sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Pokwang, at Vice Ganda. Pati na ang Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto, at ang direktor na si Bobot Mortiz.

“Na-touch ako, natuwa ako… grabe, ang daming tumutulong!

“Ang dami talaga kaya sa akin, nahihiya akong talaga.

“Pero, sobrang natuwa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN