Attorney Ferdie Topacio on similarity with Gabby Concepcion: “Lahat ng naging girlfriends noon, e, yung mga type ko rin, e.”

Sa pagkakaalam ni Attorney Topacio, iba ang unang single na ginawa ni Megastar Sharon Cuneta. Alaala niya: “Actually ang first single ni Sharon, hindi “Mr. DJ.” Ang first single niya, “Tawag Ng Pag-ibig.” O, meron ako noon!”


Talent manager na si Attorney Ferdie Topacio.

“Actually hindi ako personally,” kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 11, sa Lombardi’s restaurant sa Robinson’s Magnolia sa Quezon City.

“We formed a corporation to manage talents and produce concerts, records and movies.”

FIRST TALENT. Ang nineteen year-old male singer na si Xavier Cruz ang una nilang talent.

At sa tanong kung bakit si Xavier ang napili nilang unang baguhan na tulungan…

Sabi niya, “To be truthful, ang kasosyo ko rito sa company is yung father ni Xavier who is a very successful businessman.

“And mahilig yung bata, nakita ko naman... May looks, may height, may talent at talagang nakita ko yung driving ambition noong bata.

“Sabi ko, since may mga kilala din akong katulad ninyo [na members of the press], might as well help him out.

“Nakita ko naman at tsaka yung determination niya, noong sinabi namin na overweight siya...

“Pagka nasa kamera siya tataba siya... in two weeks he managed to lose twenty pounds—ang bilis!

“And then, we are now working on his image, maging artistahin siya sa looks, sa demeanor.

“Sa training, we will be training him in acting kasi may natural talent na naman sa singing, so okay na.”

FRONT ACT. Ang unang showbiz exposure ni Xavier ay bilang front act sa In Love na Valentine concert ni Angeline Quinto sa SMX sa SM Mall of Asia this February 14.

“I think we have a winner here. I am very confident, at the risk of sounding immodest.

“Palagay ko, kung ikukumpara naman sa iba ay makakasabay naman siya... kaya niyang sumabay.”

Tumulong na dati si Atty. Topacio sa isang talent, hindi ba siya na-trauma na tumulong ulit?

Tumawa muna si Atty. Topacio bago sinabing…

“Hindi ka naman dapat nadadala kung wala ka namang masamang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit yung naging kapalit noon ay hindi masyadong maganda, you just have to keep on trying.

“Hindi naman lahat ng tao, ganoon.

“At tsaka yun namang sinasabi ninyo, alam ko naman yung tinutukoy ninyo, hindi pa naman tapos yun, e.”

CONTINUING CASE. Ang young actress na si Bea Binene ang tinutukoy ni Atty. Topacio.

“Alam mo, mahaba pa ang buhay natin, hindi mo alam, somewhere down the line, e, baka magkabati rin kami’t maging magkaibigan din kami.

“Because I’m really not closing the door.

“Ayoko ng may kaaway, e. Sa edad kong ito, ang hinahanap ko puro kaibigan, hindi kaaway,” at muli siyang tumawa.

Kumusta na ang status ng kaso sa pagitan nila ni Bea?

“Well, ang naging balakid lang, the reason why there are some delays...

“Because yung lawyer na kinuha nila na isinama ko sa demanda, yung Atty. Vargas, hindi ko ma-locate, e.

“Kung saan ang office, kung saan ang bahay, we searched the internet, hinanap na ng mga sheriff.

“Ang mangyayari roon, ipa-publish namin sa diyaryo yung demanda laban sa kanya kasi iyon ang nasa rules of court... kaya nagtagal.

“Para magawa namin yun, kailangan ng approval ng court so humingi muna kami ng approval.

“Last week lang namin nakuha yung approval ng court na, ‘Sige i-publish ninyo yung demanda’.

“At tsaka after i-publish iyon, it is deeemed served... puwede nang umusad yung kaso. Iyon lang ang nagpatagal.”

Hindi pa rin daw nila nahahanap ang naturang abogado.

“Ako rin nahihiwagaan, kasi ang GMA, yung dalawang executives nila, si Atty. Delfin at tsaka si Simon Ferrer, natanggap na yung summons.

“Sina Bea at tsaka yung mom niya, originally ayaw nilang tanggapin pero tinanggap na rin nila.

“Actually gusto ngang i-serve noong sheriff sa kanila noong concert niya sa Zirkoh, e, kaya lang sabi ko, huwag kasi, mapapahiya yung bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Huwag ninyong gawin’, baka ma-traumatize, nakakaawa naman.”

STILL FRIENDS. May concern pa rin naman pala siya para kay Bea…

“Hindi kasi. Hindi naman porke kayo ay nag-away, e, hihiyain mo na yung tao, e. Hindi naman tayo ganoon.

“Kung away, yung sa tamang paraan may proseso naman, huwag yung ganoon.”

Wala siyang anumang komunikasyon kay Bea at sa ina nito.

LIFE STORY. Naitanong naman namin kay Atty. Topacio, since makulay at kontrobersiyal ang kanyang buhay, kung sakaling gagawing pelikula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap bilang siya?

Tumawa muna ito bago sumagot.

“Matagal pa yun, baka yung mga iniiisip ko ngayon baka matanda na.”

Pero kung sakali…

“Hindi actually, hindi. Ito walang biro, kaibigan natin ito, e.

“Siguro ang pinakamaganda si Gabby Concepcion.

“Unang-una, fellow Scorpio ko, e, so pareho kami ng ugali tsaka colorful din ang buhay noon, e.

“At tsaka yung si Gabby, lahat ng naging girlfriends noon, e, yung mga type ko rin, e,” at muli itong tumawa.

“Sina Janice de Belen, si Sharon, noong teenager ako, type na type ko si Sharon.”

Nagbigay pa ng trivia si Atty. Topacio tungkol sa Megastar na si Miss Sharon Cuneta.

“Actually ang first single ni Sharon, hindi “Mr. DJ.”

“Ang first single niya, “Tawag Ng Pag-ibig.” O, meron ako noon!”

Sino ang pipiliin niyang leading lady?

“Si Gabby na ang papipiliin ko.”

STILL FRIENDS. Kung hihingi ng pakikipag-meeting sa kanya sina Bea at ang ina nito, papayag ba siya?

“Anytime! Naging mga kaibigan ko sila, I still consider them as friends.

“Ang tingin ko rito ay away-magkaibigan lang na puwede namang i-solve, maaayos naman ito.

“Anytime ako... anytime.”

Handa rin daw siya na tumulong sa mga ito kung sakaling hihingan siya ng tulong.

“Wala namang problema. Sabi ko nga sa inyo, hindi ako madalaing tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi porke’t may masamang nangyari sa atin ngayon, e, may masama ulit mangyayari.

“As a matter of fact, even before I got married, lahat ng mga ex- gilfriends ko, kaibigan ko hanggang ngayon.

“When I had my first-born child, yung isang girlfriend ko na nasa States na, nagpadala pa ng isang box na mga baby clothes.

“Magkakaibigan kaming lahat.”

Hindi naman raw niya sinasabing ex-girlfriend niya si Bea.

“Hindi! Ang ibig kong sabihin, wala akong masamang tinapay kahit kanino.

“Wala, wala, kliyente ko lang iyon,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN