Andi Eigenmann on Jake Ejercito: “I’m not shy to say that I still love the person. But I don’t think na… parang, sino ba siya para hayaan ko ang sarili ko na to make a fool out of myself?"

Wala raw manliligaw ngayon si Andi Eigenmann. Pero aniya, "Kung meron, I don’t think that would be wrong kahit alam kong mamasamain ng iba diyan. I don’t think that would be wrong. Pero okay lang din. I don’t think I’m ready for that. I just wanna have fun.”


May kasunod nang teleserye si Andi Eigenmann sa ABS-CBN pagkatapos ng Kapag Puso’y Masugatan.

Pero hindi pa raw niya alam kung puwede na niyang sabihin ang tungkol dito.

“I don’t think na puwede ko nang sabihin kasi hindi pa kami nag-i-storycon.

“Pero, yeah, I have a teleserye coming up.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa opening/blessing ng Reluxe Spa sa 2nd floor ng Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City noong Linggo, February 10.

Bukod sa uumpisahan niyang teleserye, may bago ring pelikula na gagawin si Andi.

Aniya, “I’m doing a movie with Gabby Concepcion, Alice Dixson, Cristine Reyes, Dina Bonnevie.”

Ang tinutukoy ni Andi ay ang remake ng 1984 movie ni Danny Zialcita na Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi para sa Viva Films.

Gagampanan ni Andi rito ang role noon ni Janice de Belen.

Tampok din sa original movie sina Eddie Garcia, Gloria Diaz, Laurice Guillen, at ang yumaong si Dindo Fernando.

Napanood ba ni Andi ang original na pelikula?

“Hindi po, sinabi lang sa akin na role ni Janice de Belen dati. But, I’ve read the script already,” sagot niya.

Nanghihinayang nga raw si Andi na hindi siya nakapunta sa storycon ng Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi noon ding Linggo.

Paliwanag niya, “I came from the beach—sa Batangas.

“I left at 3 p.m. and I got here, mga 9 p.m. It was so traffic. Hindi ako nakaabot.

“I feel so bad. Kasi siyempre, di ba, I have to be part of it.

“Kaya lang, hindi ako nakaabot kaya dito [opening of Reluxe] na lang ako agad pumunta.

“Kaya yun nga, hindi ko pa alam masyado kasi wala ako sa storycon.”

Base sa nabasa niyang script, mas daring ba ang karakter niya ngayon kumpara sa huling pelikulang ginawa niya, ang A Secret Affair (2012)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Andi, “Well, for me, I don’t care about being daring or not. That’s not a must for me.

“And I wouldn’t be also branded by it just because I did daring or one specific thing, lagi na lang yun ang gagawin ko.

“Kasi, gusto ko, magkakaroon ako ng opportunity na maipakita ko kung ano ang kaya ko, di ba?

“At mas magagawa ko yun kung paiba-iba ang gagawin ko. And that’s basically why I did this.

“Because of the cast, si Boss Vic [del Rosario] ang producer, at si Direk Andoy Ranay po ang director—who I both dearly love.

“At bukod doon, alam kong may maipapakita akong iba dito sa mga tao—whole different thing compared to A Secret Affair.”

Sabi namin kay Andi, kung yung dating karakter na ginampanan ni Janice sa pelikula ang karakter niya, hindi nga ito daring.

“Yes, I guess,” sagot naman niya.

“And I believe, if it’s daring again, I wouldn’t have accepted it.

“Ayoko po ng tuluy-tuloy. Ayoko po ng ma-tag naman ako ng ganoon.

“Gusto ko lang pong malaman ng mga tao na ako ay isang aktres at gusto kong ibahagi ang talent ko sa mga tao at ma-entertain sila.”



MOMMY JACLYN. Kinumusta rin ng PEP kay Andi ang relasyon niya ngayon sa mommy niyang si Jaclyn Jose.

Hindi naman lingid sa publiko ang alitang namagitan sa kanila pagkatapos makapagbitiw ng salita ni Jaclyn tungkol sa mga magulang ng dating boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito.

Pero umiwas si Andi sa aming tanong.

Aniya, “I don’t want to talk about it na po, basta what’s important is we’re okay.”

Tumango lang ang young actress nang tanungin kung nabalik na ang dati nilang samahan.

Pero sabi rin niya, “Hindi naman kasi kami talaga nagkikita ngayon because I’m so busy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa iisang bahay pa rin naman sila nakatira?

“Yes, pero palagi na lang siyang pumupunta sa kanyang bahay sa Sta. Rosa, sa Nuvali.

“Yung mommy ko, doon nag-i-stay palagi.”

May sarili ring condominium unit si Andi sa Eastwood. Pero ibinebenta na raw niya ito dahil maliit para sa kanilang dalawa ng anak niyang si Ellie.



ANDI’S LOVELIFE. Natawa naman si Andi nang kumustahin namin ang kanyang lovelife.

Sabi niya, “Wala, basta masaya lang po ako.”

Bakit may balitang nagkabalikan na raw sila ni Jake?

“Hindi po totoo yun,” mabilis niyang sagot.

“Nagulat nga ako na people are saying it. But sad to say, it’s not true.”

Nagkikita pa rin sila?

“He’s not here, e.”

Pero may nakakita raw sa kanilang nanood ng sine?

“Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nila tungkol sa sine na ‘yan.”

Kay Andi rin namin nakumpirma na umuwi si Jake sa Pilipinas noong Pasko.

Tuwing Pasko naman daw kasi ay umuuwi talaga ito mula sa kanyang pag-aaral sa London.

Pero, nagkita at nagkausap ba sila noong umuwi ito?

“Hindi rin, usap—sa phone lang,” sagot ni Andi.

“Although, for me, I’m not shy to express my feelings.

“I’m not shy to say that I still love the person.

“But I don’t think na… parang, sino ba siya para hayaan ko ang sarili ko na to make a fool out of myself?

“Hindi na ako e-effort kasi wala na kong kailangang gawin pa.

“Kung ayaw niya, ayaw niya.”

Hindi na siya umaasang magkabalikan pa sila?

“Of course, there’s always something in me that says…

“But I’m happy, I’m happy with my life now, in all honesty.

“I didn’t expect that and I’m not saying I’m over him. Siyempre, I still love the person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But in all honesty, at this point in my life, I know I broke up with someone that I really love.

“It’s just a sad thing.”



OTHER SUITORS. Sa ngayon ba ay may ibang manliligaw siyang ine-entertain?

Sabi ni Andi, “Wala naman po akong other suitors.

“Pero kung meron, I don’t think that would be wrong kahit alam kong mamasamain ng iba diyan.

“I don’t think that would be wrong. Pero okay lang din.

“I don’t think I’m ready for that. I just wanna have fun.”

Handa na ba siya sa panibagong relasyon?

“No, definitely not. I’m definitely not ready to fall in love again,” sagot niya.

Not unless… to the same man?

“Yes, not unless with the same person,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN