Kapuso tween star Kim Komatsu to be launched in the afternoon telefantasya Serpentina

Ngayong Year of the Snake ay isang malaking break ang natanggap ng tween actress na si Kim Komatsu. Siya ang napili ng GMA-7 na magbida sa afternoon soap na Serpentina. Sabi ni Kim tungkol sa kanyang pagbibidahang teleserye, “Takot po ako sa mga ahas, pero dahil sa project na ito, magiging matapang ako. Alam ko naman na magiging safe ako sa taping. Kakaibiganin ko na lang ang mga ahas na makakaeksena ko para maging close kami!”


Naiyak sa sobrang tuwa ang Kapuso tween actress na si Kim Komatsu dahil sa malaking break na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Siya ang napiling maging bida sa upcoming afternoon telefantasya ng Kapuso network na Serpentina.

Sabi ng 18-year old actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala siyang kaalam-alam tungkol sa ibibigay sa kanyang solo project noong araw na pinapunta siya sa GMA Network para sa isang meeting.

Kuwento ni Kim, “Akala ko po kasi story conference yung pupuntahan ko that day. Sinabihan po ako na may meeting sa ganitong oras sa GMA-7.

“Natuwa naman po ako kasi yung last na ginawa kong series was Coffee Prince pa last year.

“Noong nandun na po, biglang sinabihan na po ako ng mga executives na ‘congratulations’ dahil ako na raw ang napili nilang magbibida sa Serpentina.

“Dun po ako umiyak talaga kasi ito na nga ang big break na hinihintay ko.

“Magiging malaking tulong sa akin ang project na ito kaya salamat po sa Kapuso network.”

Nakapanayam ng PEP si Kim sa taping ng Walang Tulugan With the Master Showman noong February 7.

Ang team na namahala sa toprating afternoon series na Sana Ay Ikaw Na Nga ang aalalay kay Kim sa Serpentina.

Magiging leading men niya rito sina Enzo Pineda at Kristoffer Martin, mula sa direksiyon ni Dick Lindayag.



GMA-7 TRADITION. Naging tradisyon na ng GMA Afternoon Prime na mag-buildup ng mga nakakontratang Kapuso stars at bigyan ng solo project bilang stepping stone sa mas magaganda at malalaking TV projects.

Kabilang sa mga na-buildup na ay sina Louise delos Reyes sa Alakdana; Sarah Lahbati sa Kokak; Jackie Rice sa Sisid; Bianca King sa Sinner Or Saint; Gabby Eigenmann sa Broken Vow; Mike Tan sa Kung Aagawin Mo Ang Langit; at sina Andrea Torres at Mikael Daez sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ni Kim na marami ang puwedeng piliin para sa role na Serpentina, pero siya raw ang only choice dahil may certain qualities daw siya na babagay para sa role.

Inamin ni Kim na pinasok niya ang showbiz para matulungan ang kanyang ina, na noong bata pa lang siya ay nagtrabaho na sa Japan para makapag-aral siya.

Matagal na raw kasing hiwalay ang mga magulang ni Kim kaya tumutulong siya para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Saad niya, “Lahat po ng ginagawa ko ay para sa family ko, lalo na sa mommy ko na matagal nang naghirap para sa amin.

“Gusto ko naman na maranasan niya ang masarap na buhay kaya ako na ang magtatrabaho.

“Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng chance na pasukin ang showbiz at nagkaroon ako ng mga projects.

“Unti-unti po ay nakakatulong na ako sa family ko.

“Noong nagkasunud-sunod po ang shows na ginagawa ko, lagi akong nagpapasalamat kay Lord dahil blessing lahat ng iyon para sa pamilya ko.”



LOLA’S GIRL. Noong nagtatrabaho sa Japan ang kanyang ina, inihabilin si Kim sa kanyang lola, kaya isa raw siyang “lola’s girl.”

Pero sumakabilang-buhay na raw ang kanyang lola noong isang taon, bagay na ikinalungkot nang husto ni Kim.

“Nalulungkot ako kasi hindi ko na maiibalita sa lola ko na, heto, magbibida na ako.

“Ang lola ko ang number one fan ko. Lahat ng mga shows ko, pinapanood niya.

“Kaya noong mawala na siya, sobra akong nalungkot.

“Sa kanya kasi ako lumaki kaya miss na miss ko na siya.

“Pero alam ko na happy ang lola ko para sa akin.

“Saan man siya ngayon, alam ko na masaya siya for me,” nakangiting sabi ni Kim.



KIM’S FATHER. May ibang pamilya na raw ang ama ni Kim.

Bata pa lang daw siya noong iwan sila nito. Pero noong lumalabas na raw sa TV si Kim ay bigla na lang daw itong nagpaparamdam sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi.

“Kasi, ever since naman, hindi siya nagpapakita sa akin at sa mommy ko.

“Nabalitaan ko na lang sa iba na may sarili na siyang family.

“Noong nasa Tween Hearts na nga ako, doon siya biglang nangumusta sa akin.

“Parang awkward lang kasi kung hindi pa ako naging artista, kilalanin pa kaya niya ako bilang anak niya?

“Parang hindi naman dapat gano’n, di po ba?

“Pero bilang ama ko, nandun pa rin ang respeto ko sa kanya,” saad ni Kim.



SERPENTINA. Noong 2011 nagsimula sa showbiz si Kim nang mag-audition at makuha bilang additional cast para sa youth-oriented series na Reel Love Presents Tween Hearts.

Nasundan ito ng mga teleserye na Sinner Or Saint, Iglot, at Coffee Prince. Regular din siyang napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman.

Lumabas na rin si Kim sa indie films na Mga Mumunting Lihim at Oros, na parehong naging entries sa Cinemalaya 2012.

Bilang nasa title role si Kim, sagaran na acting workshop ang ibibigay sa kanya.

Gagawin naman daw ni Kim ang lahat para mapatunayan na hindi nagkamali ang GMA-7 sa pagpili sa kanya.

At dahil Serpentina nga ang title ng kanyang series, makakaeksena ni Kim ang mga ahas.

“Sa title na nga lang po, alam kong may mga ahas na kasama diyan.

“Takot po ako sa mga ahas, pero dahil sa project na ito, magiging matapang ako.

“Alam ko naman na magiging safe ako sa taping.

“Kakaibiganin ko na lang ang mga ahas na makakaeksena ko para maging close kami!” natatawang pagtatapos ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN