Exes Dingdong Dantes & Karylle, Iza Calzado & Atticus King bump into each other at a party

(L-R) Dingdong Dantes and Karylle, plus Iza Calzado and Atticus King, were all spotted in one event.


Nagmistulang reunion ng mga ex-lovers ang launch party ng bagong branch ng Belo Medical Group sa The Fort ngayong gabi, Pebrero 12.

Apat kasi sa dumating na celebrities ay dating magkasintahan—sina Dingdong Dantes at Karylle, at Iza Calzado at Atticus King.



DINGDONG AND KARYLLE. Pasimula na ang programa nang magkahiwalay na dumating sa party sina Dingdong at Karylle.

Agad na nakihalubilo si Dingdong sa ilang bisita, habang si Karylle naman ay sumama sa grupo ng kaibigang si Iza.

Hindi nag-usap o nagkalapit ang dalawa.

Kahit pa noong nagsimula na ang program, kung saan limang talampakan lang ang kanilang layo, sa stage nakatutok ang mga mata ng Kapuso actor, habang kausap naman ng Kapamilya singer-actress ang mga kaibigan.

Maging sa group photo, kung saan kasali ang lahat ng celebrity guests na naroon sa party, nakatayo sa magkabilang dulo ng stage sina Dingdong at Karylle.

Mahigit apat na taon na simula nang nag-break ang dalawa. Kaya naman, nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle, kaswal itong sumagot ng, " Oo [nagkita kami], pero malayo. Nag-hi lang."

Actually, taong 2011 pa noong nilinaw nito sa isang panayam na wala na siyang sama ng loob kay Dingdong.

(CLICK HERE to read related article)

Samantala, ito naman ang naging komento ni Dingdong: “Very positive vibes… nakakatuwang gano’n na very positive.”

May dalawang taon din ang itinagal ng relasyon noon nina Dingdong at Karylle.

Ngayon ay pareho na silang may kasintahan, sa katauhan nina Marian Rivera at Yael Yuzon.



IZA AND ATTICUS. Samantala, isa sa mga maagang dumating—sa grupo ng mga celebrity guests—si Iza.

Agad itong nakipagkuwentuhan sa kapwa Kapamilya talent na si Christian Bautista at sa Wowowillie co-host na si Grace Lee.

Hindi nagtagal ay dumating si Atticus, kasama ang rumored girlfriend na si Bubbles Paraiso.

Hawak-kamay na naglakad papasok sa venue ang dalawa at bumati sa ilang kakilalang bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumasok muna sa loob ng clinic si Atticus bago sinamahan si Bubbles, na noon ay kausap na si Iza.

Matagal-tagal ding nagkuwentuhan ang tatlo. Narinig pa ng PEP na nag-aya si Atticus na kumain kasama si Iza at mga kaibigan.

Bago natapos ang event, inusisa namin si Iza.

Ang sagot ng dalaga, “Alam n’yo naman ako, Miss Congeniality. Hanggang sa mga ex ko, talagang ganyan.

“Lagi kong ine-explain na sana maintindihan ng kung sino mang dine-date nila ang ating pagkakaibigan, dahil siyempre rerespetuhin ko naman iyong ano, e, kung ano’ng meron sila.

“At bilang respeto ko doon sa ex ko, kasama doon iyong respeto sa kung sino man iyong dine-date nila.

“Lahat, actually, kung ma-interview n’yo lang lahat ng ex ko, friends ko talaga silang lahat.

“At ine-explain ko din sa boyfriend ko na sana maintindihan din niya.

“Mahirap [para sa iba] minsan na intindihin, alam ko, pero… basta ipinapangako ko naman na… iyon lang.”

Dagdag pa ni Iza, bago pa lamang daw silang nagde-date noon ng kanyang British boyfriend na si Ben Wintle ay nakilala na nito si Atticus.

Maganda naman daw ang pakitungo ng dalawang binata sa isa’t isa.

Ayon pa sa Kapamilya actress, hindi ito ang unang pagkakataong nagkita ulit sila ni Atticus.

“No [not the first time], pero this is the first time I’ve seen them together,” wika niya tungkol kina Atticus at Bubbles.

Nang tanungin naman siya tungkol sa status nina Bubbles at Atticus, ito ang naging pahayag ni Iza:

“No comment! Hindi ko po buhay iyan!

“Basta friends kami so… maybe."

Ang parting shot ni Iza, “Basta happy kami, happy lahat!”

Agad namang umalis sina Bubbles at Atticus matapos ang programa kaya’t hindi na sila nakunan ng pahayag.

Dalawa’t kalahating taon din na naging magkasintahan sina Iza at Atticus bago sila naghiwalay noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN