Chef Boy Logro on being the "Nora Aunor" of cooking: “Parang ginawa ko daw baduy ang culinary arts..."

Sa dami ng kanyang commitments, sinabi ni Chef Boy Logro na gusto niyang nakakasama ang kanyang maybahay. Sabi niya, “Kasi, pag wala akong take sa show, mas gusto kong may kausap. Siyempere, siya ang asawa ko, gusto ko siya ang laging kausap ko.”


Ibang klase ang istorya ng tagumpay ni Chef Boy Logro bilang isang Master Chef—inspirasyon talagang masasabi.

“Salamat sa Panginoon,” sambit naman niya.

“Ang panalangin ko lang naman sa Kanya noon ay mapaayos ko ang buhay ng aking pamilya.

“Kaya, kahit mahirap at malungkot sa abroad, talagang nagsumikap ako.

“Pero, hindi ko naman akalain na sobra-sobra ang ibibigay Niya sa akin.

“Kaya nga, pag may pagkakataon e ibinabalik ko sa Panginoon ang biyayang natanggap ko.

“Eleven years din yung paghihirap ko sa Jordan, pero doon din nagsimula ang pagganda ng buhay ng aking pamilya.

“Nakuha sa tiyaga, paghihirap, at panalangin.”

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang celebrity chef sa San Jose del Monte, Bulacan, nang maimbitahan siya ni Congressman Arthur Robes and mayoral candidate Rida Robes upang maghandog ng luto para sa mamamayan sa nasabing lugar.

Sinasabi ngang si Chef Boy Logro raw ang nagpabago sa imahe ng culinary arts.

“Ala naman akong formal schooling,” sabi niya.

“Di ko naman itinatago na wala akong natapos na kurso sa culinary.

“Elementary graduate ako pero yung years na experience ko, higit pa sa isang kurso.

“Ako ang kauna-unang executive chef sa buong Pilipinas. Yun, very proud talaga ako.”



INSPIRATION. Siya nga raw ang "Nora Aunor" sa larangan ng pagluluto sa Pilipinas.

Ginawa niyang masang-masa ang mundo na dati’y sinasabing pangpayaman lang.

Sabi ni Chef Boy tungkol dito, “May nagsabi nga niyan sa akin.

“Parang ginawa ko daw baduy ang culinary arts. Para sa akin, okey lang yun.

“Hindi naman lahat ay magugustuhan ka sa ginagawa mo.

“Ang importante, marangal ko itong tinatrabaho.

“Nagbibigay ako ng inspirasyon sa karamihan, lalo na yung mahirap na ang culinary arts pala ay hindi lang sa may mga kaya.

“Kahit mas mahirap ka pa sa daga o wala kang pinag-aralan, basta nasa puso mo ang pagluluto, ay magiging matagumpay ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang magandang lesson na naiiwan ko kung sakaling alam mo na... pag kinuha na ako ni Lord.”

Punumpuno ng tiwala ang GMA-7 sa kanyang kakayahan kaya matagal pang mawawala sa ere ang kanyang shows.

Mapapanood siya sa Idol Ko Sa Kusina sa GMA News TV Channel 11 at Kusina Master sa GMA-7.

“Sana nga, salamat sa Panginoon,” wika niya.

“Minsan, nakakapagod din pero kung mahal mo ang trabaho mo, nawawala din kaagad.

“Ang mga anak ko, mga kusinero din sila.

"Sabi ko, pagyamanin nila, kasi, sila din ang magmamana nito.

“Tuwang-tuwa talaga ako sa suporta ng GMA-7 sa akin.

“Sabi nila, maganda ratings ng shows kaya ginagawa ko lahat para tuloy-tuloy pa rin ako.”



SUPPORTIVE WIFE. Lagi namang kasama sa mga lakad ni Chef Boy ang asawa niyang si Emelinda Logro.

Larawan sila ng isang masayang mag-asawa, lalo’t hindi nila pinag-aawayan ang kasikatan ni Chef Boy ngayon.

“Very supportive ang asawa ko. Sa tanda ba naming ito, magseselos pa siya?” biro pa ng celebrity chef.

“Ako naman ang nagsasabi sa kanya na lagi niya ako samahan sa mga lakad.

“Kasi, pag wala akong take sa show, mas gusto kong may kausap.

“Siyempere, siya ang asawa ko, gusto ko siya ang laging kausap ko.

“Marami din kasi kaming pinag-uusapan… yung future plans… tungkol sa mga negosyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN