Dennis Padilla runs for board member in Laguna Province

Dennis Padilla: “Hindi naman mahalaga kung artista ka o kahit ano ang trabaho mo. Ang importante lang, kapag nahalal ka, unang-una, kailangan na makuha mo ang trust ng tao sa kampanya pa lang.”


Kinumpirma ni Dennis Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, February 26, na kakandidato siya bilang Bokal sa lalawigan ng Laguna.

Ipinahayag ng komedyante na si Laguna Governor ER Ejercito raw ang kumumbinse sa kanya para gawin ito, since tubong Laguna naman siya.

“Yes, tatakbo akong Board Member sa third district ng Laguna,” wika ni Dennis.


CALOOCAN TO LAGUNA. Mula sa pagiging konsehal sa Caloocan, bakit niya naisipang sa Laguna na i-pursue ang kanyang political career?

“Noong 2011 kasi ay gumawa kami ng movie ni Governor ER Ejercito, yung Asiong Salonga.

“Tapos, during the shooting noong 2011, ay sinabi niya sa akin na kulang daw siya ng isang kandidato para sa board member sa third district.

“Then sabi niya, ‘Hindi ba taga-Nagcarlan kayo ng tatay mo?’

“So sabi ko, ‘Sige, kung kailangan mo talaga, lilipat ako ng Nagcarlan at ipapaayos ko na lang iyong bahay ng Tatay ko roon.’

“So, lumipat ako ng residency ko noong 2011, September, and then I decided to run.

“Nag-file ako ng kandidatura ko last year, November,” pahayag pa ni Dennis sa PEP noong nag-shooting sa Himlayang Pilipino Memorial Park ang pelikulang Raketeros. Kasama niya rito sina Herbert Bautista, Andrew E, at Ogie Alcasid.


FOCUS: PUBLIC SCHOOLS. Nasa ilalim ng Partidong UNA si Dennis, na galing sa LAKAS-NUCD noong naging konsehal ito sa Caloocan City.

Binanggit ni Dennis ang gusto niyang gawin para sa Laguna na nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral ng public schools.

“Unang-una, ang gusto ko ay kamukha ng ginawa noon ni [Vice President Jejomar] Binay sa Makati.


SCHOOL UNIFORM. Aniya, binibigyan ng libreng uniporme at saka sapatos iyong mga nasa Public School.

“Ngayon, kung hindi kakayanin ng pondo ng Laguna ang lahat ng public schools, kahit unahin na lang muna iyong mga elementary students.

“Tapos siguro, the following year ay high school naman, tapos the following year ay baka puwedeng yung high school at saka elementary na ang bigyan ng libreng uniform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kayang lahat ay bigyan ng libreng sapatos, bakit hindi?” seryosong paliwanag niya.


COMFORT ROOMS. Binigyang pansin din ni Dennis ang kakulangan ng mga comfort rooms.

“Tapos, napansin ko kasi, maraming comfort rooms ng mga public school sa Laguna, medyo kailangan na ng renovation.

“So, iyong mga public comfort rooms na hindi na puwedeng i-renovate, gawaan na ng bago.

“Tungkol naman doon sa comfort room, ang priority ko kasi talaga roon are the girls na estudyante.

“Kasi, iyong mga students na lalaki, lalaki naman iyon, e, kahit butas-butas ang CR nila ay okay lang, lalaki naman iyan, e.

“So, ako talaga, kasi napansin ko, kawawa naman iyong mga babae kapag sira-sira ang mga CR nila, tapos, iyong mga flush ay hindi gumagana.

“Alam mo, ito yung mga maliliit na basic needs na hindi nabibigyan ng pansin hindi ba?

“Pero kailangang-kailangan talaga ito, e.


DRINKING WATER AND NUTRITION. Napansin din niya na kailangan ang malinis na tubig.

“Tapos siguro, mga bagong drinking fountain din... drinking fountain na mayroong filter.

“Actually, ang idea ko, gusto ko na mayroong filter yung mga drinking fountain, kamukha noong sa mga refilling station.

“Ngayon sabi nila, ‘Saan kukunin iyong budget sa pagpapalit ng filter?’

"Sabi ko, ‘Siguro yung budget na iyon ay kaya namang sagutin ng Department of Education yung tungkol sa filter.’

“At saka iyong pondo ng special education fund ng probinsiya, maaari mo naman gamitin siguro para pambili ng filters.

“Importante kasi iyon, kung bibigyan mo sila ng drinking fountain, kailangan ay siguradong malinis iyong tubig.

“Iyong nutribun, puwede rin nating maging project para sa mga estudyante sa public schools.

“Malaking bagay kasi iyon kapag naibigay mo ang mga maliliit na pangangailangan ng mga tao,” ang mahaba niyang tinuran.


ADVANTAGE. Ano ang kaibahan niya kumpara sa ibang kumakandidato ngayon?

“Ang majority naman ng public servant, in fairness, talagang gusto nilang mag-serve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, unang-una, kung hindi ka dedicated sa papasukin mo, hindi ka magpapakapagod sa kampanya.

“Dahil ang kampanya ang pinakamahirap na gagawin mo.

“Ngayon, kung manloloko ka lang ng tao, gagawa ka lang ng kalokohan, diyos ko, huwag mo na itong pasukin. Huwag mong sayangin ang effort mo.

"Kaya kapag nanalo ka, gawin mo na iyong tama.

“Ang kaibahan ko, iyong sinseridad, kasi makikita naman ng mga tao kung nanloloko ka lang, e.

“Kasi katulad ko, tatlong beses akong nanalo, three terms ako sa Caloocan City as a councilor.

“Sa unang term pa lang, kung alam nilang mali akong iboto, hindi na ako maboboto sa second term, hindi na ako maiboboto sa third term.

“Kasi kumbaga, pinagkatiwalaan ka namin noong una, nakita namin na puwede kang pagkatiwalaan, iboboto ka namin ulit.”


ACTOR-POLITICIAN. Bilang isang artista, iyon bang tag na ’taga-showbiz lang iyan,’ uso pa ba iyon o isyu pa ba iyon?

“Hindi naman… Ako, e, noong 1998, nag-councilor na ako hanggang 2007, nine years.

“Actually, hindi naman mahalaga kung artista ka o kahit ano ang trabaho mo.

“Ang importante lang, kapag nahalal ka, unang-una, kailangan na makuha mo ang trust ng tao sa kampanya pa lang.

“Tapos, kapag may tiwala na sila sa iyo at naiboto ka na nila, kailangan lang na ang gagawin mo, pulos tama.

“At saka ipapakita mo sa kanila na naiintindihan mo ang trabahong pinasok mo.

“Parang kunwari ay doctor ka, kailangan na kapag kinarir mo ang pagiging doctor, alam mo talaga ang ginagawa mo.

“At sigurado ka na kapag sinimulan mo ay tatapusin mo.

“Ganoon din sa pulitika, kapag pinasok mo iyon, kailangan na panindigan mo.”


TRUST. Ano ang pinakaiingatan niya sa larangan ng pulitika?

“Iyong tiwala ng mga tao,” mariing saad niya.

“Kasi ang mga Pilipinong botante naman ay hindi sila tumitingin kung… ‘May pinag-aralan ka ba? Mataas ba ang pinag-aralan mo? Marami ka bang alam?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, e. Ang number one na tinitignan ng mga botante, kung dapat ka bang pagkatiwalaan.

“Iyon ang mahalaga sa lahat, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN