Ogie Alcasid breaks promise to wife Regine Velasquez about buying expensive gifts; buys Asia’s Songbird a Gucci bag

Ipinaliwanag ni Ogie Alcasid kung bakit napagdesisyunan niyang bilhan ng mamahaling regalo ang asawang si Regine Velasquez. Sabi niya, "You know, pag naiisip ko kasi yung asawa ko on how hard she works, at sa bahay inaalagaan pa niya yung anak namin, e, ano ba naman yung pasalubungan ko siya ng… ‘O, ‘eto, naalala kita. Kasi alam ko hirap na hirap ka rin sa pagtatrabaho at pag-aalaga kay Nate. Eto, reward mo from me, from your husband.’ Habang


Natawa si Ogie Alcasid na alam na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang latest gift niya para sa asawang si Regine Velasquez.

Kababalik lang ni Ogie sa Pilipinas mula sa ilang araw na guesting-stint niya sa U.S. concert tour ni Angeline Quinto.

Sa interview kay Ogie, sinabi namin na si Regine mismo ang nagpakita ng pasalubong niyang Gucci bag.

Bagamat natuwa si Regine sa pasalubong, inirereklamo ng Asia’s Songbird na sinira raw ni Ogie ang usapan nilang hindi sila magbibigayan ng mamahaling items ngayong Valentine’s Day.

Problema tuloy ngayon ni Regine ang pag-iisip at paghahanap ng regalong pantatapat sa Gucci bag ni Ogie.

Paglilinaw ni Ogie, “Bale ano yun... exempted yun.”

GUCCI BAG. Ikinuwento ni Ogie sa PEP kung bakit naisipan niyang bilhan ng bag ang misis niya.

“Kasi, when I was in the States, nakita ko yung bag… nagandahan ako, e.

“Sabi ko… you know, pag naiisip ko kasi yung asawa ko on how hard she works, at sa bahay inaalagaan pa niya yung anak namin, e, ano ba naman yung pasalubungan ko siya ng…

"‘O, ‘eto, naalala kita. Kasi alam ko hirap na hirap ka rin sa pagtatrabaho at pag-aalaga kay Nate. Eto, reward mo from me, from your husband.’

“Habang kaya ko pa, gagawin ko yun."

Sabi pa ng singer-songwriter, “Ngayon, yung sinasabi niyang wala na muna kaming expensive gifts… sinabi ko kasi sa kanya yun nung dumating na ako, e.

“’O, Hon, ha? Let’s be practical na!’” tawa ni Ogie.

“Ahm… kasi ayokong maisip na mawalan ng essence ng Valentine’s Day since you gave an expensive gift, di ba?

“I think, it’s more important that you remember your partner, di ba?

“Saka minsan, parang ano na lang yun, e… ’Mahal, bibili na lang ako ng mahal para okay na ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or, bibili na lang ako ng wala siya.

“What if we make it more exciting? Try to look for an item that will… bagay sa theme.

“Ang napili ko ngang theme is something na hindi mo ini-expect.

“So, kailangan niyang mag-effort, di ba?

"Yung bag, hindi kasali yun doon sa theme namin.

“Nabili ko na actually yung item na yun, na hindi niya ini-expect or something that make her feel na, ‘Oh, wow! Naisip mo yun?’

“So, yun ang exciting part doon—magugustuhan ba ng partner mo yung ano [item]?

“Sabi ko, kailangan hindi siya expensive. Yung bagay lang na sa tingin mo, e, mae-excite ako.”



VALENTINE’S DAY. Sa mismong Valentine’s Day raw ibibigay ni Ogie ang totoong regalo niya kay Regine.

“Sa umaga pa lang, nandoon na… nakalatag na doon, bago pumunta sa Arena.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang magaganap na concert nilang mag-asawa ka-back to back ang dating married couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera—ang Foursome.

Exciting para kay Regine ang Valentine’s Day dahil sa sorpresa ni Ogie sa kanya.

Last year nga raw, kuwento sa amin ng Asia’s Songbird last Sunday sa dressing room ng H.O.T. TV sa GMA Network, maraming roses ang nabungaran niya sa kanilang bahay.

Sabi naman ni Ogie, “Yung roses, kasama na yun. I always believe na you have to give on Valentine’s Day. Kasama lagi iyon.

"So, dagdagan lang natin ng konting unexpected.”

Kuwento pa ni Regine, si Ogie ang nag-isip ng sorpresa kung ano ang magiging kaganapan sa kanilang dalawa sa Valentine’s Day.

Isa na rito ang pagbibigay ng mga hindi nila inaasahang gifts.

Samantalang ang ugali naman ni Regine ay bibili na lang siya ng item na medyo mamahalin.

Pagrarason naman ni Ogie, “E, kasi ako yung maarte, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako yung… romantiko naman yung asawa ko, kasi malambing naman siya.

“Pero ako yung mas wild mag-isip. So, sumasakay na lang siya.”



SLEEPLESS. Noong nawala si Ogie ng ilang araw dahil sa kanyang trabaho sa States nitong January, nai-share ni Regine ang matindi niyang pagkasabik kay Ogie.

Sabi ng singer-actress, hindi siya makatulog nang maayos sa gabi dahil nami-miss niya ang kanyang asawa.

Hindi rin daw makatulog nang husto ang baby nilang si Nate dahil hinahanap nito ang kanyang "Dada" (Daddy Ogie).

Hindi miminsang naibahagi ni Regine ang hindi niya pagsang-ayon na mawalay sa kanya si Ogie dahil gusto niyang lagi itong nakikita.

“Mahirap talaga!” napangiti si Ogie.

“Pamilya na kasi kami, e. Ganoon na kami noong nag-asawa na kami.

“But now na may baby na kami, hindi mawala, e—para kayong may tali, e.

“So, pag nawala yung isa, you worry. Sasakay ka ng eroplano… may ganoon lagi.

“Tapos, iba pa yung time zone. At pagtulog mo, wala yung katabi mo...

"Mahirap, nakakapanibago talaga!”

Siya rin ba ay nahihirapang matulog?

“Hindi talaga ako makatulog.

"Unang-una, jetlag ako. Tapos… hindi talaga… hindi ako sanay.

“Ang laki-laki ng kama mo, mag-isa ka lang.”



COMMITMENTS. Madalas naman umaalis mag-isa si Ogie lalo na kapag nagpupunta ito ng Australia para bisitahin ang kanyang mga anak.

Ito ang unang alis ng singer-composer-host-actor na mag-isa sa taong ito.

“Mahirap. Pero kasi ito ang nature ng trabaho natin, e. Singer tayo, e. A singer travels a lot.

“So, kaya ngayon, mas iniisip namin kung magtu-tour siya, puwede ba akong sumama.

“As much as possible, nagsasamahan kami para magkasama kami palagi.”



MARTIN AND POPS. Sa mga celebrity couples, maganda ang daloy ng relasyon nina Ogie at Regine na walang ka-pressure-pressure.

Pareho namang singer-entertainers ang mga kaibigan nilang sina Martin at Pops, pero nagkahiwalay.

Birong tugon ni Ogie, “Hindi pa naman huli ang lahat, baka magkabalikan pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa estado ng lovelife ni Martin?

“Hindi ko siya nakakausap sa estado na ‘yan. Mas… kasi kami ni Martin, mas pinag-uusapan namin yung mga anak namin.

“Kasi, kami as parents, hindi na kami na, ‘Uy, ano ba? Yung lovelife ko…’ Wala na kaming ganoon.

“Puro bata yung pinag-uusapan namin—yung children niya, yung anak ko.

“We really don’t talk romantic thing. Ahm… if he’s happy right now, then good for him.”

Diin ni Ogie, close friends sila ni Martin.

“No, we are! We’re very good friends.”

Pero hindi sila buddy-buddy?

“We can be… actually we are, e! Ang tagal ko nang kaibigan si Martin.

“Pero sa ganyang level… matindihang… wala lang time, e."

Kailangan bang mag-inuman sila nang bonggang-bongga ni Martin?

“E, hindi umiinom yun.

"Siguro kung mag-tour kami, magkakausap kami nang matindi.

“Kaya namin yun, kaya naming pag-usapan yun [personal life]… if he’s willing to talk to me about it.

“But, I don’t know. As I’ve said, kung happy naman siya, I’m happy for him.”

Hindi ba mahilig si Ogie magbigay ng advice sa mga kaibigan?

“Hindi, e, hindi ako ganoon, e. Matimpla akong tao, e.

"I don’t wanna sound na parang alam ko na lahat.

“Kung tutuusin, mas matanda naman sila sa amin. But… and they’re mature people, they know what to do.

“But if they want to talk to me, I’m always willing. Bahala na… malay natin,” nakangiting pahayag ni Ogie.



NETWORK NEGOTIATIONS. Tungkol naman sa rebelasyon ni Ogie na may “ongoing talks” sa pagitan ng kampo niya at ng TV5, gayong nasa GMA-7 pa siya, ang sumunod naming itinanong sa kanya.

Bakit niya ini-reveal sa presscon ng Valentine concert nilang Foursome ang tungkol dito?

Sagot ni Ogie, “Because it’s the truth… there are talks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not going to lie about it and I don’t wanna deny the truth that there are talks.

“Tinatanong sa akin, e, di sasabihin ko, meron.”

Nakausap na ba niya ang GMA-7?

“Not me, not me. I don’t deal with our bosses directly. It’s my manager [Leo Dominguez].”

Hindi na ba siya masaya sa Kapuso network?

“Ah, no! That’s not true, that’s not true,” umiiling na sabi ni Ogie.

Ano ba ang magiging trabaho niya sa TV5, kung sakali? Posible bang nasa TV5 at nasa GMA-7 rin siya at the same?

“I cannot say those things until everything is final.

"Pero yung hindi na ako masaya dito [GMA-7], of course not!

“Dito na ako tumanda,” giit niya.



IN GOD’S TIME. Ibig sabihin, hindi niya iiwan ang GMA-7?

“I cannot answer that question,” iwas niya uli.

Ano ba ang dahilan at aalis siya sa isang bahay? Na ang tinutukoy namin ay ang napipinto niyang paglipat sa TV5.

“In everything I do, dumaan ako sa kantong ito, saan ako pupunta, lagi akong nagdadasal in everything I do.

“So, in a decision as major as this, which affects myself, my career, my family, and the people that I work with, I always pray about it.

“So, it’s really God’s will.

“If God shows me, ‘Son, this is where you will you go.’ And you will know that.

“God will confirm that to you.

"So, that’s my only my basis. I have no other basis—that’s my only basis. Yun lang.

“There are many factors, pero it doesn’t compare with the fact that’s it’s all God’s will.

“I know that’s sounds corny pero yun talaga yung paniniwala ko,” seryosong pahayag ni Ogie.

May sign na ba siyang nakikita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madami… madami. But you cannot… hindi mo puwedeng pangunahan si God, di ba?

"Saka kailangan mong hintayin Siya. Di ba, may saying na, ‘In God’s time’?

“Yun na ang ibig sabihin noon… hindi mo Siya puwedeng pangunahan. Yun lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN