Cesar Montano: "I love my family and I will never do anything to hurt my family or to destroy my family."

Ito ang pakiusap ni Cesar Montano patungkol sa balitang hiwalayan nila ni Sunshine Cruz kaugnay ng sinasabing third party raw na si Krista Miller: "I need your help also na alam kong maayos din ‘to. There’s nothing impossible to God and katulad ng sinabi ko rin kanina, ‘I will never, never, destroy my family. And I love my family, my children, so dearly and that’s why I’m working, that’s why I’m going on with wh


Humarap sa media si Cesar Montano kahapon, February 12, para sa presscon ng bago niyang pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story, sa Belissimo restaurant sa Scout Rallos, Quezon City.

Introducing sa nasabing pelikula ang nali-link kay Cesar na si Krista Miller, pero hindi ito dumalo sa presscon.

Kadalasan, kung sa pag-aari ni Cesar na Belissimo ginaganap ang presscon ng pelikula ay naroon din ang asawang si Sunshine Cruz para humarap at mag-istima ng mga imbitado.

Pero kahapon ay wala ang misis ng aktor.

Si Cesar ang producer, writer, at director ng biopic ni Mayor Alfredo Lim at may katungkulan din si Sunshine sa pelikula.

Ayon kay Cesar, “Siyempre sa money matters. Siya ang tumitingin ng lahat ng lumalabas na pera, pumapasok na pera.

“That’s very important to me kasi yun ang mga bagay na hindi ko na kayang gawin being the director and the producer of the movie.

“Siyempre, sa ganoon ang kailangan yung close sa ‘yo at pinagkakatiwalaan mo. At siya ang makakagawa ng bagay na yun."

Pero sa kalagitnaan din ng shooting ng Alfredo S. Lim, naglabasan ang mga isyu at intriga sa pagitan nina Cesar at Sunshine dahil diumano sa pagkakaugnay ng aktor kay Krista Miller.

Hindi ba naapektuhan ang tungkulin ni Sunshine bilang may hawak ng budget ng pelikula?

“Actually, kami ang nagsa-sign ng cheque, so walang problema!” natatawang sabi ni Cesar.



THE UNTOLD STORY OF CESAR AND SUNSHINE? Pero binawi rin ng actor-director ang unang pahayag niya.

Pag-amin ni Cesar, “Well, may problema. To be quite honest, may problema.

“But, lahat naman ng marriage... there’s no perfect marriage. Lahat naman nagkakaroon ng problema.”

Hindi nakaapekto yung problema nila sa paggawa ng pelikula?

“No, no... picketed ako sa pelikula.

"Wala akong... kahit gustuhin kong sumagot, hindi ko kayang sumagot dahil naka-commit ako rito.

“Naka-commit ako na ibibigay ko ang buong-puso at isipan ko dito sa Alfredo S. Lim: Untold Story. I cannot afford to divide my attention.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, naapektuhan ako, pero pinilit kong i-focus ang sarili ko sa pelikula.

"Pero, hindi ko kayang dayain ang sarili ko na makialam pa sa ibang bagay na hindi naman makakatulong.”

Pero okay na ba ang “problema” nilang mag-asawa?

“Okay lang, nasa proseso tayo ng pag-aayos. Inaayos pa.

"I love my family and I will never do anything to hurt my family or to destroy my family."

Tanong ng isang kasamahang writer, kung kasama ni Cesar si Sunshine bilang signatory ng mga cheques, ibig bang sabihin nito ay lahat napirmahan ng misis niya?

Na ang nais tumbukin ng tanong ay kung pati tseke ng talent fee ni Krista ay pinirmahan din ni Sunshine.

Sagot ni Cesar, “May ibang humihingi rin na kailangan ng cash. Yung cross [cheques], wine-waive, sina-sign na lang.

"Pero lahat ng nagtrabaho, kailangang bayaran.”



NO MARRIAGE IS PERFECT. Sa huli, sinubukan pa ring hingan si Cesar ng anumang statement sa isyu sa pagitan nilang mag-asawa ngayon.

Hindi kasi maikakaila ang problema dahil sa marami na ring naglabasang reports tungkol dito.

Ayon naman kay Cesar, “Sa totoo lang, katulad ng sinabi ko kanina, any marriage to that matter, hindi naman perpekto katulad ng marriage namin ni Sunshine.

“Pareho kaming tao lang na nagkakamali and to be able to sustain and maintain this married life, it’s not an easy task.

“So, hinihiling ko lang na ito, sana maunawaan ninyo kami.

"At kung anuman ang trouble na nangyari sa family namin, ang ginawa ko na lang is vertical ventillation.

"At nasa process kami to put both ends meet at maayos ‘to.

“And I believe, through your prayers also, I need your help also na alam kong maayos din ‘to.

"There’s nothing impossible to God and katulad ng sinabi ko rin kanina, I will never, never destroy my family.

"And I love my family, my children, so dearly, and that’s why I’m working, that’s why I’m going on with what I do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inspirasyon ko po ang family, especially si Sunshine.”

Dugtong pa niya, “Yung nangyari po ngayon, I was too busy and there was these few days na bigla na lang daw may lumabas.

“Sabi ko, napapikit-mata ’ko and sabi ko, ‘Hindi ko puwedeng i-divide ang utak ko at kalimutan ko ang pelikula para lang diyan.

“Kasi, napakahirap ng ginagawa ko. Nasa set ako, yung ibang mga dialogue na ginawa ni Eric Ramos [co-writer niya]...

"Sorry, ha. Marami akong pinalitan kasi binabalasa ko siya sa mismong set, yung buong kuwento.

"Hindi madali ang trabaho ko," paghingi niya ng paumanhin sa kasama niyang nagsulat na nasa presscon din.

“Tapos, the following day, mero’n kang shooting sa Intramuros—ninety-five precent of the movie was shot in Manila so I had to stay in Manila Hotel.

“Akalain mo yung may lumabas, sabi ko, ’Dapat ko bang patulan ‘to?’” pagtukoy niya sa intrigang pinalayas daw siya ng asawa sa kanilang tahanan.

“But I said to myself, ’Bakit ko naman papatulan, ano lang ’yan... sasagutin ko na lang ’yan in due time. Kapag ayos na lahat.’

"Alam ko darating ang time to answer it."



"KRISTA-GRAM" Patuloy ni Cesar, “Ayoko muna kasing kausapin, kasi si Shine, naging produkto…

"I cannot blame her, kasi marami siyang panahon sa Instagram sa Twitter.

"I cannot blame her. Naging produkto siya no’n, e," pagbanggit din niya sa naglabasang posts ng asawa sa Instagram kaugnay ng mga gamit daw niyang napunta kay Krista.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Cesar, "Ako kasi, tinray ko na na magganoon.

"Pero, may mga tao kasing hindi naman sa walang panahon, pero ningas-kugon lang ako.

“Nag-Instagram ako, siguro mga three days lang.

"But now, pinabayaan ko ang Instagram ko and other people put pictures there to say something there.

“Kaya sabi ko, wala na akong panahon diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, si Sunshine ang naging produkto niyan.

"And actually, nakakaaawa yung ibang taong na-involve din dito and I feel so sorry.

“So, again, inuulit ko, I ask for your support na sana mag-focus muna tayo sa pelikula.

“I need your prayers kasi nasa process kami ng pag-aayos ng buhay namin… and I love my children so much.

"At gusto kong lumaki ang mga anak ko na magkasama kami ni Sunshine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN