Aljur Abrenica shows new house to girlfriend Kylie Padilla

Dahil may trabaho si Aljur Abrenica sa mismong Valentine’s Day, maghahanap na lang daw siya ng time para mag-celebrate kasama ang kasintahang si Kylie Padilla.


May trabaho si Aljur Abrenica sa mismong Valentine’s Day. Pero gagawa raw siya ng paraan para ma-celebrate pa rin nila ito ng girlfriend niyang si Kylie Padilla.

Aniya, “Kami ni Kylie, a… pinag-usapan na namin ‘yan.

“So, maghahanap na lang siguro kami ng time sa Araw ng mga Puso... kung merong libreng oras.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur pagkatapos ng Party Pilipinas last Sunday, February 10.

May plano ba siyang i-surprise si Kylie through gift o kaya ay isang dinner date?

“Hindi siya mahilig sa gano’n, e.

“Si Kylie, sobrang simpleng tao lang ‘yon—kung ano ang maibigay mo sa kanya.

“Minsan nga, siya pa ang nag-i-insist na huwag na lang.

“Kahit ano’ng ibigay mo sa kanya, naa-appreciate niya… basta galing sa puso.”



NEW HOUSE. May bagong nabiling bahay si Aljur, at balitang kinilig daw si Kylie nang yayain ng Kapuso hunk na makita ito.

Kuwento ni Aljur, “Nadala ko do’n si Kylie… magkasama kasi kami.

“Iyon yung time na mag-uusap kami nung dating may-ari ng bahay para sa bayaran. Isinama ko na siya.

“Very supportive si Kylie sa pagbili ko ng bahay.

“Tapos sa mga interior design, marami na rin siyang na-suggest.”



NEXT PROJECT. Ilang buwan na rin ang nakararaan matapos ang huling teleserye ni Aljur sa GMA-7, ang Coffee Prince na muli nilang pinagtambalan ni Kris Bernal.

Wala pa bang bagong project para sa kanya ang kanyang home network?

Sabi ng young actor, “Sa ngayon, wala pa. Sana soon, magkaroon na.

“Sa ngayon, regular lang ako sa Party Pilipinas. At saka magge-guest ako sa isang episode ng Magpakailanman.”

Si Kylie, may sisimulang bagong serye sa GMA-7, ang Unforgettable, kung saan makakatambal nito si Mark Herras.

Supportive naman daw si Aljur sa kanyang girlfriend pagdating sa career nito.

“Ako naman kasi, pagdating sa trabaho, malaki ang tiwala ko kay Kylie. Kasi talagang pinaghahandaan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka nakita naman natin kung paano siya nag-mature as an actress. Ako, hanga talaga ako sa kanya.

“So itong Unforgettable, maganda yung kutob ko dito.

“Kakaiba yung kanyang role base sa naikuwento niya sa akin na alam kong magagampanan niya nang maayos,” pahayag ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN