Foursome concert makes it to CNN’s "50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates" list

Nakasama sa listahan ng “50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates" list ng CNN ang panonood ng concert na Foursome, kung saan tampok ang top Filipino performers na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.


Kung mainit na usapan lagi sa showbiz kung sino ang makaka-date nino at saan, at kung ano ang kanilang plano sa Valentine’s Day, nag-suggest ang CNN (Cable News Network) website, under Travel category, ng mga lugar na dapat puntahan kung hindi pa nakapagplano ang mga magkasintahan ng kanilang Valentine’s day celebration.

Tinawag nila itong “50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates.”

Ayon pa sa international website, “If your romantic tendencies don’t include pre-planning or gift splurging, you’re in luck.

“This guide to last minute (but totally cool) Valentine’s dates will leave you looking mushier than ‘Titanic 3D.’ In a good way.

“Failure to book in advance just became a good thing.”

Kabilang sa listahan ng CNN ng limampung lugar na maaaring puntahan ng mga nagmamahalan ngayong Valentine’s Day ay ang Pilipinas.

Nasa Top 21 ang Pilipinas, at ang rekomendasyon ng CNN na gawin ng magpupunta rito ay “catch a concert.”

At ang concert na binanggit nila ay ang Foursome, tampok ang apat sa pinakamalalaking pangalan sa Philippine music industry—sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Gaganapin ang concert ngayong Valentine’s Day, February 14, sa SM MOA Arena.

Ito pa ang inilagay na deskripsiyon ng CNN tungkol sa Foursome:

“Yes, they were once married, then divorced, but Martin Nievera and Pops Fernandez still love making music together, which they’ll do at a historic Valentine’s concert with a new pair of singing lovebirds, Ogie Alacasid and Regine Velasquez.”

Nakalagay rin ang contact at booking details: "Mall of Asia Arena, Pasay City; +63 2 470 2222; www.smtickets.com"

Ang Foursome ang unang pagsasama ng singing couples na sina Martin & Pops at Ogie & Regine, kaya naman itinuturing itong malaking event sa Philippines music industry.

Ang nanguna sa listahan ng CNN para sa “50 cities, 50 last-minute Valentine’s dates” ay ang panonood ng improv comedy show na Valentijnsdag sa Amsterdam, Netherlands kunsaan maaaring manalo ng mga papremyo ang mga magsing-irog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inirekomenda rin ng CNN ang pag-i-stroll sa Gazi District ng Athens, Greece (No. 2); ang star-gazing sa Stardome Planetarium sa Auckland, New Zealand (No. 3); ang pag-inom ng martinis sa Eden Bar na matatagpuan sa The Rimrock Resort Hotel sa Banff, Canada (No. 4); at ang pagbisita sa chocolate shops sa Barcelona, Spain (No. 5).

Para sa kumpletong listahan, bisitahin ang website ng CNN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN