Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap put marriage on hold to set up business; Rochelle says Arthur has not proposed yet

Inamin ni Rochelle Pangilinan na naghihintay siya ng proposal mula sa kanyang boyfriend na si Arthur Solinap. Sabi ng dancer-actress, “Lahat naman ng babae, pangarap naman yun. So, siyempre… Ano ito? Tututukan ko ng baril, hindi ka pa ba magpo-propose?”


Magkasosyo sa negosyo ang magkarelasyong Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.

Sila ang dalawa sa may-ari ng bagong bukas na Reluxe Spa na matatagpuan sa 2ndfloor ng Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Arthur at Rochelle.

Paano nga ba sila napasok sa ganitong negosyo?

Sabi ni Arthur, “Actually, bilang mahilig magpamasahe sina Perry [Lansigan, their manager], sina Rochelle, sina LJ [Reyes], so naisip nila, ‘Bakit pa ako magpapamasahe sa iba?’

“Huli na nga akong pumasok. Actually, puwedeng si Perry na nga lang.

“Pero, parang tulong na rin niya ito sa amin para makapag-venture rin into business.”

Dagdag naman ni Rochelle, “Para matuto… para matuto ng bago. Kasi, bagong step sa buhay.

“Actually, yung mga natutunan ko rito, kaya ako paos ngayon, ang dami.

“Toka-toka kami ng ginagawa rito. Pero lahat, pinagbobotohan ninyo, kung okay ba itong napili mo.”



PARTNERS. May mga couple na naniniwalang kapag hindi pa mag-asawa, hindi magandang magsosyo sa negosyo. Naniniwala rin ba sila rito?

Ani Rochelle, “Actually, kaming dalawa, nirerespeto namin yung mga paniniwala ng iba.

“Pero kami kasi, wala kaming ganoon. Ano kaming dalawa, ‘In God’s will naman ‘yan… in Jesus’s name, maaano ‘yan.’ Palagi kaming ganoon.

“Naniniwala kami nang diretso sa Itaas kesa sa mga kasabihan.”

Sabi naman ni Arthur, “Hindi rin ako naniniwala sa mga kasabihan. Sabi nga nila, malas nga raw yun.”

Dagdag ni Rochelle, “Sinasabi rin nila, kapag sabay kayong nagpunta ng Baguio, hindi magkakatuluyan. Sabi nila…”

Singit naman ni Arthur, “Based on your personal experience kasi yun.”

Natatawang tugon ni Rochelle, “Hindi, grabe ka!”



WEDDING. Sa pagtayo nila ng negosyo, posible bang kasunod na nito ang kasalan?

Sabi ni Arthur, “E, paano akong makakadiskarte, may kontrata pa ito. May three years contract kasi itong pinirmahan.”

Ibig sabihin, tatlong taon pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Arthur, “Oo, three years pa ang hihintayin ko.”

Sabi naman ni Rochelle, “Alam niya yun, ‘no. Alam niya ang pinirmahan ko.”

Pero kung si Arthur ang tatanungin o masusunod, gusto na niyang magpakasal?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

Sabi naman ni Rochelle, "E, bakit di mo ginawa?”

Sagot ni Arthur, “Siguro, okay rin na after three years, mas makaipon, mas right time.”

Sabi ni Rochelle, “Well, kahit anong mangyari, kung gustuhin man niya or basta in God’s time, darating at darating yun.

"Magiging smooth lahat yun. Kasi, merong mga ganun, e. May mga anik-anik siyang hindi natutuloy.

“Mga planong ganito, pero kung ibibigay talaga ni Lord, isang iglap lang yun, ang dali noon.”



PROPOSAL. Nakapag-propose na ba si Arthur kay Rochelle noon?

Sagot ng binata, “Hindi pa, hindi pa…”

Susog naman ni Rochelle, “Uy, ha? Hindi si God ang magpu-propose, ikaw ha?”

Pero plinano na ba niya noon?

Sagot ni Arthur, “Baka marinig niya, secret na lang. May time talaga na pumasok na sa isip ko.

“Pero, marami lang pumipigil—mga sitwasyon na tulad niyan, hindi pa ready sa mga ganyan, may mga contracts.

“Siguro, kapag smooth na lahat.

“At saka, para sa akin, hindi siya right time, kasi nag-aano rin ako ng mga sign.

“Tapos, may mga papasok pa na mga blessings. Conflict din.

“At saka, bata pa naman… sandali lang naman ang three years.”

Kung si Rochelle ang tatanungin, ayaw pa ba niya?

“Hindi naman, puwede naman. Kung ako ang magpu-propose sa kanya!” natatawa niyang sabi.

Kahit paano, naghihintay na rin siya?

Sabi ni Rochelle, “Siyempre, oo. Lahat naman ng babae, pangarap naman yun.

“So, siyempre… Ano ito? Tututukan ko ng baril, hindi ka pa ba magpo-propose?”

Sagot ni Arthur, “Siyempre, hindi na.”

Sabi naman ni Rochelle, “Nasa sa kanya yun. At saka, kung sakali, siya ang magiging haligi ng tahanan, so matuto siya ngayon pa lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THIRD PARTY. Sa estado ng relasyon nila ngayon, kahit tatlong taon pa ang hihintayin nila, sa palagay ba nila, sila na talaga?

Sagot ni Rochelle, “Yes, oo, sa dami ng pinagdaanan namin.”

Dagdag ni Arthur, “At saka, hindi naman ako mag-i-stay sa kanya kung wala akong nakikitang future, di ba?

“Ano pa, sasayangin mo lang ang time mo. Kumbaga, magkasama kami pero wala ka pa rin palang plano sa taong yun, di ba?”

Ngayong taong ito ay papasok na sina Arthur at Rochelle sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan.

Pero sa loob ng mga panahon na yun, hindi pa ba nangyari na nagkaroon ng third party sa pagitan nilang dalawa?

“Noong first year,” bunyag ni Rochelle.

“Kay Art… maraming lumalandi diyan. Pero wala talagang relasyon, mga landi-landi lang."

“Mga nangungulit lang,” paglilinaw naman ni Arthur.

Sabi naman ni Rochelle, “E, kasi ano siya, sanay siya sa single na buhay. Hindi talaga ine-expect na magiging seryoso.

“Like sa Daisy Siete, naging guest namin siya, tinatawag ko siya ng ‘Beh, Beh,’ e.

“Lahat naman ng naging guest doon, tinatawag kong ’Beh.’

“Hindi ko alam na matutuluyan siya, e, sa akin lang, joke time lang. After noon, hindi na ko nagbiro, kasi natuluyan ako.”



VALENTINE GIMICKS. Noong Valentine’s Day, may inihanda raw na sorpresa si Arthur kay Rochelle.

Kumusta naman ang nagdaang Valentine’s Day nila at paano nila ito idinaos?

Arthur: “Yung first year, alam ko, puro beach.”

Rochelle: “Fine dining, ginagawa niya sa akin, sinabi niya sa akin ang attire. Kinuwento niya sa akin ang buhay niya. Naka-dress ako ng stripes. Naaalala mo yun?"

Arthur: “Basta ang sasabihin ko sa kanya, smart-casual.”

Rochelle: “Ite-text niya sa akin. Tapos ako, gusto ko ng mga surprises. Minsan, kapag sinasabi niya sa akin ng February 13, hindi na ako nakakatulog… nae-excite ako.

“So yung, first Valentine’s date namin, sa roof deck… kuwentuhan, tapos, kinuwento niya yung buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganito buhay niya… ganyan. E, siyempre, hindi ako puwedeng umuwi ng lasing.

“Tapos yun, first time niya kong inakbayan.”

Yung second Valentine’s date nila?

Rochelle: “Sofitel. Nag-dinner tayo. Tapos pinakain mo sa mga fish yung paa ko. Tapos, tour yun, e. Sa isang gabi, tinu-tour niya ’ko.”

Arthur: “Third, yung sa Batangas na.”

Rochelle: “Yun lang, bonding lang kami doon. Kasi, gusto namin yun, joyride-joyride. Tapos sabi niya, ’Magdala ka ng pang-summer, pang-swimming.’”



IN BUSINESS. Ngayon naman, ano ang pinapadala ni Arthur?

Sabi ni Rochelle: “Wala pa, kasi, naka-focus pa kami sa business.

"Pero pinaparinggan na niya ako, nasa Hong Kong pa lang kami na, ‘Peninsula tayo, ha?’

“Sabi ko, ‘Huwag muna. Naano ko, ‘wag muna.’ Kasi, mahihirapan na akong matulog.

“Pero siyempre, naa-appreciate ko lahat yun sa kanya… sobra.”

Dagdag ni Arthur, “Last year, binigyan ko siya ng maraming rose. Kada stem, may iba-ibang sulat.”

Ang sweet pala ni Arthur?

Sabi ni Rochelle, “Yes… actually nagugulo kami kasi lahat ng occasion, sine-celebrate namin.

“Birthday niya, birthday ko, anniversary namin, August 8.

“Tapos Christmas. Lahat yun, sine-celebrate namin. Yung birthday niya, araw niya yun.

“Yung Valentine’s, araw ko. Siyempre, birthday ko, araw ko.

“Tapos, anniversary, araw ko pa rin yun. Surprises lahat!”

Sabi naman ni Arthur, “So, ang mangyayari, yung birthday ko ang araw ko lang. Okay lang naman kasi, babae naman.”



ACCEPTANCE. Nabanggit din nilang dalawa na kailan lang, nagpunta sila sa Hong Kong kasama ang pareho nilang pamilya. Kasama ni Rochelle ang nanay niya at mga kapatid; si Arthur naman, ang mga magulang nito.

Okay daw ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya.

Sabi ni Rochelle, “Wala talagang problema. Siguro kung meron man, very petty-petty lang.”

Pagdating naman sa career nila, kakapirma pa lang ni Rochelle ng three-year guaranteed contract sa GMA-7.

Si Arthur naman ay nasa Pepito Manaloto pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rochelle, “Sabi ni Mama Perry, meron daw. Pero surprise. Lahat surprise, ‘no?

“Pero ako naman, noong pagpasok ko sa PPL [talent agency], sinabi ko naman talaga na trabaho.

“Kung saan ako kikita. Hindi ko naman na talaga gusto ang fame.

“Pero kung ibibigay, why not? Pero ako, nakakaahon naman lagi.

“Para nga akong may show na regular sa mga regionals ko. So, hindi ako namumroblema.

“Nagkaroon pa ng business. Ngayon, hindi pa ako nagtatanong sa kanya.

“Inunahan na niya ko agad na, ‘May show ka na.’ Kung anuman yun, thankful.”

Sabi naman ni Arthur, “Noong December kasi, dapat mag-i-Indio, isa sa mga diwata.

"Kaso, ang required na costume, topless.

“E, sa mga past projects ko kasi, parang hindi na ako nakapaghanda sa mga hunky-hunky, nasa comedy ako palagi.

“E, in one week, start na. Nakakahiya naman kunin ang project na hindi ka ready.

“May role nga ako sa Indio, tapos hindi ka handa, huwag na lang.

“Hindi pa siguro. Sa ngayon, nagre-ready na lang ako kapag may mga ganoong project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN