Kris Aquino’s first indie film offer requires her to shave hair and do love scene with another actress

Kris Aquino is raring to do the indie film offered to her. However, since it requires her to shave her hair and do love scene with female actress, the actress still needs the approval of the companies she endorses. She further explains, “I have a responsibility rin because mayroon akong napirmahan na mga kontrata.”


Handa kaya si Kris Aquino na magpa-shave ng buhok at gumawa ng love scene sa kapwa niya aktres para sa isang indie film?

Ito raw ang hinihingi sa script na ipinadala sa kay Kris ng Bwakaw director na si Jun Lana para sa gagawin niyang indie film.

Kung si Kris lang ang tatanungin, walang problema sa kanyang gawin ito pero nagdadalawang-isip siya dahil sa kanyang endorsements.

Kuwento ni Kris, “Pinabasa pa namin sa [advertisers].

“May dalawa kasing multinational [companies] na malalaki talaga ang kontrata ko.

“Kahit na role ‘yon, I need their approval kasi I sell their milk, I sell their detergents, so parang ‘yon ang na-realize ko.’"

Sayang daw, sabi ni Kris, dahil pagkakataon sana ang indie film na ito “to challenge myself as an actress.”

Pero dahil sa kanyang mga ine-endorse, “I have a responsibility rin because mayroon akong napirmahan na mga kontrata.

“‘Yon, it calls for a kiss with a girl, a physical act sa pagkatao ko at sa sarili ko na ipinagdadasal pa namin—kasi, on-cam, kailangan kong i-shave ang ulo ko.”

Bagamat wala pang tiyak na desisyon tungkol sa offer sa kanyang indie film, pinangunahan na ni Kris na, “Kung tumanggi man ako doon, I want to make it clear na it wasn’t my decision but the endorsements.

“Ginagalang ko lang kasi may mga kontrata ako sa kanila.”



POSSIBLE FIRST INDIE. Sa una, hindi raw talaga inakala ni Kris na sa kanya io-offer ang ganung klase ng pelikula.

“Ako? Boy [Abunda, her talent manager], nagkamali ba sila? Sa akin ba talaga nila ito pinadala?” pagtataka umano ni Kris nang makita ang letter at storyline ng posibleng first indie niya.

Bago raw ito, kuwento ni Kris, “Kakasabi ko lang that day na ayaw ko nang umarte.

“Tapos noong biglang nabasa ko, sabi ko, ‘Oh, my God, gusto ko yata.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ‘yon takot na takot ako.”

Gustung-gusto sana raw gawin ni Kris ang indie film na ito kung wala lang mga tatamaang mga commitment.

“Even if you’re an actress and you want to portray a role, kapag sensitive na…

“Although it’s about female empowerment…

“Ang ganda-ganda kasi ng tag line.

“Doon nila ako nakuha: ‘We all thought we know her story, watch her rewrite her life.’ Ganun!”

Gayunman, kailangan pa rin daw ni Kris na hintayin kung ano ang sasabihin ng mga kompanyang ineendorso niya.

Sinabi pa niya sa huli, “Kung hindi matuloy, hindi siguro para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN