PEP SCOOP: Iwa Moto three months pregnant with Pampi Lacson’s baby

Namataan ng PEP si Iwa Moto na namamasyal sa Alabang Town Center kasama ang kasintahang si Pampi Lacson. Hindi inilihim ng aktres na tatlong buwan na siyang buntis sa anak nila ni Pampi.


Aksidenteng nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Iwa Moto sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City.

Kasama ni Iwa ang kanyang boyfriend na si Pampi Lacson.

Kapansin-pansin ang umbok sa tiyan ng StarStruck alumna, kaya naman bagamat nagulat nang makita kami ay hindi na nito itinanggi ang tunay na kalagayan niya.

Inamin ni Iwa na tatlong buwan na siyang buntis sa anak nila ni Pampi.

Hindi nagpaunlak ng panayam si Iwa sa PEP dahil, ayon sa kanya, may mga inaayos pa siyang mga bagay-bagay.

Maliban sa pagsagot sa aming katanungan kung ilang buwan na ang tiyan niya ay wala nang iba pang sinabi si Iwa.

Ngunit tiniyak niya sa amin na darating ang takdang panahon na magbibigay siya ng pahayag.

Bagamat matagal na silang nagsasama, kasal pa rin sina Iwa at Pampi sa kani-kanilang mga nakahiwalayang asawa, na sina Mickey Ablan at Jodi Sta. Maria.

May isang anak sina Pampi at Jodi, samantalang inamin ni Iwa na nakunan siya sa magiging anak sana nila ni Mickey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN