Sam Milby will reunite with ex-girlfriend Anne Curtis in a movie

Sa mga panayam kay Angeline Quinto, palagi nitong sinasabi na may crush siya kay Sam Milby. Pero pagdududa ni Sam, “Minsan nga duda ako, ‘May crush ka ba talaga sa akin?’… Pag may crush ka kasi sa isang tao, mas may kaunting ilang factor, siya wala talaga—very open si Angeline.”


Pinagtatakhan ni Sam Milby kung bakit lumaki at nagkaroon ng iba’t ibang kuwento agad ang pagiging bukas niya sa paghanga kay Shaina Magdayao.

Sa mga nakaraang panayam kay Sam, naihayag niya na balak niyang ligawan ang ex-girlfriend ng kaibigang si John Prats.

Last Sunday, February 10, sa ASAP 18, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sam tungkol sa plano niyang panliligaw kay Shaina.

Aniya, “Hindi kami nakakalabas, walang time talaga ’coz every time, yung taping.

“Ang problema diyan, pinag-uusapan na, e, wala pa.

“Tinanong ko lang si Praty [John Prats], kung saka-sakaling liligawan ko si Shaina, okay ba sa kanya.

“Hindi naman ibig sabihin na may something na kami. People get it the wrong way.

“Sa ngayon, we’re friends, we’re enjoying the friendship."



LATEST TELESERYE. Gumaganap si Sam at si Paulo Avelino bilang leading men ni Angeline Quinto sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin.

Pagkatapos ng dalawang taon na hindi napanood sa isang serye si Sam, nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanilang programa.

Saad niya, “Big relief talaga na after two years, first team-up naming tatlo, with Paulo and Angeline, ito ang first teleserye ni Angeline.

“First time para sa aming lahat so the fact na mainit yung pagtanggap sa teleserye namin, they welcome the KKP [Kahit Konting Pagtingin], sobrang happy kami.

"And gusto naming pasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa amin sa KKP.

“Thank you din kay Sir Deo [Endrinal], kay Tita Cory [Vidanes] and sa ABS-CBN for this project.

“To be honest, parang naninibago uli ako sa oras ng taping, sanayan na pagpupuyat.

“It’s a light serye naman so hindi masyadong pressured—masaya.”



LONGTIME FRIENDS. Sa interviews nina Sam at Angeline, kaugnay ng promo ng kanilang palabas, ay nabanggit nilang pareho na matagal na silang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatulong daw nang malaki sa dalawa ang pagsasama nila sa Kahit Konting Pagtingin para higit na maging malapit sila sa isa’t isa.

Sabi ni Sam, “Mas naging close naman, mas naging kumportable kami. Siyempre halos every day naman kaming magkasama.

“Close kami even with Paulo, noong mga first tapings days namin kasi he’s very quiet.

“Lahat kami, buong cast, buong production, nagki-click talaga so masaya."

ANGELINE’S CRUSH. Very open si Angeline sa pagsasabing sa pagitan ng dalawang kapareha ay mas crush niya si Sam.

Hindi ba naiilang si Sam sa mga sinasabing ito ng kapareha?

“Hindi naman naiilang, nagulat lang.

"Kasi matagal na kaming magkaibigan, hindi naman niya ipinapakita na may crush siya sa akin.

“Minsan nga duda ako, ‘May crush ka ba talaga sa akin?’

“Kumportable kasi kami, magkaibigan lang talaga yung relasyon namin, yung samahan namin.

“Pag may crush ka kasi sa isang tao, mas may kaunting ilang factor. Siya, wala talaga—very open si Angeline.”



EX-GIRLFRIEND. Balita rin na may nakalinya na isang pelikula si Sam kung saan makakatambal niya muli ang ex-girlfriend na si Anne Curtis.

Kinumpirma naman agad ito ng aktor.

Aniya, “Ah… may script na si Chris Martinez, ang sumulat ng kuwento.

“Anne is co-product of Viva and Star, hindi pa kami nag-i-storycon, I think later this year pa naman mag-i-start yung shooting.

“Ang alam ko yeah, matutuloy.

“Siyempre three years na naman. I don’t think kasi after noong breakup namin, very open…

“Breakup, tapos, may ginawa kaming movie, Babe I Love You, it was hard para sa amin right after the breakup.

“Pero ngayon, it’s over three years na and I don’t see there will be a problem on us.

"It’s a comedy movie. We will have a fun time on the set, siyempre para sa mga fans namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon malakas ang following namin ni Anne, nandiyan pa rin sila para sa amin."

Si Anne ang isa sa pinakasikat na female celebrity at isa sa mga top product endorsers ngayon. Para kay Sam, deserving naman talaga ang ex-girlfriend sa mga biyayang natatanggap nito.

“Hindi ka puwedeng pumunta sa isang lugar na di mo makikita ang mukha ni Anne.

“She deserves it, she’s mahusay na actress, mahusay na host, she deserves it.”

Tinanong din ng PEP si Sam kung nagkakausap ba sila ng kanyang ex.

Sagot niya, “Hindi... hindi naman sa hindi kami nag-uusap.

“I saw her sa Sinulog Festival... hindi kami nag-uusap pero pag nagkikita kami, ‘Hi, hello,’ yung ganoon.”



HOLLYWOOD BREAK-IN. Minsang umalis ng bansa para subukan ang suwerte niya na makapasok sa Hollywood, ayon kay Sam ay hindi pa rin niya sinusuko ang pangarap niyang makagawa ng pangalan at tatak sa international scene.

Aniya, “Babalik at babalik naman ako sa States pero sa ngayon, wala akong time sa dami ng blessings ngayong 2013.

“So habang busy ako dito, di ako aalis dito. Dito na muna ako sa Philippines.

“Ang balak ko, pabalik-balik. Ang ginawa ko nitong last year, yun talaga ang plano ko na aalis ako ng... siguro puwede two or three months lang…

“Para yung mga auditions and then babalik uli ako.

“Sana habang nandoon ako, may teleserye akong iiwan dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN