Glaiza de Castro teams up with Vic Sotto in new Kapuso sitcom; says age does not matter in love

Bagamat single ngayon si Glaiza de Castro, tinanong siya kung may kaso ba kung saka-sakali ang magkaroon siya ng boyfriend na malaki ang tanda sa kanya. Sagot ng Kapuso actress, “Sa akin kasi, hindi naman problem yung age. Ang mahalaga yung binibigyan ka ng importansiya, hindi ka niloloko at mahal ka niya. May mga kakilala ako na mas matanda sa kanila yung edad ng BFs nila, pero happy sila. Iba nga, mas happy talaga. Kasi, kuwento nila, mas matured nga. Mas naiintidihan kung w


Hindi maitago ni Glaiza de Castro ang kanyang sobrang kaligayahan dahil nakapag-first taping day na siya sa bagong sitcom ng GMA-7, ang Vampire Ang Daddy Ko.

“Opo, sobrang tuwa ko talaga,” excited na sabi ni Glaiza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertaintment Portal) sa loob mismo ng kanyang sasakyan papunta sa isang pictorial.

“Kasi matagal ko na ding pinangarap si Bossing [Vic Sotto]. Tagahanga niya ako since bata pa ako kasi tuwang-tuwa ako sa kanilang tatlo…kay Sir Tito [Sotto] at Tito Joey [de Leon].

“Lagi kasi kaming nakatutok no’n sa Eat Bulaga. Even now, pag me time sa tanghali, din namin pinalalampas ’yan.

“Kaya ngayon na kasama ko na siya, feeling ko talaga, dream come true ito para sa akin.”

FIRST REGULAR SITCOM. Nagkuwento na rin si Glaiza tungkol sa karanasan niya sa first day of taping nila noong February 12. Bukod kay Vic ay makakasama rin niya sina Oyo Sotto, Derrick Monasterio, Bea Binene, at Pilita Corrales.

“Hay grabe, para kaming isang malaking family!

“Parang walang dull moments. Tuwang-tuwa lahat.

“Basta pag pag break, yun, kulitan. Biruan nang biruan.

“At si Bossing, sobrang maasikaso. Para kaming mga anak niya na inaalagaan.

“Kahit konting bagay lang, tinatanong niya kami kung okey ba kami. Yun, gano’n. Parang tatay na parang kuya."

Sabi pa ni Glaiza, “Masaya ako kasi first time ko ding magkaroon ng regular na sitcom.

“Dati, nakakapag-guest-guest din ako sa ibang shows ng GMA, pero iba ito kasi nga regular ako.

“Tsaka, yung ibang mga kasama ko dito, first time ko makatrabaho, kaya yun, exciting.”

Kakaiba ang role niya dito, malayo sa karakter niya sa Temptation of Wife bilang si Heidi

“A, sobrang layo… light role siya, walang masyadong drama o katarayan, pero nakaka-enjoy.

“Naka-costume din ako.

“Parang na-in love sa akin dito si Oyo na hanggang tumanda na kami, e, gano’n pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nagbabago yung love niya sa akin.”

Para kay Glaiza, malaking relief ang sitcom sa kanya bilang isang drama actress.

“A, oo,” sabi niya. “Yung si Heidi kasi, kailangang magpakita ng mataas na energy.

“Napaka-emotionally draining siya, pero fulfilling naman.

“Dito, relax lang, pero kailangan din seryosohin.

“Kasi, ibang klase din ang comedy. Sabi nga nila, mas mahirap din ang magpatawa kaysa sa magpaiyak.

“Tama nga siguro kasi, yung timing, yung tamang attack sa role, malaking factor talaga.

“Yung pabagu-bagong role, challenging yun para sa akin. Mahilig pa naman ako sa challenges kaya okey lang.”

Bilang si Vic ang kapareha niya, hindi kaya maintriga naman siya sa idolo ng komedya?

Reaksiyon ni Glaiza, “Ay naku, ayaw kong isipin yung ganyan.

“Hayaan na lang natin na maging masaya si Bossing kung sino man ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Basta ako, happy na meron akong bagong project.

“Sitcom naman ‘tong ginagawa niya, huwag nang lagyan ng drama.”

Ang girlfriend ni Vic ay si Pauleen Luna, na malayo ang agwat sa comedian-TV host.

Ayon naman kay Pauleen, hindi hadlang ang edad ng isang lalaki para maging boyfriend niya.

“Okey lang naman sa akin,” sambit niya.

“Sa akin kasi, hindi naman problem yung age. Ang mahalaga yung binibigyan ka ng importansiya, hindi ka niloloko at mahal ka niya.

“May mga kakilala ako na mas matanda sa kanila yung edad ng BFs nila, pero happy sila. Iba nga, mas happy talaga.

“Kasi, kuwento nila, mas matured nga. Mas naiintidihan kung work mo.

“Pero siyempre, as much as possible, mas gusto ko din yung kasing-age ko pero responsible.

“Yung pareho ang takbo ng utak n’yo, yung interests n’yo sa buhay.

“Sa ngayon, wala muna sa akin ‘yan. Dami kong work at baka di ko lang siya maasikaso, e, magiging cause lang ng away namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka na lang siguro ’yan,” pagtatapos ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN