Cesar Montano asks former President Joseph Estrada’s blessing for Mayor Alfredo Lim filmbio

Hindi itinatago ni Cesar Montano na may dinadaanang problema ang pagsasama nila ng asawang si Sunshine Cruz, pero hindi raw niya hinahayaan na makaapekto ito sa kanyang trabaho. Sabi ng aktor, “Ayokong madamay ang trabaho natin but, at the same time, inaayos ko rin ang personal naming mga problema. Kung papabayaan natin maapektuhan ng personal ang trabaho natin, mas malaking problema ang mangyayari. Kaya kahit mabigat, ’ika nga nila, the show must go on... Pagkatapos n


Bago sinimulan ni Cesar Montano ang film project na Alfredo S. Lim: The Untold Story, alam niyang magkakaroon ng hindi magandang intriga, lalo na sa kampo ni former President Joseph "Erap" Estrada.

Si Erap ang mahigpit na kalaban ni Manila Mayor Alfredo Lim sa pagtakbo bilang alkalde ng Maynila ngayong 2013 elections.

Pero hiningi pa rin daw ni Cesar ang blessing ni Erap para gawin niya ang filmbio ng makakatunggali nito sa eleksiyon ngayong Mayo.

Sabi ni Cesar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre, bago naman natin sinimulan ang proyekto na ito, marami tayong kinunsidera—lalo na nga ang paghingi natin ng blessing mula sa dati nating Pangulong Erap.

“Alam ko na mahirap na sabihin ito noong una sa kanya dahil nga may nagaganap na ngang mga usapan sa pagitan nila.

“But still, bilang artista at director, kailangan kong gawin ang trabaho ko. I have to be professional about it.

“Since si former President Erap ay isa ring artista at itinuturing nating industry leader, kailangan ay magbigay ako ng respeto sa kanya.

“Para lang naman sa akin, marami akong matutulungan na mga maliliit na mga workers sa industriya. Sa pagsimula ko ng project na ito, may mga mabibigyan ako ng mga trabaho.

“Alam ko naman na kagustuhan din ni former President Erap na may nabibigyan tayo ng mga trabaho sa industriya.”

Natuwa naman si Cesar nang ibigay ni Erap ang hinihingi niyang blessing para masimulan na niya ang kanyang pelikula.

“Dun ko napatunayan ang pagiging understanding niyang tao.

“Sabi niya sa akin na gawin ko ang proyekto dahil artista ako at director ako. At marami nga tayong mabibigyan ng trabaho.

“Kaya laking tuwa ko dahil nanggaling na nga ang blessing mula sa isa sa itinuturing nating ama ng industriya ng Pelikulang Pilipino.”



FOURTH MOVIE. Hindi itinatanggi ni Cesar na magiging malaking tulong sa kampanya ni Mayor Lim ang bagong pelikula tungkol sa buhay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may tatlong pelikula nang nagawa tungkol sa buhay ni Mayor Lim—pinagbidahan nina Rudy Fernandez (Alfredo Lim, 1977), Ramon Revilla (Target: Major General Alfredo S. Lim, 1990), at Eddie Garcia (Alfredo Lim: Batas Ng Maynila, 1995)—itong version ni Cesar ay tatalakay sa buhay ni Lim noong bata pa lang ito.

Ang librong The Turning Cradle, isinulat ni Nick Joaquin, ang pinagkuhanan ni Cesar ng mas malalim pang kuwento sa buhay ni Alfredo Lim.

“After reading the book, mas lalo akong na-inspire na gawin ang pelikula at lalo akong bumilib sa taong ito dahil nagawa niyang maging matapang despite of his sad childhood.

“Yung mga naunang movies about Alfredo Lim ay mas nag-concentrate sa kanyang pagiging alagad ng batas.

“Itong movie namin, basically ay tungkol sa buhay niya simula sa kanyang pagiging sanggol.

“Marami ang hindi nakakaalam that he was abandoned by his mother sa Hospicio de San Jose. Yung sinasabi nilang turning cradle ay para sa mga babies na iniiwan na lang doon ng mga nanay nila.

“Yung part pa lang na iyon ng buhay niya, marami na ang maaantig.

“Yung paglaki niya na walang magulang sa isang bahay-ampunan for the next nine years ay malaking bahagi kung ano siya ngayon sa lipunan natin.”

Nasa plano rin ni Cesar na isali sa international film festivals ang filmbio ni Alfredo Lim. Dito raw nila gagamitin ang titulong The Turning Cradle.

“We are praying na mabigyang-pansin sa mga film festivals abroad itong pelikula namin.

“It’s a great human interest story na maa-appreciate ng mas malaking audience abroad.

“Hopefully, our film will be exhibited abroad,” sabi niya.

NEVER SAY GOODBYE. Maliban sa pagtapos ng kanyang pelikula, na may playdate na on February 28, abala rin si Cesar sa teleserye ng TV5 na Never Say Goodbye.

Hindi naman daw naging problema ang magkaibang schedules niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Cesar, “Time management lang lahat.

“Kapag mahal mo ang trabaho mo, walang mahirap, e.

“May ibinigay naman akong mga available schedule ko for the teleserye. Kasi gusto kong mag-concentrate sa movie kunsaan ako rin ang director.

“Salamat naman sa Diyos at walang naging malaking problema. Smooth-sailing ang lahat sa trabaho natin,” sabi niya.


UNAFFECTED. Kahit nagkaroon ng personal na problema si Cesar, kaugnay ng pagsasama nila ng misis niyang si Sunshine Cruz, hindi naapektuhan ang mga trabaho niya.

Saad niya, “Kailangan nating maging professional or else maraming maapektuhan.

“Ayokong madamay ang trabaho natin but, at the same time, inaayos ko rin ang personal naming mga problema.

“Kung papabayaan natin maapektuhan ng personal ang trabaho natin, mas malaking problema ang mangyayari.

“Kaya kahit mabigat, ’ika nga nila, the show must go on.

“May mga tao kasing umaasa sa atin para sa ikabubuhay ng pamilya nila. Hindi ko naman basta na lang iiwan ang isang bagay na nasimulan na natin.

“Pagkatapos ng lahat ng ito, yung personal na buhay naman natin ang kasunod.

“Nawa’y maayos din namin ito. Ipagdasal n’yo naman kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN