Part 1. Derrick Monasterio on status of relationship with Barbie Forteza: “We’re best of friends.”

Ayon kay Derrick Monasterio, masyado pa silang bata ni Barbie Forteza upang isipin kung saan hahantong ang kanilang samahan. Aniya, “Hindi rin namin alam. Siguro, we’re too young for that, we’re too young to think about love, di ba? E, hindi pa naman kami ganun ka-established, hindi pa naman po kami DongYan.”


“Nag-Valentine’s Day po ako sa… Luneta! Sa Yakapalooza sa Luneta po,” bungad ni Derrick Monasterio nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Friday, February 15, sa pocket presscon para sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa sa 17th floor ng GMA Network Center.

At siyempre, ang ka-loveteam niyang Barbie Forteza ang “ka-yakapalooza” ni Derrick.

Ilang minuto silang nagyakapan?

“Mabilis lang! Siguro mga five seconds, ganun lang,” sabi ng binata.

Event daw iyon na paramihan ng mayayakap.

“Nagse-set po sila kasi ng Guinness Record.”

JOSHUA DIONISIO. Kasama nilang dumalo sa event na iyon ang kapwa nila endorsers ng UniSilver na sina Julie Anne San Jose, Enzo Pineda, at ang dating ka-loveteam ni Barbie na si Joshua Dionisio.

Hindi ba nagselos si Derrick na nandun din si Joshua?

Sagot niya, “Hindi naman, wala naman pong ganun, wala po, pramis! Sa akin wala kasi wala naman akong karapatang magselos.”

Nagbatian din daw sila ni Joshua.

“Ganito, ‘Bro, kumusta ka na?’ Tapos yakap, ganyan.”

Wala raw plastikan iyon.

“Ako, hindi naman ako plastic,” sabi ni Derrick.

Naramdaman din naman daw niya na sincere sa kanya si Joshua.

“In fairness, naging close ko rin naman yung taong iyon at close pa rin naman kami hanggang ngayon.”

Sino ang unang nakayakap ni Barbie sa Yakapalooza—siya o si Joshua?

“E, sila po unang nagkita, e, baka siya. Late po ako dumating dun, e,” sagot ni Derrick.



SUPER FRIENDS. Kumusta na sila ni Barbie ngayon, lalo pa at sila ang magkasama sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa?

“Eto, we’re super-super friends na close, ayun.”

At dahil sa closeness nila ay umabot na raw sila sa puntong nag-grocery sila at pagkatapos ay nagluto; una ay sa bahay nina Barbie at nang sumunod na pagkakataon naman ay sa bahay nina Derrick.

Inamin naman ito ni Derrick.

“Totoo po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasta raw ang niluto nila sa dalawang beses na iyon at hindi naman daw silang dalawa lang.

Kuwento ni Derrick, “Nung sa bahay niya, buong family niya.

“Tapos nung nasa bahay ko, kasi ano… walang tao sa bahay noon, si Barbie kasama niya yung ate niya, yung kasambahay nila, tapos nagluto kami.

“Tapos pagdating ng family ko at ng family niya, kumain na sila.

“Kasi yung parents niya may binili, may dinaanan muna saglit tapos pagdating nila, luto na yung pagkain.”

Pati ang mga pamilya nila ay close na sa bawat isa.

“Parang nanay ko na rin ‘yang si Tita,” pagtukoy ni Derrick sa ina ni Barbie na si Amy.

Ano na ba talaga sila ni Barbie?

“We’re best of friends.”

Saan papunta ang kanilang pagigigng best of friends?

“We’ll never know. Hindi natin alam, di ba?”

Totoo ba na noong Christmas party ng pamilya ni Barbie sa isang videoke bar ay si Derrick lang daw ang hindi member of the family, na siya lang ang special guest?

“Marami kaming nandoon, marami kaming hindi pamilya. Nandun si Joyce [Ching], nandun si Alden [Richards],” paglilinaw ni Derrick.

Despedida rin daw iyon ng ate ni Barbie na sa ibang bansa na maglalagi.

Paliwanag pa niya, “E, kasi napamahal na rin kasi ako sa ate ni Barbie kaya super-iba rin yung closeness namin po, ayun.

“Kumbaga, kami yung nagkakasundo pati sa mga kalokohan.”

Kaya saan na patungo ang lahat since pati ang kani-kanilang mga pamilya ay very close na?

“Hindi rin namin alam. Siguro, we’re too young for that, we’re too young to think about love, di ba?

“E, hindi pa naman kami ganun ka-established, hindi pa naman po kami DongYan.”

Hindi pa raw nila naaabot ang estado ng DongYan loveteam nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“Hindi pa kami ganun ka-established financially, tapos hindi pa naman kami ganun kasikat, tsaka bata pa kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seventeen years old si Derrick at fifteen si Barbie.

Dagdag pa ng young actor, “And we’re both studying, siyempre, di ba mahalaga iyon?

“Kumbaga, mas maraming focus kami kaya as much as possible, ine-enjoy po namin ang company ng isa’t isa.

“And we’re inspiring each other to do good in our work.”



SARAH LAHBATI. Napag-usapan din ang kaibigan ni Derrick na si Sarah Lahbati na nakaka-tweet pa rin daw niya.

Kuwento niya, “Nakikita ko naman yung mga tweets niya, nababasa ko.

“Minsan, tinweet niya po ako nung isang araw, about dun sa movie, kasi ganun, e, friends.

“Kasi tinanong niya ako kung napanood ko ba daw yung Pitch Perfect na movie, sabi ko oo.”



BEA BINENE. Samantala, hanggang first week ng March na lang ang airing ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.

“Last taping namin sa [February] 21,” banggit pa ni Derrick.

Ang susunod niyang project sa GMA-7 ay ang sitcom na Vampire Ang Daddy Ko na pagbibidahan ni Vic Sotto.

Si Bea Binene naman ang kapareha dito ni Derrick.

Biniro namin si Derrick na “taksil” siya dahil pagkatapos ni Barbie ay si Bea naman ngayon ang kapareha niya.

“Tito, kasalanan ko ba yun?” sabay-tawa ng young star.

“Basta ako, happy lang ako na may trabaho, kung ano yung plano sa akin ng network, masaya ako.

“At least, may show ako—iyon ang mahalaga dun.”

Hindi ba siya nalulungkot na hindi na sila magkakasama ni Barbie sa show?

“Si Barbie, we can always hang-out naman kahit kailan namin gusto.

“Tsaka may nabuo na kasi kaming foundation.”

Nag-taping na sila ni Bea; kumusta ang pagkikita nilang muli? Ano ang sitwasyon, wala bang ilangan?

“Wala. Kasi kami, kung ano kami dati, na magkaibigan, ganun pa rin naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN