Papa Jack on relationships: “You always say loving is give-and-take which I don’t believe, because loving is give and give.”

Bilang radio jock, nakita ni Papa Jack ang puwedeng magawa ng mga social networks para mai-promote ang mga quotable quotes niya. Kaya, “Yung Twitter, kailan lang po ako nagkaroon, but na-a-appreciate ko na siya. May urbanidad na rin po ako ngayon. Manila boy na rin ako.”

Grab you copy of his book for only P143!


Nasa kauna-unahang libro tungkol sa radio jock na si Papa Jack na Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack, ang kuwento ng kanyang buhay.

Nakasaad dito na ang tawag sa kanya ay hango sa salitang "padyak o pedicab," at ang totoong pangalan niya ay John Gemperle.

Sa book launch niya kahapon, February 17, naikuwento ni Papa Jack na sampung taon siya noong nagsimulang nagtrabaho sa palengke at bukid.

Naging salesman siya, manager ng fastfood, call center agent, instructor sa Polytechnic University of the Philippines, acoustic singer, indie film actor at nanalo sa ilang bikini contests.

Marami siyang pinagdaanan bago maging DJ at makuha ang bansag na "Papa ng Bayan."

Aniya, “Ambisyoso po ako.

“Walang naniniwala sa akin kapag sinasabi kong dati akong clown sa party, yung mine-make-up-an.

“Dati po akong waiter ng catering.

“Kapag nagse-serve kami sa mga birthday parties ng bata, kapag waiter ka, ikaw ang magliligpit ng lamesa, magse-set-up ng plato.

“Kapag clown ka, pupunta ka nang naka-make-up, uuwi ka na agad na walang buhat-buhat, mas malaki ang sahod mo,” natatawang kuwento niya.

“Nag-clown ako para makatipid po ng trabaho.

“Pero during that time, ma-ambisyon ako. Hindi ko naman sinabing diretsong radio jack, pero, magsalita sa maraming tao.”


CAREER. Sa galing niyang magsalita, may balak ba siyang pasukin ang pulitika?

“Hindi naman, pero, malay ninyo, balang-araw po… Open ang possibility but it’s not my plan.”

Yung pagiging actor?

“Uy, maganda ‘yan! Kailan lang po, gumawa ako ng commercial. Pina-arte po ako.

“Baka next week, lalabas… malay ninyo po. Malay ninyo, mawalan ng career si Dingdong Dantes, si Coco Martin,” biro pa niya.

Pero, gaya ng nakalagay sa profile niya sa book, agree ba siya na kamukha niya si Coco Martin?

“Hindi po totoo ‘yan— yung sa Max’s po, ako po ang chicken doon,” ang sagot niya nang nakangiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, ganito po ‘yan. Kapag sa radio ka, kapag nakita ka ng tao, sasabihin nila, ang guwapo mo pala.

“Nabuo na sa utak nila—pero joke na lang po.”


NOT YOUR ORDINARY BOOK. Ang kanyang libro ay compilation ng mga naging payo ni Papa Jack sa kanyang callers sa loob ng tatlong taon.

At ngayong nasa libro na ang mga naging payo niya sa radyo, ano ang nararamdaman niya?

“Natutuwa po, I think, everything that I said, nasabi na dati.

“Maybe, I’ve said it in a more practical way, passionate, bilang Pinoy kasi, Tagalog po siyang talaga.

“Halimbawa po ito, meron akong paborito… Quote 79—no one will tell you this, ‘Malandi ka, manyak ka, congratulations!’

“Pero kung malandi ka ’tapos siya, mabait, hindi kayo match… you’re going to hurt each other.

“I always say that on air kapag lokohan lang ang relasyon.”

Ano ang kaibahan ng Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack sa ibang libro?

“This is multi-directional— hindi siya typical book.

“Iba kasi ang self-help book, especially kapag love… imposing siya, very ideal siya.

“You always say loving is give-and-take which I don’t believe, because loving is give and give.

“Kapag may hindi ibinalik, okay lang. It’s always give and give.”


GALIT-GALITAN MOMENTS. Samantala, ipinaliwanag ni Papa Jack kung bakit tila parati siyang “galit” kapag nagbibigay ng payo sa kanyang radio show.

Aniya, “Actually, I always get that term kapag nagpupunta ’ko sa mall.

“’Galit ka na naman kagabi?’ But you don’t remember, in the five calls, isang beses lang akong galit. Yun ang naiiwan sa tao na galit.

“Naniniwala po ako na tayo po ang tipo ng lahi sa mundo na kapag may nabaril, kahit na puwede kang tamaan, dudungaw ka… ‘Ano nangyari doon?’

“Kapag may nasagasaan, kahit ayaw mo ng dugo, titingin ka… ’Ay, labas utak!’ Pero, ayaw mo ng dugo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa radyo, ganoon din kapag may nang-aaway na.

"My show is an advice-giving program. But at the end of the day, it’s still a radio show— it has to catch some attention.

“At saka, ang bilin po sa amin ng mga bossing namin, you talk in the radio as if you’re talking with a friend.”

NOW A "MANILA BOY" . Sa totoong buhay, hindi naman siya madaling magalit?

“To tell you honestly, itong ginagawa kong ito ay torture sa akin. I am not a social person.

“Nagka-Facebook ako, five months ago, pagkatapos na pitong beses akong kinausap ng management para mag-Facebook daw po.”

Ano ang mga hindi niya nagugustuhan sa social networking?

“It’s because I don’t want to forget that there are real people around us… That when you have a social life, you have real friend.

“You can connect with them personally rather than go online. You can tell things intimately to a friend beside him rather than typing it.

“Yung Twitter, kailan lang po ako nagkaroon.

“But na-a-appreciate ko na siya… May urbanidad na rin po ako ngayon. Manila boy na rin ako.”

May panaka-nakang bashers na rin daw si Papa Jack pero hindi naman daw niya pinapatulan.

BELIEVER. Kung tatanungin siya tungkol sa mga advice na naibigay na niya, sinusunod niya ba ang mga ito sa totoong buhay?

“I think, malaking kaipokritahan when someone will say that you always practice what you preach.

“May mga pagkakataon po na mas lamang ang mga bagay na hindi mo nagagawa and you tend to imagine [doing] it in your own world.

“Well, I’m trying, I’m marrying… which is not my kind of thing. I started believing in marriages.”

Bakit nagkaroon siya ng change of heart tungkol sa pananaw niya sa kasal?

“Maybe, I want to practice… that someday, I’ll get there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikakasal si Papa Jack sa kanyang dalawang taong karelasyon ngayong April.

Isang modelo na nagngangalang Toni Rose, na nakilala niya sa isang shoot kung saan naging photographer si Papa Jack, ang bride niya.

Ayon kay Papa Jack, “She modeled for me, but actually, I was with another girl at that time.

“Pero, hindi ako nag-two-timing. Ang nangyari, nag-break kami noong isa and I had no one to talk to.

“And I think, it’s a bad thing to communicate to anybody… we started talking.”

Sa 30 years na inilagi niya sa mundo, simple lang ang pananaw niya sa buhay.

“I live one day at a time. I don’t plan for— hindi ako yung tipo ng taong I save a lot.

“I guess, the best thing to reward yourself is to eat a good meal.

“Ako po ang tipo ng taong walang pakialam kung bukas may kakainin ako as long as I eat a good meal today.”

Kung papayuhan niya ang sarili ngayong ikakasal na siya, ano iyon?

“Well, be faithful. Yung pagiging responsible, secondary ‘yan sa girl.

“Ang priority ng babae, e, faithful husband. So far naman, napangatawanan ko na.”

Magkaibigan daw kahit yung mommy ng anak niya at ang fiancée niya ngayon.

TRAUMATIC. Marami ang nagpapasalamat sa mga realistic at practical advice niya.

Ang tanong namin: meron din bang nagalit dahil hindi naging maganda ang resulta ng ginawa niyang pagpapayo?

Ayon kay Papa Jack, “I still remember a call when I was, three months pa lang ang show.

“Ito po ay after niyang mare-format ulit. Somebody died in association with my advice.

“Sabi ko, ‘Iwanan mo na siya.’ Adik kasi ang guy.

“Yung guy, nag-drive siya, nabangga, namatay.

“Hindi naman kasalanan ng girl. Pero yung girl, tumawag ulit, iyak ng iyak.

“So, ano ang gagawin ko, hindi naman na mabubuhay ang guy?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naapektuhan siya?

“Yes, naapektuhan ako. Palagi kong inaalala yun kung ang pinag-uusapan namin, e.

“It has to do something, yung hindi na siya puppy love lang.

“I always go back to that kind of scene na yun. I always try to avoid it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN