Barbie Forteza denies bracelet gift from Derrick Monasterio last Valentine’s Day

Walang pag-aalala si Barbie Forteza sa balitang si Bea Binene ang ka-partner ngayon sa bagong sitcom ng dating ka-loveteam niyang si Derrick Monasterio. Sabi ng Kapuso tween queen, “Hindi naman problema kung ka-work man niya sa Bea, kasi dati naman kaming magkaka-work… Kasi as friends, dapat mas malawak ang understanding natin.”


Balitang niregaluhan si Barbie Forteza ng mamahaling bracelet ng nali-link sa kanyang si Derrick Monasterio noong Valentine’s Day.

Ngunit itinanggi na ito dati ni Derrick sa isang panayam, kaya inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie kung totoo nga ba ito.

“Nagulat din nga ako,” nagtatakang sabi ng young actress.

“Kasi, wala naman siyang ibinigay na ganoong gift noong Valentine’s Day.

“Binigyan niya ako ng flowers, pero hindi bracelet.

“Maski siya, nang magkausap kami, nagulat din siya.

“Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang kuwentong yun.”

Pagbibiro namin sa kanya, baka sa ibang babae napunta ang bracelet na yun?

Sabi ni Barbie, “Well, nasa kanya na yun. Pero honest naman si Derrick sa pagsasabing wala siyang biniling bracelet.

“Sabi niya, hindi niya priority ang bumili ng expensive na alahas.

“Kasi nga, nagse-save siya para sa monthly na hulog ng sasakyan niya.”



ENDING. Kinumusta rin ng PEP si Barbie kung may naka-lineup na project para sa kanya sa pagtatapos ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

Aniya, “Actually, wala pa akong alam.

“Wala pa naman sinasabi sa akin ang GMA Artist Center kung ano ang susunod kong project. Pero sa tingin ko, meron naman.

“Sa ngayon kasi, ang pinagkakaabalahan ko ay yung recording.

“Actually, tapos ko na yung songs na nire-record ko.

“So, after Paroa, wait and see din muna ako.”



NEW LOVETEAM? May balita na ipu-push na nang todo ng GMA-7 ang tambalang Barbie-Ruru Madrid, na nagsimula sa Paroa.

Maging sa publicity ay pini-playup na ang RuBie, as in Ruru-Barbie loveteam. Ano ang reaksiyon ni Barbie dito?

“Sa akin, okey lang naman,” tugon niya.

“Matagal din kaming magkasama sa Paroa kaya, somehow, kilala ko na siya—yung ugali niya, yung kabaitan niya.

“Kaya sa akin, wala namang problem kung sakali man kami ang parang i-loveteam ng GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IMPRESSED. Higit pa sa pag-uugali ay nagagalingan din si Barbie sa pag-arte ni Ruru.

“Yeah, magaling siyang umarte,” pag-amin niya.

“Hindi lang naman ako ang nagsasabi. Kahit friends ko, sinasabi na magaling siya as an actor.

“Kahit sa write-ups, parang napupuri siya ng press… okay siya.

“At saka makikita mo kung gaano siya ka-dedicated sa work.

“Sa Paroa, lagi siyang handa sa mga scenes na kukunan sa kanya—hindi siya pasaway… as in, work kung work.”



INEVITABLE. Wala ba siyang nararamdamang kaba na baka tuluyan nang mabuwag ang DerBie at mabuwag din closeness nila ni Derrick?

Aniya, “Yung sa DerBie loveteam, aware naman ako na anytime ay puwede nga siya mabuwag.

“Kasi, it depends nga sa plans ng GMA.

“Like, nag-try sila ng iba’t ibang formula kung sino ang magki-click sa public.

“Hindi naman porke’t nag-click kami ni Derrick, e, forever na kami na.

“Siyempre, pagsasawaan din kami ng mga manonood. Pero sa loveteam lang yun.

“I guess, yung friendship namin ni Derrick would stick, kasi best friends kami.

“Parang nakaka-sad naman na porke nga nabuwag yung loveteam, pati yung friendship na.

“Matagal din naming inalaagan, e, mawawala na din. I don’t think na ganoon.”

Paano kung si Derrick ang magbago? Tulad ngayon na nandiyan na naman si Bea Binene na katrabaho ng young acrtor sa GMA-7 sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Sabi ni Barbie, “Well, di ko naman hawak ang desisyon ni Derrick.

“Hindi naman problema kung ka-work man niya sa Bea, kasi dati naman kaming magkaka-work.

“Kung maging close man uli, okay yun. Kasi as friends, dapat mas malawak ang understanding natin.

“Tsaka, si Derrick, kilala ko as very friendly na tao. Lahat, kino-close niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN