Ruru Madrid on crush Tanya Garcia: “Kung sana lang naabutan ko ang pagiging teenager niya, malamang liligawan ko siya.”

Ikinuwento ni Ruru Madrid kung ano ang naging reaksiyon ng co-star niya sa Paroa na si Tanya Garcia nang sabihin niyang crush niya ito: “Natawa na lang po si Ms. Tanya sa akin. Pero nag-thank you po siya sa akin dahil puwede pa palang magka-crush sa kanya ang mga kasing bata ko.”


Naging malaking break para kay Ruru Madrid ang maging finalist sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Pagkatapos ng Protégé, napasama na siya sa telefantasya na Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa ng GMA-7.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Executive Lounge ng GMA Network Building last February 15, sinabi ni Ruru na mabilis niyang naka-bonding ang mga bida ng telefantasya na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Kuwento ng 15-year-old newbie actor, “Mababait po kasi sila Barbie at Derrick… naging close kaming tatlo agad.

“Kasi nga po, magkakaedad lang kaming tatlo kaya may mga common interests kami.

“Tsaka pareho rin pong makulit at palabiro sina Barbie at Derrick kaya walang boring moment sa taping namin.

“Kahit na napupuyat kami, mataas pa rin ang energy namin kasi nga hindi natatapos ang kuwentuhan namin sa set.”



NEARING END. Malapit na ang last taping day ng Paroa kaya maraming mami-miss si Ruru bukod sa mga naging kaibigan na niyang sila Barbie at Derrick.

“Lahat naman po sila sa set ng Paroa, mami-miss ko.

“Siyempre, si Direk Mark Reyes, mami-miss ko po ‘yan kasi naging very patient siya sa akin bilang baguhan sa show.

“Marami po akong natutunan sa kanya at sana po makatrabaho ko siya sa susunod ko pang mga shows sa GMA-7.

“Sila Tita Lani [Mercado] at Tito Gerard [Pizarras] nami-miss ko rin po sila.

“Kasi noong first taping day for Paroa, sila ang mga nakakasama ko parati sa mga eksena.

“Ang babait po nila at nagbibigay din po sila ng mga advises sa akin bilang baguhan sa showbiz.”



DEEP CRUSH. Pero pinaka mami-miss daw ni Ruru ay si Tanya Garcia dahil nagka-crush siya sa aktres.

Aniya, “Nagka-crush po talaga ako kay Ms. Tanya habang ginagawa namin ang Paroa.

“Parati ko rin po kasi siyang kaeksena kaya may na-develop akong paghanga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ganda-ganda po kasi niya talaga.

“Hindi nga ako makapaniwala na may dalawang anak na pala siya—mukha pa rin kasi siyang teenager,” ngiti ni Ruru.

Hindi raw napigilan si Ruru na sabihin kay Tanya na may crush siya rito.

“Kinapalan ko na po ang mukha ko talaga!” sabay tawa niya.

“Sinabi ko nga po kay Ms. Tanya na kung sana lang naabutan ko ang pagiging teenager niya, malamang liligawan ko siya.

“Ganoong beauty kasi ang gusto ko sa isang babae.

“Tapos, ang bait pa po niya. Kahit sinong lalaki magkakagusto sa kanya.

“Natawa na lang po si Ms. Tanya sa akin.

“Pero nag-thank you po siya sa akin dahil puwede pa palang magka-crush sa kanya ang mga kasing bata ko.

“Noong dumalaw nga po set ang husband niyang si Mark Lapid, ipinakilala niya ako.

“Sabi pa nga po ni Ms. Tanya, ‘Yan si Ruru, ang ka-loveteam ko dito sa Paroa!’ tapos nagtawanan po kami.”



PRUDENT. Naging maingat si Ruru sa kanyang mga kinikita sa taping at maging sa mga ibang mga guestings at shows.

Kaya mabilis nga siyang nakabili ng dalawang sasakyan—isang Toyota Avanza at isang Honda Civic.

“Yung Toyota Avanza po ginagamit ko sa mga tapings ko, lalo na po kung malalayong locations.

“Tulad nga po sa Paroa, sa Tagaytay po kami parati kaya kailangan ko po ng medyo malaking sasakyan para sa mga gamit ko.

“Yung Honda Civic naman po, para kapag may lakad ako ng personal or kasama ko ang family ko.

“Kapag may libreng araw ako, doon ko sa family ko ibinibigay.

“Lalabas kami para manood ng sine, kumain sa labas or mamasyal sa mall.”



NEW HOUSE. Pinag-iipunan din ni Ruru ang makabili ng bahay para sa kanyang pamilya.

Gusto raw kasi niyang umalis sila sa bahay nila sa Marikina dahil ilang beses na silang binaha doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Ruru, “Pinakagrabe yung Bagyong Ondoy… umabot hanggang third floor ang tubig.

“Mabuti na lang may fourth floor ang bahay namin doon.

“Tapos noong Habagat naman, umakyat din ang tubig nang mataas.

“Wala ako sa bahay that time kasi kasalukuyang nasa Protégé House ako… pero hindi naman daw kasing grabe ng Ondoy.

“May trauma na ang family ko sa baha kaya tuwing uulan ng malakas, natatakot na sila.

“Yung business kasi namin ay nasa bahay rin namin. May pagawaan kami ng sapatos at bag, kaya malaking abala kapag bumabaha.

“Gusto ko po na makabili ng bahay sa mataas na lugar, yung malayo sa tumataas na ilog.

“Yung hindi rin kami lalayo masyado sa Marikina dahil nga sa negosyo namin.

“Kaya pinag-iipunan ko nang husto para maging safe ang family kahit na umuulan ng malakas.”



INDIE FILM. Pagkatapos ng Paroa ay isang indie film na may titulong Above the Clouds ang gagawin ni Ruru.

Ididirek ito ni Pepe Diokno at makakasama ni Ruru ang Pinoy rock legend na si Pepe Smith.

Nakilala si Direk Pepe Diokno sa kanyang indie film na Engkwentro na nanalo ng maraming awards sa ilang international film festivals.

Sabi ni Ruru, “Sa March 7 po ang simula ng shooting namin at sa Mount Pulag po kami magsu-shoot ng movie.

“One month nga raw po kami roon kaya excited ako.

“Nakita ko na nga po ang ilang pictures ng Mount Pulag at gandang-ganda na ako.

“What more kung nandoon na po ako? Gusto kong makita ang mga ulap nang malapitan.

“Magandang experience po sa akin iyon at nagpapasalamat ako na nakasama ako sa pelikulang ito ni Pepe Diokno.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN