Alden Richards reunites with Louise delos Reyes in new primetime soap; not closing his doors to possible romance with Julie Anne San Jose

Balik-tambalan at balik-primetime ang tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa upcoming teleserye na Ang Mundo Ko’y Ikaw. Sabi ni Alden tungkol dito, “Medyo mature na po ng konti ang roles namin ni Louise. Hindi na po pa-sweet kundi mas mature na when it comes to love. At saka po yung role ko dito, hindi na po mahirap kaparis ng ginampanan kong character sa One True Love."


Certified single at walang lovelife ngayon si Alden Richards.

Nali-link man siya ngayon sa singer-actress na si Julie Anne San Jose, mariing sinasabi ng dalawa na magkaibigan lang sila.

Sa Party Pilipinas kahapon, February 17, ngiti ang unang reaksiyon ni Alden nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta ang nakaraang Valentine’s Day niya.

Aniya, “Wala. Trabaho po. Rumaket po ako sa isang mall sa Molino, Cavite.

“Nag-serenade po ako ng girls, tapos nagkaroon ng parang dating game.

“So iyon pang mga girls na ‘yon ang parang naging date ko. Pero hindi ko po sila nakakuwentuhan kasi kakikilala lang namin.

“At saka sandalian din lang po yung event. Hindi ko sila nakilalang mabuti.

“Kasi nga, wala kaming gaanong chance to talk.”



NEW SOAP. Kasado na ang bagong soap na muling pagtatambalan nina Alden at Louise delos Reyes sa GMA-7 na may titulong Ang Mundo Ko’y Ikaw.

Sabi ni Alden, “Pero hindi pa po sure kung sino pa yung isang babae. Kasi parang love triangle po yung story, na bago para sa viewers.

“Pang-primetime din po ito. And then, first week of March po yung target airing namin.”

Suwerte sila ni Louise dahil gaya ng nauna nilang pinagbidahan na One True Love, pang-primetime ulit ang kanilang bagong soap. Hindi lahat ng Kapuso stars ay nabibigyan ng ganitong opportunity.

Saad ng Kapuso heartthrob, “Medyo matagal-tagal din po akong nabakante. Mga six months din po since natapos yung One True Love.

“Simula po September last year, ngayon lang po ulit ako mabibigyan. So, excited na po ako ulit mag-taping para sa isang soap.

“Kasi, medyo na-miss ko rin po, e… sa tagal ba naman.

“At parang panibago na naman pong challenge yung role ko dito.”

So it’s worth the wait?

“Yes po. It’s worth the wait,” nakangiti niyang pagsang-ayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


REUNION PROJECT. Since magka-loveteam nga sila ni Louise at ikalawang project na ang gagawin nila, gamay na nila ang isa’t isa. Kailangan pa ba niyang mag-prepare para sa muling pagtatambal nila?

“Siyempre po, kailangan pa rin,” sabay ngiti ni Alden.

“May story conference po kami ngayong Monday, February 18. And siguro po, after nito, magkakaroon din ng series of workshops para sa soap.

“Iba po ‘to kumpara sa One True Love.

“Medyo mature na po ng konti ang roles namin ni Louise. Hindi na po pa-sweet kundi mas mature na when it comes to love.

“At saka po yung role ko dito, hindi na po mahirap kaparis ng ginampanan kong character sa One True Love.

“Ako naman po ang mayaman dito. Si Louise naman ang medyo mahirap.

“And then, hindi ko pa nga po alam kung sino pa yung isang babae na magiging ka-triangle namin.

“Hinihintay pa po namin kung sino ang ilalagay sa spot na ‘yon para maka-love triangle namin.”



RICH CHARACTER. Aminado si Alden na hindi siya gaanong kumportable na role ng isang mayaman ang kanyang ipu-portray.

“Hindi ko pa po kasi na-try yung mayaman na role since nung nagsimula akong mag-artista.

“Yung sa Tween Academy naman dati, hindi naman po gaanong na-establish na talagang mayaman yung character ko.

“Parang ang naging focus lang ng role ko dun, basketball player na parang heartthrob.

“So ito, mas mapi-feel ko ngayon kung ano ba yung feeling at acting ng mayaman dahil hindi ko pa nga po na-try,” saad ni Alden.

Pero in real life, asensado na ang buhay niya ngayon dahil sikat na siya?

“Ay, hind po!” sabay tawa niya.

“Naku, hindi po totoo ‘yan! Hindi totoo.

“Ano lang po… siguro nakakaraos.

“I should say nakakaraos than before na hindi pa po ako artista.

“Mas well-off na po ngayon. Mas nakakapag-provide na po ako para sa pamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


EXPECTATIONS. Ano naman ang mga expectations niya sa muling pagtatambal nila ni Louise?

“Ayun po… sana huwag pa rin kaming pabayaan ng mga supporters namin nung nasa One True Love kami.

“And hindi naman po kami napapagod ni Louise mag-reinvent sa sarili namin, e.

“Kumbaga, hindi po kami nagsasawang maghanap ng ibang ways para maging iba yung acting namin on screen.

“So, abangan po nila itong bagong soap namin.”


JULIE ANNE SAN JOSE. Dahil may soap na balik-tambalan sila ni Louise, iiwas na ba siya ngayon na patuloy pa ring ma-link kay Julie Anne San Jose?

Po?” bahagyang natigilan si Alden.

“Hindi naman po sa iiwas. Magkaibigan lang naman po talaga kami ni Julie Anne in the first place.

“Pero nali-link nga po kami sa isa’t isa, yun nga lang!

“A… siyempre hindi naman po maiiwasan ‘yan.

“And… hindi naman po sa iwas. Pero kasi wala naman po akong dapat iwasan in the first place, e—yung sa amin ni Julie Anne.”

Hindi ba niya naiisip na baka posibleng makaapekto sa followers ng tandem nila ni Louise ang pagkaka-link niya kay Julie Anne?

Tugon ni Alden, “Wala naman po silang dapat na ikabahala, kasi trabaho po talaga ang focus naming dalawa ni Louise.

“And, uhm… actually dapat, chill lang po tayong lahat.”

So, gusto niyang hayaan na lang kung saan ba patungo ang pagiging close nila ni Julie Anne ngayon as friends?

“Come what may po… yes.

“It’s God’s will po. Nangyayari naman po lahat according to His will.”

Kahit may mga nagagalit na supporters naman nina Julie Anne at Elmo Magalona?

“Naiintindihan ko na po. Nasanay na rin po ako na, of course, may nagagalit, may napipikon, may naiinis.

“Hindi naman po talaga maiiwasan. Since sa showbiz, talagang maraming taong involved, na inside and outside, talagang involved, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ko na po kontrolado kung ano yung nasa labas.”

Honestly, gusto niya si Julie Anne? Girlfriend-material ba ito sa paningin niya?

Sagot ni Alden, “Who would not like Julie Anne, di po ba?

“Hindi naman po mahirap na gustuhin siya. Okey lang po.”

Kaya kung darating ang panahon na puwede na siyang mag-segue sa lovelife at hindi puro sa career na lang ang kanyang focus, pupuwedeng si Julie Anne na?

“Baka po puwede. Hindi ko po isasara yung doors ko.

“And ever since naman po, kapag natatanong ako, I never say never, e. Open naman po ako sa anumang puwedeng mangyari.”



SONGS OF JULIE ANNE. Double platinum na ang album ni Julie Anne. At si Alden, pamilyar daw sa mga songs nito.

Ano sa mga kanta ni Julie Anne ang kapag narinig niya ay talagang tumatagos hanggang sa puso niya?

“Yung ‘Enough,’ kasi ang galing niya dun, e.

“Talagang yung performance ni Julie Anne sa song, the way she delivers, ang galing, e.

“Nagandahan po ako doon no’ng pinakikinggan ko siya,” sabi ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN