Seven-month pregnant Kyla is now thinking about having second child

Dalawang buwan na lang ang hinihintay ni Kyla at isisilang na niya ang unang baby nila ng asawang si Rich Alvarez. Gusto niya bang manganak nang normal delivery? Sagot ng singer, “Kung kaya. Kasi parang malaki siya base sa sukat niya. Malaki siya, mahaba. Kakayanin ko ‘to!”


Kapansin-pansin na medyo hirap nang maglakad ang singer na si Kyla. Tila ramdam na niya ang bigat ng kanyang tiyan bunga ng ipinagbubuntis niya.

“Seven months na kasi siya. Two months na lang!” sabi ni Kyla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, February 17.


PREPARATIONS. Nakumpleto na ba niyang bilhin mga kakailanganing gamit ng parating nilang baby ni Rich Alvarez?

“Hindi pa, mga damit-damit pa lang.

“Tapos nag-order kami online ng mga shoes, ganun… mga damit at saka mga diaper bags.

“Hindi pa lang nga dumarating, siguro baka next week.

“Boy siya,” nakangiting sabi ni Kyla nang matanong kung ano ang gender ng kanyang dinadala.

“Every month, nagpapa-ultrasound ako kasi gusto ko nakikita ko siya, e.

“Hindi ako kuntento na naririnig ko lang yung heartbeat. Gusto ko talaga nakikita ko siya.

“So ‘yon… tapos na kami ng mga test-test. At saka yung mini-measure each part, like yung head niya, yung thigh, legs, at yung arms niya.

“Nakakatuwa!

“Binilang yung mga daliri niya, kumpleto naman!” natawang sabi pa niya.

Gusto ba nila ni Rich na boy talaga ang kanilang maging panganay?

“Ano… kami, kahit babae o lalake. Kasi siyempre, first baby naman.

“Sa pangalawa, dun kami magdadasal na sana babae naman.”

May pangalawa kaagad silang iniisip ni Rich kahit hindi pa man lumalabas ang first baby nila?

“Oo, actually. Iniisip ko na ‘yon talaga!” sabay tawa ni Kyla.

May pangalan na ba silang naisip sa parating nilang baby boy?

“Ang dami naming naiisip na names, e. So, sabi ko, baka tatlo ang pangalan, kaya lang hahaba.

“So ii-screen pa namin yung mga names na naiisip namin.

“Kaya wala muna akong sasabihin na pangalan kasi hindi pa ako sure, e. Baka maiba.”


EXCITED PARENTS. Kagaya niya, excited na rin daw si Rich habang hinihintay ang araw na lumabas na ang baby nila. Paano ba nila ito pinaghahandaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May book na iniregalo sa amin. So, binabasa namin iyon para prepared kami. So, alam namin kung ano ang ii-expect, gano’n.

“Tapos, excited talaga kami. Kasi, five months pa lang yung tiyan ko, naghahanap na kami ng mga cribs, gano’n.

“So far, wala pa akong nakikitang crib na okey para sa akin. Kasi, di ba, ang daming klase ng crib? May wood at kung anu-ano pa.

“Tapos, mga stroller, naghahanap din kami. Ang daming cute na strollers kaming nakikita. Parang ang hirap pumili.”

Nakahanda at ayos na raw ang nursery room para sa baby nila.

“Hindi ko nga maintindihan kung bakit bumili na ako ng malaking kama. Na… oo nga pala, magki-crib nga pala siya!” tawa na naman niya.

“Bumili na rin ako ng mga unan niya. Tapos saka ko lang naisip na, ‘Ay, maliliit lang pala ang gamit ng baby!’

“Pang-two years old na yata yung mga nabili ko! Ha-ha-ha!

“Tapos, naghahanap kami ng artist na magpi-paint ng wall ng nursery room na may mga animals, gano’n. Kaso, wala pa kaming nakikita.”


BEING PREGNANT. Naglilihi pa rin ba siya or nagki-crave for something to eat?

“Iba-iba kasi. Hindi ako naglihi na yun lang ang specific na gusto ko.

“Pero may time na gusto ko ng taho parati. Na sa isang upuan, tatlong taho.

“Tapos banana cue, camote cue… basta iba-iba.”

Si Rich ba ay binubulabog niya kapag gano’n na may gusto siyang kainin?

“Hindi naman. Naaawa naman ako!” tawa na naman ni Kyla.

“Kapag nasa labas lang siya, nagpapabili ako, o kaya ako na lang ang bumibili.”

Kaugnay pa rin ng pagbubuntis niya, may nararamdaman pa ba siya o wala na?

“Mabigat lang na yung hips ko, parang matatanggal na siya. Parang hihiwalay siya sa katawan ko. Gano’n.”

Is she aiming for a normal delivery?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung kaya. Kasi parang malaki siya base sa sukat niya.

“Malaki siya, mahaba.

“Kakayanin ko ‘to!” natawa ulit na sabi ni Kyla.


VALENTINE’S DAY. Paano naman nila ipinagdiwang ang nakaraang Valentine’s Day?

“Naku, boring!” tawa ni Kyla.

“Sa bahay lang… nagluto. Gano’n. Boring!

“Pero okey lang. Ma-traffic, e, kaya ayoko umalis.

“Kapag buntis ka at nasa bahay ka, feeling mo, parang nakakatamad na umalis. So ‘yon, tamad-tamaran lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN