Pinay model Stephanie Retuya finishes second in Asia’s Next Top Model

Pumangalawa ang Philippine representative na si Stephanie Retuya sa kauna-unahang Asia’s Next Top Model. Ang nagwagi ay ang representative mula sa Thailand na si Jessica Amornkuldilok.


Muntik nang masungkit ng isang Pinay ang titulong Asia’s Next Top Model sa finale ng reality show na ito na ipinalabas kagabi, February 17, sa StarWorld.

Nakuha ng Philippine representative na si Stephanie Retuya ang puwestong first runner-up sa Asia’s Next Top Model, ang Asian franchise ng pamosong reality-model search na America’s Next Top Model.

Ang nagwagi ng titulo ay ang taga-Thailand na si Jessica Amornkuldilok. Second runner-up naman si Kate Ma ng Taiwan.

Marami ang nagulat nang makaabot hanggang Final 3 ang 23-year-old model mula sa San Pedro, Laguna. Bukod kasi sa hindi siya nananalo ng best photo sa anumang photo challenges, limang beses pang napunta sa Bottom Two si Stephanie.

Dahil dito, nabansagan si Stephanie na “underdog” sa naturang contest.

Para sa final challenge ng tatlong natitirang contestants, may ginawa silang TV commercial for Canon, isang photo shoot for Harper’s Bazaar, at ang runway challenge kunsaan suot nila ang creations ng sikat na designer from Singapore na si Frederick Lee.

Sa finale night na ginawa sa Resorts World Singapore, dumalo ang creator at host ng America’s Next Top Model na si Tyra Banks.

Na-impress si Tyra sa runway walk at sa TV commercial ni Stephanie kaya pinuri niya ito.

“I thought your runway walk was spectacular. You have sass but you’re also very sweet. This is a model now although she is not modelling,” sabi ng American supermodel.

Pero ang naging weakness ni Stephanie ay ang kanyang photo shoot for Harper’s Bazaar magazine.

Sabi ni Tyra tungkol dito, “You were thinking strength but not giving strength.”

Kakasimula lang ni Stephanie ng kanyang modelling career noong mabuntis at manganak siya. Pero itinuloy pa rin niya ang kanyang pangarap at hindi naging hadlang ang kanyang pagiging isang ina.

Inamin nito sa show na nahirapan siyang malayo sa kanyang anak noong mapili siya bilang Philippine representative para sa Asia’s Next Top Model. Hindi pa raw kasi siya nakakalabas ng bansa at napakamahiyain daw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil sa contest, na-boost ang kanyang confidence at nagpasalamat ito na nakaabot siya sa Final Three.

Ang nagwagi naman na si Jessica ay naging early favorite sa competition. Nakuha nito ang best photo ng limang beses at apat na challenges ang napanalunan niya.

Bilang winner ng Asia’s Next Top Model, meron nang kontrata si Jessica sa London-based Storm Models Management, that represents supermodels Kate Moss and Cindy Crawford. The contract also includes a three-month, all-expense working trip to London.

Magiging cover din siya ng Harper’s Bazaar magazine, a 2013 campaign for Canon IXUS, a new Subaru XV, and 100,000 Singapore dollars cash prize.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN