Julia Montes wishes to dance with her father on debut; says escort Coco Martin is “special”

Julia Montes’s wish on her birthday: “Kasi ang dream ko, sa last dance, yung dad ko talaga. Kaya rin ako may special section sa mga father figure, kasi sabi ko, ‘Kung wala ang dad ko, maraming puwede.’”


Masaya ang umpisa ng interview ni Charlene Gonzalez-Muhlach kay Julia Montes sa The Buzz kahapon, February 17.

Napag-usapan sandali ang pelikula nina Julia at Coco Martin na A Moment In Time, na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan, at ang pagkakaabalahang debut ng Kapamilya young actress.

Bago tinalakay ang debut ni Julia, tinanong muna ni Charlene si Julia kung ano ang regalo ni Coco sa kanya noong Araw ng mga Puso.

“Secret!” natatawang sagot ng dalaga.

Hindi raw lumabas si Julia noong nakaraang Valentine’s Day.

Kuwento niya, “Sa bahay lang naman po ako at may mga errands-errands lang.

“Happy lang naman po, kasi yung mga espesyal na tao sa buhay ko—family, friends—naalala ako sa Valentine’s Day.

“Kumbaga, hindi mo kailangang maging in a relationship para maging happy sa Valentine.”



VALENTINE GIFTS. Pero ayon kay Charlene, may napansin daw siya sa Instagram account ni Julia na isang bouquet ng bulaklak at may teddy bear din sa cabinet niya. Pinost daw ang mga ito ni Julie pero binura niya rin kalaunan.

Kanino galing ang bulaklak?

“Hindi ko po alam, wala pong nakalagay, e!” natatawa pa rin niyang sabi.

Masaya ba siya noong Valentine’s Day?

“Masaya,” nakangiting sagot ni Julia.



DEBUTANTE. Dahil nalalapit na nga ang debut ni Julia, ngayon pa lang ay abala na sila sa paghahanda rito.

Ang aktuwal na kaarawan ni Julia ay sa March 19.

Saad ng young actress, “Tomorrow po, may meeting po kami kung paano ang flow ng program.

“May theme na po… parang may pagka-Cinderella, fairy, garden type.”

Naalala naman ni Charlene ang eksenang debut sa primetime series na Ina Kapatid Anak, at tinanong kung para bang ganoon.

“Parang ganoon po, pero wala lang akong wings,” sabi niya.

Ang mga seremonyang gagawin sa debut ni Julia ay18 Roses, 18 Tulips, at 18 Treasures.

“Yung Roses po, yun po ang mga nakatrabaho ko sa ABS na naging close ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Tulips po, dahil po sa movie [A Moment In Time]. Kasi, related po yung flower na yun sa movie.

“Kaya sabi ko, good idea ito… gusto kong isama.

“For me, yung meaning po, father figure ko, tatay-tatayan ko sa showbiz, doon ko isinama.

“So, sila, parang may special section siya,” paliwanag niya.



SPECIAL GUESTS. Si Coco ang napili ni Julia na maging escort sa kanyang debut.

Ano nga ba ang dahilan at si Coco ang napili niya?

“Kasi po ano, kasi siya yung close ko. Siya ang umaalalay sa akin, Walang Hanggan days pa lang.

"So, special siya."

Bukod kay Coco, sino pa ang top three special people na inimbita niya sa kanyang debut party?

“Si John Lloyd [Cruz], kung makakapunta siya,” ang tila kinikilig na sabi niya.

Kasama raw si John Lloyd sa 18 Roses.

“Si Tito Richard [Gomez], Daniel Padilla.”



EXPECTATIONS. Ano ang mga bagong mangyayari sa kanyang lovelife at career sa pagsapit ng kanyang kaarawan?

Sabi ni Julia, “Siguro sa career po, mas ano lang ako ngayon, mas lalo lang akong devoted.

“Mas lalo kong minamahal ang trabaho ko po.

“So, parang mas excited ako kung ano ang darating sa aking work… kung gaano ka-challenging pa.”

Mas mature roles kaya?

“Siguro po, oo. Lahat naman ng ibinibigay sa akin, in proper way pa rin po.

“Hindi naman nag-e-exceed sa limit, sa age ko.

“Kumbaga, lahat naman ng ibinibigay sa aking opportunity, sakto lang, yung puwede mong ipakita.”

Sa pag-ibig, puwede na rin siyang mag-date?

Natawa si Julia bago sumagot.

Aniya, “Ewan ko po kay Lola, kung papayagan na. Pero, wala pa naman po sa ganoon.

“Hindi naman po ganoon ka-close, hindi naman po ganoon ka-open.”



MISSING HER DAD. Naging emosyunal naman si Julia nang tanungin kung ano talaga ang pangarap niyang mangyari sa kanyang debut.

Aniya, “Ang dream ko pong talaga, actually, makumpleto… makumpleto yung family namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung makasama ang dad ko.

"Kasi ang dream ko, sa last dance, yung dad ko talaga.

“Kaya rin ako may special section sa mga father figure, kasi sabi ko, ‘Kung wala ang dad ko, maraming puwede.’”

Matagal na rin hinahanap ni Julia ang kanyang ama, na iniwan siya sa pangangalaga ng kanyang “deaf mother,” noong baby pa lamang siya.

Isang German ang tatay ni Julia, na ang pangalan ay Martin Schnittka.

Kung mahahanap daw ni Julia ang ama, ito na raw ang kukumpleto sa kanya.

“Totally,” diin niya.

Pero kung sakaling nanonood ng mga oras na yun ang tatay ni Julia, ano ang gusto nitong sabihin sa ama?

“Kasi po, maraming sumusuporta sa akin. Family ko, friends, mga taong umalalay sa akin sa showbiz.

“Sa mga taong sumusuporta sa akin, proud sila sa mga nangyayari sa akin.

“Pero, gusto ko rin na maging proud yung dad ko at masabi niya sa akin na, ‘I’m proud of you.’”



SPECIAL WISH. Habang nagsasalita si Julia ay may background music na “Dance With My Father,” kaya lalo siyang naging emosyunal.

Napaka-espesyal pala ng awiting iyon sa Kapamilya actress.

Sabi niya, “Since kasi noong bata ako, kapag nag-debut ako, gusto ko, yun talaga ang dance.

“Tapos, mahilig akong manood ng mga romantic movies. Yung mga wedding-wedding na yung dad ang nandoon.

“Kaya kung mapapansin ninyo, doon sa Walang Hanggan na wedding scene, emosyunal ako.

“Kasi, parang feeling ko, si Katerina ako. Kasi, wala yung dad ko doon sa special event.

“Sabi ko, sana in the future, hindi man sa debut ko, in the future, in the future, makita ko, masaksihan niya yung special moment.

“At itong kantang ito, mahina talaga ako diyan—yung meaning… talagang tumatagos.

“Patugtugin lang siya sa set, hahagulgol na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN