Patrick Garcia on having another child: “It’s an exciting experience because I never experienced that before—to be part of the pregnancy.”

Nagpahayag ng kanyang damdamin si Patrick Garcia tungkol sa mga leksiyong natutunan sa mga karanasan niya. Aniya, “Kasi, yun ang bumubuo sa iyo, kung sino ka. Kung sino ka maging o kung sino ka magiging in the future.”


Itinanggi agad ni Patrick Garcia na siya ay magpapa-seksi pagkatapos siyang mapanood na naka-underwear sa isang eksena ng ABS-CBN primetime series na Apoy Sa Dagat.

Binigyang-diin ito ni Patrick sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, February 17.

Sabi ng aktor, “Ay hindi naman… hindi ako magpapa-sexy.

“Actually, before doing the scene, I thought Direk FM Reyes was... nagbibiro lang sa akin.

“Sabi niya, ‘O, sa eksenang ito, tatanggalin mo ang short mo, naliligo ka sa poso.

“So, tawa lang ako.

“Noong action na, hindi ko ginawa. I just did what I had to do. Then, cut.

“Sinabi niya na, ‘Patrick, kailangan mong tanggalin yung short mo.’

“I did. And Direk promised me na it will look good—hindi masagwa and part of the story.”

Naging masaya naman daw si Patrick nang makita niya ang eksena.

SATISFIED. Kumportable na ba siya sa kanyang katawan?

“I have always been comfortable naman with my body,” sagot ni Patrick.

Pero kung may script na kakailanganin talaga siyang magpa-seksi, gagawin niya?

“If the script is good at maganda ang istorya, why not?”

Sa nakikita raw ni Boy kay Patrick ngayon, the actor is in a good place. Pero kung babalikan ni Patrick ang lahat ng pinagdaanan niya, ano ang masasabi niyang magandang leksiyon?

“Sa lahat ng pinagdaanan ko, siguro, lahat yun nagiging importante.

"Kasi, yun ang bumubuo sa iyo, kung sino ka.

“Kung sino ka maging o kung sino ka magiging in the future.”

Ayon naman kay Boy, kahit wala pa ang mga “experience” ni Patrick na napaghuhugutan nito sa pag-arte, mahusay na raw itong talaga.

“I would like to think,” nakangiting sabi naman ni Patrick.

Sabi ni Boy, sana nga raw ay marami pang materyal na gawin si Patrick sa telebisyon at sa pelikula.

Sagot dito ng aktor, “Sana. I love my work and every day, I’m loving it even more. I’m loving it with the passion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unlike when I was young. Siyempre, you’re just playing, but I always did naman my work seriously.

"Now, it’s more different.”

NEW GIRL, NEW BABY. Mabubuhay ba siya na hindi nagmamahal ng babae?

Sagot ni Patrick, “It’s possible… but in my case, I love somebody, nakakatulong.”

Sa nakaraang interviews ay inamin ni Patrick na buntis ang girlfriend niya ngayon.

Si Patrick ba ang tipong magpapakasal?

“One day, one day, I’m settling down.

"We’re taking it slow. We’re concentrating on the baby.

“It’s an exciting experience because I never experienced that before—to be part of the pregnancy.

“And to experience it now, it’s very overwhelming.”

Sa ikalawang pagkakataon, gusto niyang maging maayos ang lahat?

“Oo naman, sino naman ang hindi gustong maayos ang lahat?” sagot niya.



DIFFERENCES. Ang panganay ni Patrick ay si Alex Jazz, anak niya sa dating girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Kumusta sila ngayon ng anak?

“Hindi ko siya nakikita ngayon,” sabi ni Patrick.

Bakit hindi niya nakikita ang anak ngayon?

“Sobrang ano, e, sobrang kumplikadong rason.”

Pinagbabawalan ba siya?

“Parang… parang ganoon.”

Hindi pa nila nareresolba ni Jennylyn ang mga differences nila?

“As of now, yes,” sabi ni Patrick.

Pero hopeful siya?

“Yes... ayoko namang mag-away.

“I’d love to be with my son. I want him to grow up knowing me.

"I want to be there every step of the way, of course.”

Ang huling pagkikita raw nila ng anak ay noong Pasko pa.

MESSAGE TO ALEX JAZZ. Diretsahang tinanong ni Boy si Patrick kung may kinalaman ba ang sustento kaya hindi niya nakikita ang anak kay Jennylyn.

Sabi naman ni Patrick, “I don’t want to go into details.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng mensahe sa anak, ano yun?

“That I love him, of course. And I’m always here for him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And that he wants to spend more time with him?

“Of course,” sambit ni Patrick.

Sa naunang panayam ni Patrick, na lumabas dito sa PEP, ay inamin niyang may kinalaman nga sa hindi niya pagbibigay ng sustento ang dahilan kung bakit hindi niya nadadalaw ang anak.

Nananatili namang tikom ang bibig ni Jennylyn tungkol sa isyung ito, bagamat inamin niyang nasaktan siya dahil pakiramdam niya ay nagagamit silang mag-ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN