Barbie Forteza welcomes DerBie and RuBie fans: “Parehas naman silang close sa akin so wala namang kumpetisyong nagaganap.”

Sa edad na kinse, bata pa si Barbie Forteza para makipagrelasyon, kaya kaibigan lang talaga ang turing niya kay Derrick Monasterio. Sabi ng teen actress, “Ayaw din kasi naming i-pressure ang isa’t isa na porke magka-loveteam pero super-close… dyowa na agad? Puwede naman kaming friends na lang forever, di ba?”


Last taping day na ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa sa February 27, at hanggang first week na lang ng March ang airing nito.

Pero sa kabila ng pagtatapos ng pinagbibidahan niyang fanataserye sa GMA-7, saya ang nararamdaman ni Barbie Forteza.

Paliwanag niya, “Kasi maraming sumuporta sa show namin at saka hindi rin ako nalulungkot.

“Kasi after Paroa, puwede pa rin naman kaming magkita-kita, puwede pa rin naman kaming lumabas, so okay lang.

“Parang wala ring nangyari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie last Friday, February 15, sa pocket presscon ng Paroa na ginanap sa GMA Network Center.



DISCOVERY. Matagal na nagsama sa mga taping sina Barbie at ang leading man niya sa Paroa na si Derrick Monasterio.

Ano ang nadiskubre niya kay Derrick na hindi niya alam dati?

“May pusong mamon yun!” bigla niyang tugon.

“Mabilis siyang maapektuhan ng mga bagay-bagay, hindi lang niya ipinapakita.

“Tsaka ano siya... straightforward siya sa lahat ng bagay.

“Kumbaga, kahit anuman yung nakikita niya, sinasabi niya talaga. Hindi siya mahilig magtago sa sarili niya lang.”



EMOTIONAL. Nabanggit din ni Barbie na nakita na niyang umiyak si Derrick sa harap niya noong Luna Blanca days pa nila.

Tungkol sa anong bagay ba ang iniiyak ni Derrick?

“Secret,” sagot ni Barbie.

At hindi raw naiyak si Barbie noong umiiyak sa harap niya si Derrick.

“Hindi naman. Kasi, alangan namang damayan ko siya sa pag-iyak.

“E, ako na nga lang yung nagbibigay ng mga advise sa kanya, di ba? Ganoon.”

So ano ang ipinayo niya kay Derrick sa pagkakataong iyon?

“Na hindi naman niya dapat iiyak yung mga ganoong bagay.”

Habang nakikita niyang umiiyak si Derrick, ano ang naramdaman niya?

“Natuwa din ako, in a way, kasi ganoon siyang katiwala sa akin, na sa akin siya nag-o-open up.”



COOKING LESSONS. Inabot sa pagluluto ang closeness nina Derrick at Barbie at dalawang beses na raw silang magkasamang nag-grocery at nagluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagawa nila ito sa kani-kanilang bahay na kasama rin ang kani-kanilang pamilya.

“Yes! Una sa bahay ko, nagluto kami ng carbonara.

“Siya yung taga-abot ng ingredients, tsaka yung tagahalo.”

Natuto raw magluto si Barbie dahil mahusay magluto ang kanyang ama.

Nag-aaral din si Barbie kasama ang close friend niyang si Joyce Ching ng culinary lessons dati, pero nahinto dahil sa hectic schedule niya sa showbiz.

“At saka gusto ko rin talaga matutong magluto.”

Ano kaya ang next step sa closeness nila ni Derrick?

“Hindi ko alam,” walang kasiguruhan niyang sagot.



JUST FRIENDS. Fifteen years old pa lang si Barbie. Ito kaya ang dahilan kaya ayaw pa niyang makipagrelasyon?

“Hindi naman, ayaw din kasi naming i-pressure ang isa’t isa na porke magka-loveteam pero super-close… dyowa na agad?

“Puwede naman kaming friends na lang forever, di ba?”

Forever? Na ang tingin niya kay Derrick ay kaibigan lamang habang buhay?

“Oo!” mabilis niyang sagot.

Paano kung manligaw na nang seryosohan si Derrick sa kanya?

“O sige! Di manligaw.”

Walang pag-asa si Derrick, kung sakali?

“Hindi naman sa walang chance, pero kasi, alam naman niya na talagang friends kami, e.

“At saka hindi naman… mas maganda nga yung friends lang, kasi kahit papaano…

“At least, maa-assure namin ang isa’t isa na habang buhay, okay kami.

“Kesa yung magiging dyowa na araw-araw magkaaway, di ba?”



EX-LOVETEAM. Kumusta ang pagkikita nila ng dati niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio sa YakaPalooza event sa Luneta noong Valentine’s Day?

Huli silang nagkita ni Joshua bago ang Pasko.

“Okay naman, nanibago ako kasi nakasalamin na siya, e,” sabi ni Barbie.

Nag-aaral pa rin si Joshua, dahilan kaya medyo nag-lie-low ito sa showbiz.

Wala naman daw silang gaanong napag-usapan ni Joshua that night.

Hindi rin daw siya nailang na parehong nandoon sina Derrick at Joshua sa naturang Valentine event sa Luneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Actually, nailang ako kasi silang dalawa ang nag-uusap, hindi nila ako kinakausap!” ang natatawang sinabi ni Barbie.



NEW LOVETEAM. Halos dalawang buwan ding katrabaho ni Barbie si Ruru Madrid sa Paroa, at napuri ng teen actress ang baguhang male young star.

"Okay naman siya, magaling na siya actually bilang ito yung first show niya.

“Ang bilis niyang umiyak sa mga eksena!”

Hindi ba siya nalilito na may DerBie o Derrick & Barbie loveteam, at may RuBie o Ruru & Barbie loveteam na rin ngayon?

“Ang haba ba ng hair,” at natawang muli si Barbie.

“Okay lang, flattered kasi. Di ba, sino ba naman ang hindi makakagusto noon?

“Pero parehas naman silang close sa akin so wala namang kumpetisyong nagaganap.”

Nag-aaway na ang mga fans nila.

“Meron na nga daw, e, pero hindi naman grabe, hindi naman intense.”

Hindi naman daw umabot sa puntong kailangan na niyang mamagitan o umawat sa mga fans na nag-aaway.

“Hindi pa naman, hindi pa naman.”

Pero kapag naging grabe ay makikialam na si Barbie at aawat.

“Kasi parang ang chaka naman noong ang pag-aawayan nila… loveteam lang.”

Pero alam niyang hindi naiiwasan iyon.

Ano ang meron ang Derbie na wala ang RuBie and vice versa? Ano ang pagkakaiba?

“Hindi pa kami ganoong ka-close ni Ruru, nagtatantiyahan pa kaming dalawa.

“Kasi, kami ni Derrick, kabisado na namin yung isa’t isa.”

Mas matibay na ang DerBie, ayon pa rin kay Barbie.

Samantala, itinanggi ni Barbie ang balitang niregaluhan siya ni Derrick ng bracelet na nagkakahalaga ng sampung libong piso last Valentine’s Day.

Cupcakes at flowers daw ang ibinigay sa kanya ni Derrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN