BB Gandanghari on decision to undergo sex change: “Well, promises are made to be broken, so let’s leave it at that.”

Inamin ni BB Gandanghari na nasa proseso na siya ngayon ng kanyang desisyon na sumailalim sa sex change. Saad niya, “Ever since, I started preparing myself for this, I did the first step. But from the first step to the actual, it takes a long process and I’m in the process.”


Bilang first step sa desisyon ni BB Gandanhari na sumailalim sa sex change, inamin niyang kumonsulta na siya sa isang psychologist.

Hindi naman ito ikinagulat ng marami dahil inasahang ito na ang kasunod na gagawing hakbang ni BB pagkatapos ilabas sa publiko ang tunay niyang sekswalidad.

Para sa ina ni BB na si Eva Cariño-Padilla, tangggap naman niya ang desisyon ng anak. Pero kung siya raw ang tatanungin, hindi siya sang-ayon dito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa rehearsals ng pinagbibidahan niyang stage play na Halik ng Tarantula last week sa Viva office sa South Triangle, Quezon City.

Agad namin tinanong si BB tungkol sa pahayag ni Mommy Eva.

Sagot niya, “Sabi ko nga, ’There’s no need to worry. Huwag naman nating i-worry, it’s not gonna happen tomorrow.’

“Sabi ko nga, ‘Mama, let’s not talk about it. Stop worrying.’ I think nakuha naman niya ang gusto kong sabihin, so okay na yun.

“Yun naman ang maganda sa relasyon namin ngayon, e.

“Parang iba yung sense of connection na nararamdaman ko every time na nagkikita kami.

“I knew… I know from my heart na tanggap ako ng nanay ko at pag naramdaman mo yung acceptance ng nanay, okay ka na.”



MAJOR DECISION. Sa interview naman noon ng Cinema News kay Mommy Eva, nabanggit nito na nangako sa kanya si BB na hindi ito sasailalim sa sex change.

Sagot dito ni BB, “Well, promises are made to be broken, so let’s leave it at that.

“Sabi ko nga, I think I’ll never make a decision na di ko pinag-isipan… just trust me.”

Masayang nagkuwento si BB na iba talaga ang relasyon nila ngayon ni Mommy Eva kung saan mas intact at mas open daw sila sa isa’t isa.

“Oo… kasi now I’m very open with her, I can tell exactly what I feel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kahit alam ko na hindi siya masyadong kumporme sa sinasabi ko, sinasabi ko sa kanya.

“Saka sinasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko, kunwari, ‘Mama, crush ko siya.’

“Mahilig sa guwapo yun, natutuwa naman siya at may taste ako.”



PSYCHOLOGICAL TESTS. Sumailaim man sa unang proseso ng sex change, hindi minamadali ni BB ang sarili sa mga susunod pang hakbang.

Ito pala ang pinayo sa kanya ng isang psychologist na nakausap niya dati.

“Yes, I already do, it’s all part of it, proseso yun, e.

"In fact, noong tinanong nila ako galing Amerika… and they were asking me kung nagawa ko na ba yung first step, I think I did three years ago…

“Ever since, I started preparing myself for this, I did the first step.

“But from the first step to the actual, it takes a long process and I’m in the process.

“So nandiyan yung nakikipag-usap ka sa psychologist, only because it’s a major decision…

“And you need professional people to really guide you on your journey, on your process—yun ang pinaiiwasan sa akin.

“There was a time, mayroon akong conversation with a psychologist, sabi niya, ‘Parang you’re in a hurry.’

“I don’t know, di ako nakasagot sa kanya.

"Sabi niya, ‘Don’t rush. Take one day at a time. It’s a big decision… it takes time.’

“That’s what I’m doing now.”



AT PEACE. Sa usaping lovelife naman ay wala pa ring pormal na matatawag na boyfriend si BB.

“Mahirap kasi. Paano mo ba aanuhin ang special? Kung kausap-kausap, mayroon naman, kaya lang nasa ibang bansa.

“E, wala, ganoon yata talaga. Well see, he will come around.

“Alam mo, yung saya na kahit may problema, okay lang kasi part yun ng buhay.

“Ang importante, steady ka, at peace ka. Yung problema di mawawala ‘yan, e, parte ng buhay ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di naman tayo fairy tales, but the mere fact that you’re comfortabale, e, parang handa kang humarap sa kahit na ano.

“When you get comfortable with yourself, you get comfortable with other people.

“And when you’re not comfortable with yourself, ang hirap maging kumportable sa iba… nandoon na lahat ng tension.”

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikpag-ayos si BB sa kapatid na si Robin Padilla.

Positibo naman si BB na darating din ang panahon na magkakabati sila.

“I’m sure that will come. Oo, siguro,” pag-aasam niya.



STAGE PLAY. Bida sa stage play na Halik ng Tarantula kung saan very proud si BB, hindi lang sa ganda ng istorya kundi maging sa husay ng kanyang direktor at ng kanyang mga leading men.

Saad niya, “This is really a good one. I’m not exaggerating, but I’m really proud of this one.

“I can’t wait for people to see. Nakaganda ng script, e, tapos, ang sarap maging direktor ni Direk Soxy [Topacio].

“And then, I think, we found the right Valentin… so it’s beautiful."

Sinbi rin ni BB na hindi biro-biro ang preparasyon at paghahanda na ginagawa niya para sa pinagbibidahang stage play.

“Naku, madami! Physically, I have to be ready kasi strenuous ang rehearsals namin.

“Almost every day kasi, we’re running on our second month of rehearsing, so basically it’s four or five hours a day.

“Other than that, you have to be prepared emotionally kasi napaka-emotional ng buong eksena.

“And when you do theater, when you rehearse, you work with all the feelings and all that.

“So yung roller-coaster ng emotions, nandiyang nakakapagod.

“Most importantly, pinanood ko yung pelikula, kasi nagawa na ito, it’s actually an adaptation of a novel, Kiss of A Spider Woman…

“Na adapted by Manuel Puig himself, so kaya naging stage play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This was directly translated by Rene Villanueva at ito yung script na pinagtatrabahuhan niya.

“So napakaganda, buhay na buhay yung karakter… Beautiful!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN