BB Gandanghari ends talk about sex-change plan

“Pakumplika na nang pakumplika ang isyu na ‘yan… I think I should stop talking about it already,” says BB Gandanghari when asked about her decision to undergo sex change.


Iniiwasan na ni BB Gandanghari ang magsalita tungkol sa planong pagpapa-sex change.

Ito ang sinabi niya nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media ang rehearsal ng stage play na Halik ng Tarantula noong Miyerkules, February 20.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang balak na pagpapa-sex change ni BB. At tuwing tatanungin siya tungkol dito, hindi naman siya nag-aalinlangang sumagot.

(CLICK HERE to read related article.)

Pero sa pagkakataong ito, ayon kay BB, “I think I should stop talking about it already.

“That’s exactly what my psychologist was telling me back in the States, ‘Maybe you should stop talking about it because it’s really you’re personal journey.

“’Ang pinakaayaw mong mangyari sa lahat is you do something out of pressure and hindi sa pagkakataong ito.

“’You shouldn’t do that out of pressure kasi baka dumating ang punto na nape-pressure ka na lang.’

“Sabi ko, ‘Hindi naman.’

“[Sabi ng psychologist], ‘Then maybe you should stop talking about it.’”



RUSTOM IS DEAD. Kamakailan lang sinabi ni BB na nasa proseso pa rin siya ng pagdedesisyon tungkol sa pagpapa-sex change.

Pero hangga’t maaari, ayaw nang magsalita ni BB tungkol dito dahil, “Pakumplika na nang pakumplika ang isyu na ‘yan.”

Patuloy pa niya, “Ang reality is I was really shocked.

“Sagot ako nang sagot about first step, chuva-chuva.

“After everything, why am I taking all these questions when, in fact, I think I already did my first step four years ago when I said, ‘Rustom is dead.’

“Since then, I’m going through the process at hanggang ngayon hindi pa natatapos ang proseso.”

Hindi tiyak ni BB kung gaano pa katagal ang prosesong pinagdadaanan niya, pero siniguro niya sa huli, “Nandoon ako sa proseso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN