Vaness del Moral awarded Student of the Year at GMA Artist League graduation

Naguwi si Vaness del Moral ng tatlong awards mula sa GMA Artist League graduation batch 2. Siya ang nabigyan ng OA o Over Achiever award, Best Actress award at Student of the Year.


“I won’t fail them lalo na yung nagturo sa akin sa workshop, baka sabihin kasi ng iba na hindi ko naman nagawa nang maayos yung trabaho ko or yung craft ko o yung ginagawa ko kaya bakit ibinigay sa akin yung awards na ‘yon,” sabi ng Kapuso actress na si Vaness del Moral.

Sa natapos na GMA League of Artists graduation noong February 21, Huwebes, sa 17thfloor ng GMA Network Center ay nag-uwi ang Indio star ng tatlong awards.

Nakuha niya ang OA award o Over Achiever award, Best Actress award, at Student of the Year award.



STUDENT OF THE YEAR. Si Vaness ang hinirang na Student of the Year ng Artist Center workshop batch 2 at hindi raw siya makapaniwala sa mga na-achieve niya sa workshop.

Saad niya, “Nakakatuwa, nakaka-overwhelm, ang sarap ng feeling parang ayoko pang maniwala…

“Hawak ko na yung tatlong awards ko, so kailangan ko na maniwala.

“Kailangan ko lang ipakita sa kanila kung ano yung natutunan ko.

“Kailangan ko i-prove sa kanila na ibinigay sa akin ang awards na ‘to dahil deserving ako sa mga awards na ‘to."

Dagdag pa niya, “Basta I will do my best para maabot nila yung expectations nila at para ma-fulfill ko yung gusto nila.”

WORKSHOPS. Nagsimula ang workshop ng batch 2 noong October 2012, at sa loob daw ng tatlong buwan ay maraming natutunan si Vaness.

Sabi niya, “Dun sa workshops na napuntahan ko, dun ako sa dance workshop and acting.

“Sa dance workshop, hindi ko natapos yung dance workshop kasi may taping ako ng Mondays [for Indio] tapos 9 a.m. nag-i-start yung dance workshop ng Tuesday.

“So Monday taping ako dire-diretso, Pagsanjan [Laguna] pa. Nakakauwi ako mga 7 a.m. na, so wala na akong time na kahit i-push ko yung sarili ko.

“Dalawa yung workshop na pinupuntahan ko pag Tuesday.

“Yung dance ko ng morning and yung acting ko ng afternoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Vaness, “So, sabi ko, imbes na pagurin ko lalo yung sarili ko, ipapahinga ko na lang yung morning ko tapos sa acting na lang ako pupunta.

“Pero four days yata yung napuntahan ko sa dance workshop nag enjoy ako dun.

“Tapos na-discover ko sa sarili ko na kahit na sumasayaw ako nang madalas sa Party Pilipinas, may mga bagay pa rin pala na kailangan ko matutunan.”

Hindi man natapos ni Vaness ang dance workshop ay hindi naman ito naging hadlang para makuha niya ang awards na nakuha niya.

Tungkol naman sa pgtanggap niya ng best actress award para sa kanilang batch, ani Vaness, “Sa acting naman, yun ‘yong mga araw na every Tuesday, yun ‘yong nilu-look forward ko para mapunta ng workshop kasi alam ko makakasama ko yung ka-batch ko.

“May mga bago akong matututunan tapos matuturuan ako and, at the same time, may matututunan ako at may maituturo ako.

“Nagtutulungan kaming lahat so ang sarap lang ng feeling na ilan lang kami sa klase at ilang buwan pa lang kaming magkakasama pero sobrang bonded na kami.

“Ngayon, tapos na yung workshop, yung pakiramdam na wala ako gagawin pag Tuesday, parang ‘Ano ba? Puwede bang mag-workshop na lang every Tuesday?’

"Mga ganun yun yung nakaka-miss tapos, all in all, masaya ako kasi sila yung nagturo sa amin—sila sir Yani [Yuson], si Ms. Anna [Escalon], and si Chynna [Ortaleza] na nag-facilitate din sa amin.”

TUESDAY GROUP. Dahil naging bonded na nga si Vaness at mga ka-batch nito, sino kaya sa kanila ang mami-miss niya? Lalo na ngayon na hindi na sila laging magkakasama?

Naikuwento nga ng aktres na mami-miss niya ang “Tuesday group.”

“Pinakami-miss ko talaga, sa batch ko yung Tuesday group.

"Si Julian [Trono], si Jensen [Tenoso] ka-batch ko siya Tuesday group din siya…

“Si Yael [Yuson], si Bianca [Umali]…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halos lahat ng Tuesday group, mami-miss ko talaga.

“Lalo na si Chynna, si Yani, at saka si Ms. Anna.

Ano pa ang aabangan kay Vaness ngayong 2013?

Sabi niya, “Wala pang movies or kahit ano…

“Basta manood lang sila ng Indio gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

“Mapapanood nila yung mga natutunan ko sa workshop.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN