Anne Curtis does not want to be called a “role model”: “’Cause I’ve never been this squeaky-clean image kind of girl.”

Aminado si Anne Curtis na hindi siya puwedeng tawaging “role model” sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng napakaraming fans. Hindi naman daw siya yung tipong may sobrang linis na imahe. Pero puwede siyang maging role model sa pagiging totoong-tao. Aniya, “But I can be a role model, in a sense, on being true to yourself, and not having any skeletons in your closet..."


Naging identified o naging “tag” na kay Anne Curtis ang titulong “No Other Woman.”

Dahil na rin kasi ito sa pagpatok ng kanyang 2011 Viva movie na No Other Woman, kasama sina Cristine Reyes at Derek Ramsay.

Noong 2012 nga, nagkaroon pa siya ng Annebisyosa: No Other Concert World Tour concert na pumatok din.

Kaya nga nitong i-launch ang bagong TV ad niya para sa Century Tuna, nakasabit na naman ang “No Other…” sa kanya.

“I love it,” reaksyon tuloy ni Anne nang banggitin ito sa kanya.

“There’s no other me,” dagdag pa ng Kapamilya actress sa mga kausap na miyembro ng media na nasa launch ng kanyang latest TV ad na ginawa sa MyCinema ng Greenbelt 3, Makati nung February 19, Martes.

“I really love… ‘cause it’s something that people can relate to.

“Whatever that ‘no other…’ tagline is, it’s stuck to me, and I love it,” patuloy ng 28-year-old actress na kaka-celebrate lang ng kanyang birthday nung Linggo, February 17.

ONE OF THE BEST BIRTHDAYS. Para kay Anne, isa sa best birthday celebration niya ang taong ito, dahil ngayon lang uli niya nakasama para mag-celebrate ang kanyang ina na si Mommy Carmen.

“Siyempre yung mommy ko, she’s not always here for my birthday or Valentine’s Day, so having her here…

“Sabi ko nga, nai-tweet ko na, it’s one of the best birthdays I’ve ever had in a long time…sobra.”

Kuwento pa ni Anne, sobrang perfect daw ang araw na iyon para sa kanya.

“We had breakfast together, then we heard mass together, and then in the evening we had a party…it was just small, I mean, not too big.

“With my close friends…family, too. Perfect yung feeling.”

Nasa bansa nga ngayon ang ina ni Anne para rito magpaopera ng tuhod.

(CLICK HERE for related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang niregalo sa kanya ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff?

“Secret! Sa amin na lang yun,” tila birong sabi ni Anne.

“No, it was a painting,” bawi naman agad niya.

“He found it at a recent art fair. It’s made by a Pinoy… Jenny… I forgot her name. But it’s…galing, ang ganda.”

ANNE AS A COOK. Kilalang mahusay sa pagluluto ang kanyang boyfriend, tinanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ipinagluluto naman ba ni Anne si Erwan, at kung ano ang paborito nito na luto niya.

“Everything that I try to cook, he loves it… ‘Cause it’s best effort,” sagot ni Anne.

“It’s best effort, ‘cause you know, I’m not really a big cook. But now, I’m trying my best to learn… and I like it.

“And I’m not doing too bad a job…” pagmamalaki pa ni Anne.

Tinanong naman ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual kung ano ang best dish ni Anne.

“Of course, I perfected already the omelette, the frying of the egg, the tuna, the salad, the sandwiches… perfect ko na yun. I learned how to baste the chicken,” magkahalong biro at seryosong nasabi ng Kailangan Ko’y Ikaw star.

Birong tanong tuloy ng PEP contributor at TV5 reporter na si Arniel Serato, ready na ba siyang maging “No Other Wife”?

“Nnn…no! Not just yet. But I can be the fabulous ‘No Other Girlfriend,’” birong sagot uli ni Anne.

ON GETTING MARRIED. Hindi pa nga handa talaga si Anne na lumagay sa tahimik sa ngayon. Tinanong tuloy ng PEP kung may marrying age siya na isinasaalang-alang.

“I don’t have a marrying age, but an ideal age, maybe…I think an ideal age bracket… Probably, 32, 34…around there.

“I wanna say, ‘32, you better!’” biro ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero okey lang ba kay Erwan na nasa ganung age bracket niya balak lumagay sa tahimik?

Natigilan muna si Anne bago sumagot, “I’m not gonna say that…at least if he reads it, he gets a hint.”

Pero paano kung biglang magyaya si Erwan ng kasal sa kanya agad-agad o kahit wala pa sa age bracket na binanggit niya?

“You know what, if it happens before then, and I feel it’s the right time, then why not?” tugon ni Anne.

“QUEEN OF SUMMER ENDORSEMENTS.” Samantala, patuloy lang dating ng biyaya kay Anne, patuloy ang magandang pagtanggap ng mga tao sa kanyang mga show (It’s Showtime at Kailangan Ko’y Ikaw) at panay ang dating ng product endorsement deals sa kanya.

Ngayong parating na naman ang summer, magkakalat na naman ang mga poster niya sa summer destinations sa bansa dahil sa mga product endorsement niyang may kinalaman sa beaches at summer parties.

Biro tuloy ng PEP sa kanya, siya ang lumalabas na “Philippine Queen of Summer Endorsements.”

“I’m just very happy that these brands put their trust in me. That’s when you feel you have to be responsible in the way that you take care of yourself.

“It’s a good thing also for me because I see the feedback from people instantly on Twitter. You want to be their ‘fitspiration.’ And that encourages me to encourage them… It works in so many ways.”

Hindi ba pressure sa kanya na laging ingatan, hindi lang ang kanyang pangangatawan, kundi pati na rin ang buong imahe niya bilang celebrity?

“More than pressure, it inspires you. ‘Cause you see the people making all the effort, like, ‘Ate Anne, hindi ako kumain ng rice today…’” naikuwento niya tuloy na isang pakikipag-usap niya sa isa niyang fan sa pamamagitan ng Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why I love Twitter. Instant feedback kasi siya, e.”

ON TWEETING RESPONSIBLY. Dahil nga siya ang local celebrity na may pinakamalaking bilang ng Twitter followers, tinanong si Anne kung may pressure ba sa kanya na maging maingat o maging responsible sa kanyang mga itini-tweet?

“I’ve always been one to speak my mind, and I’ve always been one to not care what people think about me.”

“In terms of being responsible, I’m never the type naman to say something that I think would be rude. So, I don’t think I have to think about it that much.

“Especially me, my Twitter account is filled with all sorts of things, like nonsense, like random greetings, it could be to share my new campaign, to stand up for something that I believe in…

“So, it’s more of trying to show who I am as a person, than thinking what to tweet responsibly.

“If you’re a responsible person, you’ll tweet the responsible things you know,” sabi na lang ni Anne.

NOT A ROLE MODEL. Sa rami rin ng kanyang followers at fans, hindi rin daw niya nakikita ang sarili bilang role model, at ayaw niya ring magkaroon ng ganung tag o image.

“’Cause I’ve never been this squeaky-clean image kind of girl.

“But I can be a role model, in a sense, on being true to yourself, and not having any skeletons in your closet, you know…

“Good and bad. Lessons learned. You’re a human being. So, I don’t like the tag as a ‘role model,’ ‘cause I know, I’ve never been this squeaky-clean image, so, I’d rather be known as the ‘Totoong-tao pala siya… nagkakamali din!’” natatawang pahayag pa ni Anne tungkol sa kanyang sarili.

“I’ve made mistakes, people know that. But it’s all about dealing with that after. If you learn from that mistake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’d rather be that kind of girl. ‘Cause people might say, ‘Huuu, role model, hindi naman, e, dati…’

“So, I’d rather not na lang.”

CLICK HERE for related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN