Chynna Ortaleza finds fulfillment in her newfound role as acting workshop co-facilitator; says “Mas marami pa akong natutunan.”

Chynna feels excited and challenged with her forthcoming villain role opposite renowned kontrabida Jean Garcia


Bilang GMA Artist Center (GMAAC) talent, natutuwa si Chynna Ortaleza na matulungan ang iba niyang co-talents sa GMAAC nang maging co-facilitator siya sa talent development workshop ng second batch ng workshoppers.

Bahagi ng first batch ng workshoppers si Chynna at nakakuha siya ng maraming awards sa kanilang graduation. Kaya ikinagulat din niya na ginawa agad siyang co-facilitator.

“Masaya ako kasi hindi ko siya in-expect. Dumating siya sa point ng career ko na parang, okay, happy naman ako sa pagiging aktor, natutuwa naman ako sa projects na ibinibigay nila sa akin.

“Pero parang there is something there that I wanted. Hindi ko siya ma-pinpoint.

“Kaya minsan nagti-tweet ako na parang there has got to be something more than what I am doing at this point and I need something else that will inspire me.

“So, when this came along and they told me that they want me to co-facilitate... ayoko pa ngang maniwala. But I’m happy that I was able to help other people to succeed at that,” bungad ni Chynna.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna sa second GMA League of Artists graduation day kahapon, Pebrero 21, sa 17th Floor ng GMA Network.

Dumalo sa graduation ang top executives ng GMA-7 na sina Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, at President and COO Gilberto Duavit Jr.

Present din ang iba pang executives na sina Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata, Redgie Magno, Darling de Jesus, Gigi Santiago, Hazel Abonita, Simon Ferrer, David Fabros at iba pa.

LEARNING WHILE CO-FACILITATING. Naging co-facilitator si Chynna sa acting workshop kasama sina Direk Maryo J. delos Reyes, Yani Yuzon at Ana Soenen.

“Sina Yani at Ana, they were my teachers sa first batch. And then they told me… I didn’t really think of it, parang wala sa isip ko nung sinabi nila sa akin nung first batch na, ‘You can teach.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then I was surprised after everything, they called me in for the second batch to co-facilitate,” kuwento niya.

Ano sa tingin niya ang nakita sa kanya ng GMAAC para gawing co-facilitator?

“Siguro nakita lang nila yung dedication ko rin kaya naisip nila ako.

“And I’m happy because, seryoso lang ha... sa sampung linggo na magkasama kami mas marami pa akong natutunan ulit kumpara dun sa first time ko na naging participant ako.

“Because these people, you know, each one of them has their story and then also they do the exercises and you see who does good work.

“And then it becomes clear to you as an actor na you can really learn more.

“So, hopefully next time they will ask me to co-facilitate again next time because it’s a continuous learning thing and ganun naman ang acting,” saad niya.

Ano naman ang best advise na naibigay niya sa workshoppers?

“The thing is... I’m an actor and I know how it is on the set.

“So, pati sa career nadaanan ko na iyan, yung akyat-bagsak, alam mo yun, eleven years na ako sa business, e.

“So, pag yung mga bata marami silang baggage o kung meron silang mga tanong naa-advise-an ko sila, nasasabihan ko sila na kumalma lang.

So, yun ang parang main thing na nai-contribute ko sa mga bata,” dagdag ni Chynna.

WANTS TO WORK WITH WORKSHOPPERS. Sa 50 GMAAC talents na sumailalim sa talent development program, sino sa mga ito ang gusto niyang makatrabaho?

“There’s two people that I’m extremely excited to work with in these batch,” mabilis niyang sagot.

“One, of course is Vaness del Moral. We were in the same soap before but we never had scenes together. And I’ve always known that she’s very talented.

“Kasi makikita mo naman kung magaling, kung genuine, pati mga eksena niya nakikita ko. So, parang sana magkaroon kami ng pagkakataon na magkaroon ng show together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And this girl, Annicka Dolonius... I really like her because iba naman yung flavor niya.

“Kumbaga, kami sanay kami sa melodrama, siya she’s very natural. So, for me that’s very refeshing because it’s gives you another kind of dimension as an actor when you work with her.

“So, hopefully I can work with her.”

Matagal nang Kapuso talent si Vaness nang magsimula siya sa StarStruck Season 3.

Sa GMAAC talent development graduation ay pinarangalan siya ng tatlong awards: Best Actress, Over Achiever, at Student of the Year.

Si Annicka naman ay nakasama sa cast ng indie movie na Ang Nawawala, na finalist sa New Breed Full Length Feature Category ng Cinemalaya 2012. Sa graduation naman ay nakuha niya ang Best in Monologue Award.

NEW PROJECT. Bilang GMAAC talent, hindi rin nawawalan ng project si Chynna sa GMA-7.

Katatapos niya lang gawin ang panghapong teleseryeng Sana Ay Ikaw Na Nga, kung saan naging kontrabida siya kina Andrea Torres at Mikael Daez.

Habang ginagawa nga raw niya ito ay malaki ang naitulong ng pagiging bahagi niya ng workshop.

“Feeling ko nga thankful ako dun sa workshop kasi doon sa Sana Ay Ikaw Na Nga hindi lang ako napako doon sa pagiging masama,” paliwanag niya.

“Nag-Olga ako ng opening noon tapos sa gitna noon nag-Dulce ako... na jologs na character, na patawa.

“Alam mo yun, kung hindi ko ginawa yung workshop malamang hindi siya naging ganun ka-effective kasi alam ko kung saan ko siya kukunin. Tapos may follow-up din agad.”

Ang tinutukoy ngang kasunod na proyekto ni Chynna ay ang upcoming teleserye ng GMA na Serpentina, kung saan ilo-launch ang isa pang GMAAC talent na si Kim Komatsu.

Makakasama rin nila rito sina Jean Garcia, Jomari Yllana, Enzo Pineda, at Kristoffer Martin

KONTRABIDA TO JEAN GARCIA. Kontrabida ba ulit ang role niya sa Serpentina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I’m doing a kontrabida role but I’m not… I don’t know yet kasi nag-iiba iyan through time, di ba?

“Pero so far, ang alam kong mga kaeksena ko talaga sa show ay si Ms. Jean Garcia at si Jomari Yllana,” bunyag niya.

Medyo may takot at nerbiyos nga rin daw na nararamdam si Chynna sa pagiging kontrabida kay Jean, dahil alam niyang bukod sa pagiging mahusay na bidang artista nito ay magaling din itong magkontrabida.

“I’m scared because I’m gonna be a villain to a Jean Garcia. I mean, that’s something new and challenging for me,” pag-amin niya.

“Ang feeling ko is a mix of excitement and takot kasi alam ko naman kung gaano kabait si Madam kasi nakatrabaho ko na siya sa La Vendetta before.

“Nagkaeksena rin kami doon na parang bad din ako sa kanya. Tapos ngayon magkakaroon ulit kami ng eksena, magkakaroon kami ng confrontation scenes, and mas matindi ito.

“Tapos with Jomari Yllana pa, na parang feeling ko itong mga taong ito ang tagal-tagal na sa industriya. So, excited ako kasi alam ko marami akong matututunan sa kanilang dalawa.”

TO WORK WITH SNAKES. Pa-describe naman ng magiging role niya sa Serpentina?

“Ang character name ko si Minerva. Magsa-start yung show na bata pa lang ako,” kuwento ni Chynna.

“Ano siya... probinsiya, which is different kasi lagi akong classy kontrabida, English-speaking, mayaman. Siya [Minerva], isa siyang island girl.

“Tapos may super powers siya, may ability siyang kumausap ng ahas.

“Tapos kami ng ate ko, si Ms. Sherilyn Reyes, kami yung magpa-plot kung paano namin mae-endanger namin talaga si Jean at saka si Jomari.

“Tapos eventually dahil sa pag-manipulate namin na iyon, magkakahiwalay sila.”

Dahil kumakausap nga siya ng ahas sa istorya, hindi ba siya natatakot sa ahas pag kaeksena na niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not scared of snakes. I’m actually very fascinated,” amin niya.

“Di ba nga dati nung time na pino-produce ng GMA yung Darna, sobrang vocal ako na gusto kong maging Valentina.

“As in talagang pinu-push ko yun na sana bigyan n’yo ako ng chance na magampanan yung Valentina.

“So, yun... happy ako na hindi ko man nagampanan yung Valentina, at least now in another character, magagawa ko pa rin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN