Ronnie Ricketts on why he chose Chef Boy Logro as his co-star in The Fighting Chefs: “Sobrang masa siya.”

Sa ilalim ng mahusay at epektibong pamumuno ni Ronnie sa Optical Media Board, nakatanggap ito ng parangal mula sa FAMAS bilang pagkilala sa kanyang walang humpay na kampanya laban sa piracy


Sa presscon ng The Fighting Chefs, dala-dala ni Ronnie Ricketts ang isang kopya ng Certificate of Recognition na iginawad kamakailan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, Inc. (FAMAS) sa Optical Media Board (OMB).

Nakasaad sa komendasyon ang pagkakatanggal sa watchlist ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang nagba-violate ng Anti-Piracy at Anti-Intellectual Property Law.

Si Ronnie ang Chair at Chief Executive Officer ng OMB.

Siya rin ang bida sa nasabing light comedy-action movie na handog ng Viva Films kung saan sa unang pagkakataon ay nakasama niya ang isa sa pinakasikat na chef sa buong bansa, si Chef Boy Logro.

Sa March 6 nakatakdang ipalabas ang The Fighting Chefs.

PROUD OF HIS WORK. “Dito nga sobrang proud ako. Kasi lahat ng pagod ko, e, parang biglang nawala,” pagtukoy niya sa dala-dalang komendasyon noong nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Alam niyo naman na bilang chairman, maaga pa lang nasa office na ako. Nagta-trabaho na at halos wala na akong time sa pamilya ko.

“Team player din kasi ako. Gusto ko pag may lakad ang opisina, halimbawa may operation kaming gagawin, gusto ko kasama talaga ako.

“Nakita niyo naman siguro sa TV, napapasabak talaga ako.

“Kaya nga itong 2013 Special 301 Review kung saan special mention nga ang Pilipinas na nawala na sa watchlist of violators, napakalaking bagay nito sa akin.

“Of course, ang credit ay hindi lamang sa akin kundi pati na sa lahat ng aking mga tauhan at allied government offices na kasangga sa misyon na ito.”

EDUCATION AS THE BEST WEAPON. Isang programa pa nga raw ang isinusulong niya ngayon para lalo pang maging epektibo ang kanyang kampanya laban sa pamimirata ng mga CDs, DVDs, CD-ROMs, textbooks and review materials.

“Alam mo, may reach-out project kami,” kuwento niya.

“Talagang pumupunta kami sa mga bahay-bahay at doon sa matataong lugar na alam naming may mga ginagawang ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We tried to talk to them, inaalam naming kung anong mga livelihood projects ang puwede naming magawa para hindi na sila mamirata.

“Alam mo kasi ang key word diyan ay education.

“Kapag naging educated sila sa ano ba talaga ang tama o mali, yung legal sa hindi, magdadalawang-isip na yan na gumawa ng hindi ayon sa batas.

“Yung sa akin kasi ang tingin ko ay long-term. Paano, pag hindi mo sila nabigyan ng pangkabuhayan, e, di babalik din kaagad yan sa dating gawi.”

HIGH-RISK JOB. Masyadong delikado ang kanyang position. Kumbaga, marami siyang nasasagasaang mga negosyante na puwedeng ikapahamak nang buhay niya.

Ano ang masasabi niya rito?

“Yung death threats?”patanong na sagot niya. “Yung threats na yan, noong una, medyo dinidibdib ko pa.

“Okey aminin ko... e, tao lang ako. Medyo kabado rin ako.

“Pero naniniwala kasi ako na pag maganda ang intensiyon mo, gagabayan ka talaga ng sa Itaas, e.

“Hindi ka Niya pababayaan kasi alam Niya na ang ginagawa ko ay para sa bayan.

“Ngayon, manhid na rin ako sa threats na yan.”

Kumusta naman ang pagtanggap ni Mariz (singer na asawa ni Ronnie) at ng kanyang pamilya?

“Si Mariz, noong una talagang sobrang kabado yan,” kuwento niya.

“If you notice kasi, wala akong bodyguard pag lumalabas ako. Driver lang kasama ko.

“Pero lagi ko naman siyang ina-assure na magiging okey ako. Samahan na lang nila ng dasal,” nangingiting sabi pa niya.

“Siyempre, mga anak ko, nag-aalala din. Lagi nilang sinasabi na, ’Daddy, mag-movie ka na lang.’

“Then, kinakausap ko naman sila. Ipinapaliwanag ko kung ako ang posisyon ko.

“Ngayon, very proud sila sa akin... sa achievements ko, parte sila noon.

“Si Mariz, puro encouragements na lang ang maririnig mo diyan.”

COOKING IT UP WITH RONNIE. Bilang artista naman, inalam ng PEP sa kanya kung bakit hindi full-length action movie ang kanyang ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na kasi ang kinasanayan sa kanya ng mga manonood.

Kuwento niya, “Noong nasa Sates kasi ako, nakita ko na yung pamangkin kong si Bruce... e, ang galing-galing magluto.

“Sabi ko sa kanya, sige uwi ka sa Pilipinas, gawa tayo ng pelikula tungkol sa pagluluto. Haluan natin ng konting action.

“Kaya nang makipag-tie-up ako sa Viva Films, pumayag naman sila sa concept, yun tinuluy-tuloy na namin.

“Sabi ko, wag na muna yung sobrang action. Okey lang yung medyo comedy na may action. Kaya heto nga.

“Pati nga ang anak kong si Marella, napasabak din sa acting. Introducing siya dito.

“Kaya nga, naging family bonding namin yung shooting nito.

“Ako din kasi yung direktor, si Mariz ang line producer, kasama pa anak ko. So, lagi kaming magkakasama.”

CHEF BOY’S MASA APPEAL. Marami ang nagtataka kung bakit si Chef Boy Logro ang kinuha niya bilang isang bida ring kasangga niya.

“Kami kasi ni Mariz laging nanonood ng mga cooking show niya,” pag-amin ni Ronnie.

“Tuwang-tuwa kami pag nanonood kami kasi sobrang masa siya. Click sa manonood.

“Tapos, may pa-action-action pa siya. So, sabi ko, ’Okay ‘to, a!’

“Dahil tungkol sa isang naluluging restaurant ang movie namin, sabi ko kailangan talagang si Chef Boy ang kukunin namin.

“Kundi, di ko itutuloy ang pelikula. Buti na lang, nung makausap namin si chef, mabait siya, pumayag naman,” pagtatapos ni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN