Ruru Madrid was an “accidental hero” during the height of typhoon Ondoy

Ruru Madrid on being the object of fans’ online bashing: “Tinitingnan ko lang po, natatawa lang. Hindi naman po namin sineseryoso, kami naman po nila Barbie parang pinagtatawanan lang namin yun.”


Kahit nasa murang edad pa lamang na 12-anyos si Ruru Madrid noong October 2009 ay maituturing na rin pala itong isang bayani.

Marami pala siyang nailigtas noon mula sa rumaragasang bahang dulot ng bagyong Ondoy sa bansa, partikular na sa bayan ng Marikina kung saan siya naninirahan kasama ang kanyang pamilya.

“Marami po akong na-save nung time na yun,” umpisang kuwento ni Ruru sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya kamakailan sa GMA Network Center.

ACCIDENTAL HERO. “May mga bata... nailigtas ko po dahil yung bahay po namin mataas... marami po akong nailigtas. Hindi ko po mabilang kung ilan.”

“Lumusong po ako sa tubig, lumangoy po talaga ako sa baha.”

Sa Malanday nakatira si Ruru, at noong panahong ’yon ay lagpas na daw sa second floor at halos abutin na ng baha ang third floor ng kanilang bahay na katabi ng Marikina River.

Hindi ba siya natakot noon?

“Hindi po, kasi sanay na po ako dahil swimmer po ako, e,” saad niya.

“Kaya ayun po nakapagligtas po ako.”

Sumasali daw siya sa mga swimming competitions sa school nila.

Hindi raw alam ng mga magulang niya noon na sinuong niya ang rumaragasang baha para tumulong sa ibang mga biktima.

“Yung mommy ko po inaakyat niya yung mga gamit namin, yung daddy ko naman po inaasikaso po yung mga nailigtas namin.”

Ang tiyuhin niya raw ang isa sa mga nailigtas ni Ruru.

“Yung tito ko po kasi naawa ako sa kanya, tinulungan ko po siya dahil ito po yung bahay ng tito ko, ito yung bahay namin... tumalon po talaga siya papunta sa amin, so tinulungan ko po siya,” dagdag niyang kuwento.

ABOVE THE CLOUDS. Dahil dito, nakaka-relate si Ruru sa indie movie na gagawin niya, ang Above The Clouds.

“Dito namatay po lahat ng mahal ko sa buhay sa Ondoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, nag-iisa na lang po yung kamag-anak ko, si Pepe Smith po, lolo ko po, nasa Mountain Province po siya, pupuntahan ko po siya pero hindi po kami close.

“Kumbaga gusto ko lang po siya makita para may kamag-anak po ako, ganun po.

“Sobrang heavy drama po ito,” saad niya.

Kuwento pa ni Ruru…

“Mag-o-audition po dapat ako pero nung time po nung audition may taping po ako [sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa] kaya hindi po ako nakapag-audition.”

“Ngayon sinabi po ni direk Pepe na, ‘Gusto ko itong Ruru na ito,’ dahil nakita po pala niya yung picture ko, tapos nag-VTR po ako para ipakuwento po sa akin yung nangyari sa Ondoy.”

Ang direktor ng Above The Clouds ay ang indie film director na si Pepe Diokno.

“Tapos, nung nag-audition po ako parang nagulat po siya sa akin, na parang kami daw po ni Pepe Smith parang may chemistry.

“So, ’yon po, una po ipinakuwento po niya sa akin yung nangyari sa amin sa Ondoy dahil personally po naka-experience naman po talaga ako ng Ondoy.

“Nung ikinuwento ko po sa kanya na nakakita po ako ng inaanod na patay sa harap ko po, naiiyak po siya habang kinukuwento ko.

“So, iyon po nagustuhan niya po ako.

“Sa March 7 po ang shooting namin at ipanlalaban po ito sa ibang bansa,” pagmamalaki niya.

Nakatulong ba na totoong Ondoy victim siya kaya siya ang napiling maging bida?

“Opo, siguro po, dahil nga po may alam na po ako, nakaka-relate po ako.”

Okay lang daw kay Ruru kahit maliit lang ang talent fee sa paggawa ng indie film.

“For me po yung experience po dito at saka yung alam ninyo po kasi pag teleserye, parang ang gusto ng mga tao, yung masa na tinatawag...

“Parang gusto nila yung heavy drama, yung iyak na ano... pero pagka indie film po, diyan po makikita yung very natural, kaya iyon po yung gusto kong ma-experience,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First indie niya ito at first movie naman niya ang My Lady Boss ng GMA Films na pinagbibidahan naman nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

FIGHTING FANS. Nahingan naman namin ng pahayag si Ruru tungkol sa isyung nag-aaway na daw ang RuBie fans (mga supporters ng loveteam nina Ruru at Barbie Forteza) at ang mga DerBie fans (mga tagahanga naman nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio).

“Sa Twitter lang po siguro. Pero hindi po yung talagang away, alam ninyo po yung parang nagpapagalingan lang, na sabi mas bagay pa rin ang Rubie dahil ganyan-ganyan... magkaedad.

“Tapos, mas bagay pa rin ang DerBie dahil matagal na sila nagkasama,” pag-amin ng binata.

Hindi raw nakikialam si Ruru.

“Hindi po. Tinitingnan ko lang po, natatawa lang. Hindi naman po namin sineseryoso, kami naman po nila Barbie parang pinagtatawanan lang namin yun,” dagdag niya.

Love triangle sina Ruru, Barbie at Derrick sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa ng GMA-7.

Bilang baguhan siya sa showbiz, sa palagay ba ni Ruru ay nakakatulong ang loveteam para mapansin agad? O mas maganda ba kung solo lang?

“Para sa akin naman po, kung… parehas lang naman po dahil pagka may sarili ka, parang mas madali na lang sa iyo na ganun po, makikilala ang mga tao.

“Pero pagka po kasi may loveteam, alam ninyo po yung parang katulad po ng mga Marian-Dingdong, mas nagugustuhan ng mga tao, pero… hindi ko po alam, e.

“Pero mas gusto ko po siguro yung may ka-lovetam para po yung mas marami yung natutuwa, may ganun po, e,” pahayag niya.

Okay lang ba sa kanya na may kahati siya kay Barbie na loveteam dahil may JoshBie [Joshua Dionisio at Barbie) at may DerBie?

“Siguro po okay lang po dahil may mga tao naman na mas magugustuhan nila yung ganitong bagay, pero siguro po parang katulad po ng JoshBie dati, di ba nawala na rin po?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mawawala na rin ang DerBie?

“Hindi po, hindi ko naman po sinasasabi na ganun, hindi!

“Pero siyempre po parang ’eto muna ang aangat, may JoshBie... pangalawa DerBie ang angat... pangatlo yung RuBie naman.

“Parang nagpapalitan lang po, parang ganun po,” wika niya.

Masosolo na niya si Barbie dahil si Derrick ay kapareha na si Bea Binene sa Vampire Ang Daddy Ko.

Kaya malamang nga na sa susunod na project ay patitibayin na ang RuBie.

May sinabi na ba sa kanya ang GMA na next show nilang dalawa ni Barbie?

“Wala naman po pero ang gusto talaga ng mga boss, na parang si Barbie daw po yung para sa akin, e.”

So mawawala na nga ang DerBie?

“Hindi ko po alam,” ang natatawang sagot ni Ruru. “Hindi ko po alam.”

ON JERIC GONZALES. Mas sikat si Ruru (na runner-up lang sa Protégé) kaysa sa grand winner na si Jeric Gonzales.

“Para sa akin po, well for me talagang masaya ako dahil ako po yung parang umangat pero siyempre, take time lang naman po yan, di ba?

“Naniniwala naman po ako na bibigyan ng GMA ng magandang role si Jeric dahil siya naman po yung winner.

“Parang ganun po ang buhay ng showbiz... parang eto muna ang aangat tapos siya naman, tapos minsan nagkakapantay kayo.

“Parang ganun naman po yan ’tsaka parang magkapatid na kami niyan ni Jeric dahil sa Protégé kami po yung laging magkasama, tapos ngayon nagba-basketball po kami lagi, so iyon po,” masaya niyang kuwento.

Obserbasyon pa ng marami, si Ruru ang nabibigyan ng pansin dahil siya ang marunong umarte at mas may charm kaysa kay Jeric.

“Masaya, para sa akin po masaya dahil ako po yung nasasabihan ng mga ganung bagay pero may pagkakaiba naman po siguro kami ni Jeric.

“Si Jeric marami po ang nagsasabi sa kanya na pang-leading man po ang hitsura niya, di ba, dahil guwapo naman po si Jeric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya po madali na lang din po siyang mabigyan ng magandang role.

“Ganun din naman po ako, e... bata pa naman po ako, fiteen lang... kaya siguro ako po sa mga tweens-tweens, pero si Jeric siguro bagay na siya sa mga katulad nila Aljur [Abrenica], ganun po,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN