Nikki Gil on boyfriend Billy Crawford’s sexier image and renewed confidence after losing weight: “Regardless of his weight, I will love him.”

Nikki on the positive reviews of her performance during the pilot episode of Apoy Sa Dagat: “Yung journey naming lahat na naging part ng pilot episode, madugo talaga kasi ang bigat ng kuwento. Kudos to the writers, sobrang ganda ng kuwento... ang bigat na responsibility ng kuwento.”


Pinag-usapan at nag-trend ang mahusay na pagkakaganap nila Nikki Gil, Patrick Garcia at Empress Shuck sa pilot episode ng ABS-CBN teleseryeng Apoy Sa Dagat.

Marami rin ang nabitin sa isang linggong pilot episode na ito ng nasabing serye, kaya’t marami tuloy ang humihiling na sana raw ay magkaroon ng sariling serye ang tatlo.

Sa nakaraang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Nikki nung nakaraang Miyerkules sa presscon ng nakaraang announcement ng MYx Music Awards 2013 nominees sa TYA Bar, Quezon City, labis naman ang pasasalamat ni Nikki Gil sa magagandang feedback ng mga televiewers sa naging pagganap nila sa kanilang mga karakter.

“Thank you, salamat po. Siyempre napakagandang feeling,” pag-amin ni Nikki.

“Sabi ko nga, nung ginagawa namin yung soap, kapag siguro nakarinig ako ng di maganda about it, di ko kakayanin kasi buong puso ko na ang binigay ko dun.

“Sukdulan na talaga, if ever na babarilin siya, yung pagkatao ko na yung binaril, kasi talagang sobrang trinabaho namin ito.

“Yung journey naming lahat na naging part ng pilot episode, even the actors were doing it right now, madugo talaga kasi ang bigat ng kuwento. Kudos to the writers, sobrang ganda ng kuwento... ang bigat na responsibility ng kuwento.”

Marami rin ang nagsasabing parang nabitin sila sa pilot episode at gusto nga nila na sana ay napahaba pa ang kuwento nilang tatlo nila Patrick sa istorya sa Apoy Sa Dagat.

“Masaya pero sa isang banda kasi maganda yung kuwento.

“Parang background lang talaga kami, kinailangan para ma-establish kung saan galing si Rebecca, si Serena, si Ruben pero sobrang ganda ng kuwento ng Apoy Sa Dagat.

“Kung natuwa sila dun sa first part, mas mahu-hook sila sa mga susunod na araw.

“Malungkot ako kasi na-enjoy ko kasing katrabaho sila Direk FM, Direk Meg... so, kahit mabigat yung kuwento, masaya sa set... sobrang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nalungkot ako, but I learn so much and I’m excited for the rest of the story,” pag-amin ng dalaga.

READY FOR DARING ROLES? Matured na ang role na ginampanan ni Nikki sa istorya kung saan gumanap siya bilang isang bayarang babae. Mayroon din silang love scene ni Patrick na napaka-suggestive daw ng pagkakagawa.

Tinanong namin si Nikki kung nangangahulugan daw ba ito na bukas na rin siyang magpa-sexy kung may isang makabuluhang proyekto na ialok sa kanya.

“Hindi naman siya sexy, kasi first of all it was by Direk FM Reyes and alam naman nating lahat na hindi yun ang peg ni Direk FM.

“He’s known for drama and surprisingly, wala akong nakuhang reaction for that because the story needed it. It wasn’t to show skin, in fact, walang nakita... puro mukha, puro kamay lang naman... it goes to imply that something happened and di naman siya big deal.

“I still have my limitations... ako kung kailangang itawid yung istorya, there are so many ways to do it.

“Ang isang magaling na direktor alam yan, maraming puwedeng gawin para maitawid yung part na ‘yan of the story. Siyempre mayroon pa rin naman akong limitations.

“Una sa lahat, di ako nagpapa-sexy pa rin, kung titingnan ninyo ang mga suot ko sa Apoy Sa Dagat, they’re just the same ng mga suot ko sa ASAP... kung ano ako sa ASAP, ganun pa rin naman.

“Wala namang nagbago, di naman ako nagpakita. I don’t think the role is sexy, contrary na babaeng bayaran ako dun, pero nangibabaw siguro yung journey niya as a person kaysa pagpapa-sexy niya.

“Yung term kasi na sexy is relative, e. Minsan kasi kahit naka-white t-shirt ka lang, naseseksihan pa rin ang mga tao, kahit na nakapolo they still find it sexy.

“The term is very relative, ang hirap i-categorize na, ’ito sexy, ito hindi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta for me, I’m happy with the opportunities that have been given to me, I’ll do my best to cooperate, I trust the people I am working with,” paliwanag niya.

BILLY. Masaya at tahimik ang tinatakbo ng relasyon nila ni Billy Crawford. Kinumusta namin si Nikki kung paano ba nila sinelebrang mag-boyfriend ang nakaraang Araw ng mga Puso.

“Simple lang, nag-dinner lang kami sa Tagaytay tapos umuwi na. Sa isang restaurant dun, ang dami naming friends na nagpunta dun, wala naman akong na-sight.

Ang laki na nang ipinayat ni Billy mula noong bumalik siya galing ng Paris. Para kay Nikki, higit sa pagiging sexy ay mas masaya siya na healthy ang boyfriend.

“Siyempre part ako in the sense na pag nage-exercise siya, pag di kami nagkikita kasi may training siya ng triathlon, di na ako nag-iinarte kasi mas gugustuhin ko na yun kaysa go with the boys—kain, inuman, ganyan.

“Siyempre, I’m very supportive of his being healthy more than being sexy.

“Wala naman, siyempre pag healthy siya, pag sexy siya he feels good about himself... he’s happier, that makes me happier. Regardless of his weight, I will love him,” diin niya.

Di maiiwasang dahil payat na ngayon si Billy ay tiyak na mas maraming babae ang magkakagusto ngayon dito. Sa kabila nito ay kampante naman si Nikki sa kung saan siya nakalugar sa puso ng boyfriend.

“Siyempre natutuwa ako kasi na-a-affirm yung choice ko na may appeal siya or something, yun na yun. Ako more than the weight, I want him healthy. Ma-attract sila, ako ang nasa puso niya... yun naman ang importante.”

COUNTDOWN TO THE BIG DAY. Marami sa mga relasyon sa local showbiz ang nauuwi sa break-up pagtungtong nito ng ika-limang taon.

Ngayong 2013 ay magpa-five years na sila Nikki at Billy, sa kabila ng paniniwala na ito ng iba ay sigurado naman ang TV host/actress sa relasyon nilang dalawa lalo’t limang taon mula ngayon ay maaaring mauwi na sa kasalan ang relasyon nila ng boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usap tayo uli one year from now. Well, di naman kasi namin pinaniniwalaan yun.

“Siyempre, iba-iba naman tayo ng journey... iba-iba tayo ng love story.

“Sa iba make or break, sa amin naman we’re okay, we’re doing fine, we’re stable, we’re comfortable, we’re happy.

“I can say we came to the point na we’re looking at the future. Yung five years di naman joke yun, di ba?

“Basta definitely not more than five years from now. Masasabi ko na ayoko namang ganun age ako ikasal.

“Sooner other than later. What kind of wedding? We never really discuss that, more of tinatantiya, ’ano kaya na ba?’

“Kailangang magtrabaho, number of years kailangang mag-ipon na, nandun pa lang. Di pa, assumera naman ako kung super plano ako,” saad niya.

SECRET TO LASTING RELATIONSHIP. Tinanong namin si Nikki kung ano ba sa palagay niya ang sikreto kung bakit ganun katatag at katibay ang relasyon nila ni Billy.

“We’re very supportive of each other’s endeavors. Kapag mayroon kaming pinagdaraanan, we keep it to ourselves.

“Gusto namin kung anuman yun, ’sige ayusin natin na tayong dalawa lang.’ Kung mayroon kaming common friends, tulungan mo kami.

“We deal with it ourselves—that’s the most important part... the more people mas magulo, gusto namin kami lang.

“We believe in the same things and it’s very positive for me that we pray together, we encourage each other,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN