Joross Gamboa says friend JM de Guzman is now trying to recover; John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban still very much in love

Nagbigay ng kanyang pahayag si Joross Gamboa (nasa larawan) tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kaibigan na sina JM de Guzman at John Lloyd Cruz. Sabi ni Joross, “Si JM, si John Lloyd, and si Ketchup [Eusebio], kami yung barkada talaga. Hindi kami yung taping friends o shooting friends, tropa talaga. Pag walang raket o hindi busy sa ibang bagay, ayun, nagkikita-kita kami.”


May mga rebelasyong sinabi si Joross Gamboa tungkol sa kanyang mga kaibigang sina JM de Guzman at John Lloyd Cruz nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 17 sa presscon ng pelikulang The Fighting Chefs.

Si Joross ay isa sa mga gumanap na chefs sa nasabing action-comedy film na pinangungunahan ng action star na si Ronnie Ricketts at ng celebrity chef na si Boy Logro. Ipalalabas sa March 6 ang pelikulang ito mula sa Viva Films.



JM DE GUZMAN. Si JM ay naging laman ng mga blind item na gumagamit daw ng ipinagbabawal na gamot dahilan para matapos nang maaga ang afternoon drama show nito sa ABS-CBN, ang Angelito, Ang Bagong Yugto.

Inalam namin kay Joross kung nagkikita pa sila ni JM matapos mapabalitang nalulong sa masamang bisyo.

Aniya, “Oo, nagkikita pa rin kami.

“Si JM, si John Lloyd, and si Ketchup [Eusebio], kami yung barkada talaga.

“Hindi kami yung taping friends o shooting friends, tropa talaga.

“Pag walang raket o hindi busy sa ibang bagay, ayun, nagkikita-kita kami.”

Bilang kaibigan, ano ang reaksiyon niya sa lumalabas na mga balita tungkol kay JM?

“Ay ano, puwede bang off-the-record muna,” hiling niya sa amin.

Pero later on ay pumayag din siyang ipa-on-the-record ang mga pahayag niya.

Sabi ni Joross, “Oo, alam naming may problema siya.

“Kasi nung Intoy Syokoy [2012 Cinemalaya film] days pa, nakikita na namin siyang umiiyak lang. Hindi mo siya makausap.

“So, alam ko na may personal problem siyang pinagdadaanan.

“Kaya sabi ko nga sa iba, ‘Hayaan ninyo muna siya, ’wag ninyo munang kausapin.’”

Hindi ba ito nagkuwento ng problema sa kanya? O nag-reach out man lang siya?

Sabi ni Joross, “Si JM kasi, pag may problema, siya yung lalapit sa iyo pag ready na siya.

“And ginawa naman din niya yun.

“Nag-open up naman siya sa mga personal niyang pinagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, sa amin na lang yun.”

Dugtong pa niya, “Ang importante ngayon ay okey na siya. Nagta-try mag-recover.

“In fact, sa ngayong magkausap tayo, ang alam ko nasa Bacolod siya for a show.”

Ano sa palagay niya ang ginagawang coping mechanisms ng kanyang kaibigan para malampasan ang problema nito?

“Sa ngayon, alam ko busing-busy siya sa pagmi-mixed martial arts [MMA].

“Noon pa kasi, fighter na siya. Sa ano nga ba yun…MMA? Lumalaban na siya before.

“So, kumbaga, doon na siya naka-focus ngayon.

“At saka yun, sa career ulit niya.”



JOHN LLOYD CRUZ. Sa puntong ito, kinumusta rin ng PEP kay Joross ang isa pa niyang kaibigang si John Lloyd Cruz.

May usap-usapan kasi ngayon na nagkakaroon daw ng problema ang relasyon nina John Lloyd at Angelica Pangilinan dahil nabu-bore na raw ang aktor sa kanilang relasyon.

“A, hindi,” pagtatanggol ni Joross sa relasyon nina John Lloyd at Angelica.

“Nasa tuktok pa sila ng relasyon nila ngayon. Mahal na mahal pa nila ang isa’t isa.

“Nagkita nga kami sa bahay ni Gela [palayaw ni Angelica] sa bahay nila one time, nagkataon na nandoon din si Tita Uge [Eugene Domingo], nag-inom lang kami.

“Okey sila. Wala naman akong nakikitang problema.

“Masaya sila sa isa’t isa.”

Hiniling din ni Joross na huwag nang intrigahin ang dalawang pusong nagmahahalan.

“Oo, huwag na nating sirain yung relasyon nila. Kasi, sa nakikita ko, e, talagang click sila.

“Siguro, meron problema paminsan-minsan, kahit konti lang, pero that’s part of it, e.

“Meron ba namang perfect relationship?

“Ako nga, tingnan mo ako, matagal na kami ng fiancée ko, pero once in a while, may problema pa rin.”

ENGAGEd. Engaged na si Joross sa kanyang girlfriend na ayaw na niyang ipabanggit pa ang pangalan.

“Yeah, nag-propose na nga ako,” pag-amin niya. “Kasi feelIng ko, it’s time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Twenty-eight na rin ako kaya ang feeling ko, ayaw ko namang tumanda na hindi ko man lang makalaro ang mga anak ko.

“Matagal ko din pinag-isipan kasi nga dami ko pag ginagawa.

“Nag-aartista ako. Tapos, nagtatapos pa ako ng pag-aaral sa scriptwriting and filmmaking. Mahirap ding pagsabay-sabayin.

“So yun, nag-decide ako na kailangang ma-engaged na kami.

“Pero yung kasal, hindi pa agad-agad. Mga two years pa from now.”

THE FIGHTING CHEFS. Tungkol naman sa The Fighting Chefs, sobra raw ang paghanga ni Joross sa pagiging propesyonal ni Ronnie Ricketts bilang producer, co-actor at, director.

“Kumbaga, sa pagkain na niluluto ni Chef Boy, tamang timpla siya. Masarap na timpla.

“Kasi si Chairman [Ronnie Ricketts, Optical Media Board chairman], masarap at mag-alaga ng cast, e.

“Bubusugin ka talaga niya ng payo regarding professionalism, e.

“At siya mismo, sobrang professional. Pag sinabi niya ganitong oras ang start ng shoot, on the dot talaga.

“Bawal ang yosi [sigarilyo] sa set. Kung mahilig ka sa yosi, aba, huwag kang pakikita sa kanya.

“Kaya nga sobra ang paghanga ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN