Angelo Ilagan apologizes for past mistakes; wants to return to showbiz

Ito ang pahayag ni Angelo Ilagan sa pagkawala niya noon sa showbiz: “Ang dami ko pong pinagdaanang hirap nung nawala ako sa showbiz. And, yun nga po, nagkakaroon ng kakapusan sa budget, and nami-miss ko po yung trabaho ko dati noong nasa kalagitnaan ako nung show. Napabayaan ko po. Ako po kasi, sinisisi ko yung sarili ko. And then ngayon at yung mga nakaraan… wala naman pong ibang may kasalanan kundi ako lang po.”


Nasaan na ba ngayon ang young actor na si Angelo Ilagan?

Matatandaang nakitaan ng galing sa pag-arte si Angelo sa indie film na Sarung-Banggi at sa primetime drama series ng ABS-CBN noon na Mga Anghel Na Walang Langit.

Pero bago pa man tuluyang magtapos ang nasabing soap opera ay unti-unting nawawala ang karakter nito sa show dahil daw nagkaroon kaagad ito ng attitude problem.



FEBRUARY 5 FACEBOOK POST. Maraming Facebook accounts na nagtataglay ng pangalang “Angelo Ilagan.” Pero may dalawang same account name na may parehong ‘pakiusap’ posts.

In verbatim, nakalagay sa Facebook status ang ganito noong February 5:

“ako po ay humihingi ng napaka laking wish sa mga ka work ko dati producers, directors, co-actors, sa pagiging late ko at unprofessional sa trabaho, sa mga taong binigo ko na sobra ang taas ng pangarap sakin noon ako po sana ay patawarin nyo sa mga nagawang pag papa-asa, ako po ay lubos na nagsisi noong ako nasa kalagitnaan ng aking mga suliranin sa buhay at nag papa salamat naman po sa mga naransan ko dahil sa aking mga natutunan sa buhay..Ms.Malou santos,Direk MaryoJ.,Mr,M.,at sa mga tao na aking pina asa..ako po ay babalik para p2nayan na si angelo ilagan na binuo nyo ay malaki ang pinag bago at mas gumaling...maraming salamat po sa inyo :-)”

Si Malou Santos ay managing director ng Star Cinema, si Direk Maryo J. de los Reyes ay ang dating manager-discoverer ni Angelo, at si Mr. M o Johnny Manahan ay ang head ng Star Magic kung saan isa sa mga ini-launch si Angelo bilang miyembro ng Star Magic Batch 13.



NAGBEBENTA NG SARILI? Kagabi, February 23, sa Ang Latest: Updated ng TV5 ay eksklusibong humarap si Angelo upang linawin ang naging mga katanungan sa likod ng kanyang biglaang pagkawala noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang tanong sa kanya ang tungkol sa diumano’y kakaibang gawain nito, lalo na ang diumano’y pagkapit nito sa patalim.

Pero mariin itong itinanggi ng ngayo’y 23 anyos nang aktor.

Aniya, “Uhm, hindi po, kasi po nag-aral po ako nung nawala po ako sa showbiz.

“Tinapos ko po yung high school ko po, nalaktawan ko po yung second year at third year kasi kumuha po ako ng PEP [acceleration] test.”

Dagdag niya, “Marami ngang isyu-isyu na lumabas tungkol sa akin na, yun nga po, nagbebenta nga daw po ako ng katawan ko.

“So, sa akin po, hindi na lamang po ako sumagot.

“Kasi kung ano na lang po yung kung anung tingin nila at kung ano’ng iniisip nila tungkol sa akin, yun na lang po talaga,” na ang ibig niyang tukuyin ay hinahayaan na lang niya.

UNPROFESSIONALISM. Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lang siyang nag-quit sa showbiz noon? Desisyon ba niya ito o tinanggal siya?

Saad ni Angelo, “Inalis po nila ako, tsaka parehas po, umalis din po ako dahil po may mga attitude problems po ako dati.

“Opo, inaamin ko po yun, kasi po nagkaroon po ako ng mga late-late po sa taping dati.

“Naging unprofessional po ako, hindi ko po sinisipot yung ibang mga tapings kasi po nakaramdam po ako ng pagod.

“So, na-realize ko po na mali pala yung mga ganun.”

Inamin din nitong hindi naging madali ang buhay niya matapos niyang talikuran ang showbiz.

Kuwento niya, “Ang dami ko pong pinagdaanang hirap nung nawala ako sa showbiz.

“And, yun nga po, nagkakaroon ng kakapusan sa budget, and nami-miss ko po yung trabaho ko dati noong nasa kalagitnaan ako nung show. Napabayaan ko po.

“Ako po kasi, sinisisi ko yung sarili ko.

“And then ngayon at yung mga nakaraan… wala naman pong ibang may kasalanan kundi ako lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-alala pa nga niya sa dating magandang takbo ng kanyang buhay, “Yung ibang mga tao po, katulad ni Direk Maryo na manager ko dati, na-provide niya po lahat yung mga pangangailangan ko dati—sasakyan, budget, suporta po talaga.

“So, ako lang po talaga yung may kasalanan kung bakit po ako nawala sa showbiz.”

Lumaki sa pangangalaga ng kanyang stepfather si Angelo, at sa picture lang daw nito nakita ang hitsura ng totoong ama.

Ibig kayang sabihin ng kanyang mga maling pag-uugali noon ay dahil sa naghahanap siya ng father figure?

Saad niya, “Hindi naman po kasi andiyan naman po yung stepfather ko po na laging umalalay sa akin, lagi naman po niya akong sinasabihan noong bata pa ako, ako lang po talaga yung matigas yung ulo.”

Pamangkin si Angelo ng magaling na namayapang aktor na si Jay Ilagan.

REPENTANT ANGELO. Sa ngayon daw ay gusto na raw ni Angelo na bumalik sa pag-aartista.

Patuloy pa rin daw ang pag-uusap nila ng talent manager at showbiz columnist na si Alfie Lorenzo para pangalagaan ang kanyang career.

Hindi rin naman nagpatumpik-tumpik pa ang binata sa paghingi ng “sorry” sa mga taong labis na naapektuhan sa kanyang inasal noon.

Pahayag niya, “Tsaka po sa lahat ng mga tao na nasaktan ko noon, mga producers and directors patawad po sa mga ginawa ko noon.

“Nagkausap na kami ni Direk Maryo pero alam ko masama pa yung loob niya sa akin, kasi hindi naman po kadaling magpatawad kasi sobrang taas po ng pangarap niya para sa akin.”

Maipapangako ba niyang hindi na siya ang dating pasaway at unprofessional na Angelo?

Tugon niya, “Hindi po kasi ako nagbibigay ng mga pangako, gusto ko lang po tapusin kung ano po yung mga sinimulan ko ngayon.

“Kung may maibigay po sila sa akin [na proyekto], tatapusin ko nang buong-buo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN