Cesar Montano on marital problems: “Kung iyon ay naging problema within our family, it has to be fixed inside our family. Hindi ko kailangang idamay ang ibang tao."

Ito ang hiling ni Cesar Montano sa kinahaharap na problema ng pagsasama nila ng asawang si Sunshine Cruz: “If you think you are a concerned person para sa pamilya namin, then we need your prayers. Please pray for us. Marami pong salamat.”


Malaking bagay para kay Cesar Montano na binigyan siya ng kalayaan at tiwala ni Manila Mayor Alfredo Lim para gampanan, idirek, at i-produce ang filmbio nitong Alfredo S. Lim: The Untold Story under CM Films.

Ito ang pang-apat na filmbio ng alkalde, na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 27.

“I’m very, very grateful talaga na ipinagkatiwala niya [Mayor Lim] sa akin ang paggawa ng screenplay.

“Ibinigay niya sa akin yung total trust niya para ikuwento ang [bahagi ng] kanyang buhay, na hindi pa naikukuwento sa pelikula. Kaya maraming salamat.

“Mayor, Ninong Lim, maraming salamat sa tiwala na ibinigay mo sa akin as a filmmaker,” sabi ni Cesar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Cesar pagkatapos ng presscon ng Alfredo S. Lim: The Untold Story kahapon, Pebrero 23, sa Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard.

Bukod kina Cesar at Mayor Lim, dumalo rin sa presscon si Councilor Lou Veloso, na may special participation sa pelikula.

Habang tumatagal daw ay mas lalong nakikilala ni Cesar si Mayor Lim. Sa presscon kasi ay muling nagkuwento ang alkalde tungkol sa kanyang nakaraan lalo na sa pagiging pulis nito. Ilang bahagi ng kuwentong ito ay mapapanood mismo sa pelikula.

Saad ni Cesar, “Marami akong bagong narinig kay Mayor Lim.

“He’s really… very straight talaga siya at makikita mong tuwid siyang pulis.

“Kaya siya matapang dahil alam niya yung katotohanan. Ipinaglalaban niya kung ano yung tuwid kaya matapang siya.

“Sa tingin ko, that should be the case para sa mga law enforcer.”



MAYOR LIM AS NINONG. Ikinatuwa rin ni Cesar ang ginawang pagdepensa sa kanya ni Mayor Lim nang matanong ang alkalde tungkol sa intriga ng pagiging babaero raw ng aktor at sa mga isyung kinakaharap ngayon ng relasyon nito sa asawang si Sunshine Cruz.

May mga sandaling idinaan na lang sa biro ni Mayor Lim ang pagsagot. Nagkataon kasing ninong sa kasal nina Cesar at Sunshine ang alkalde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Cesar, “Nakakatuwa naman siyempre ninong ko iyan, ninong namin iyan kaya ganun na lamang ang concern niya sa amin.

“At saka nakakatuwa siya dahil kahit na ganun siya napaka-tough nandun pa rin yung sense of humor niya.”

Bilang ninong nga ay ipinaramdam din daw ni Mayor Lim ang pag-aalala nito at pagmamahal para kina Cesar at Sunshine.

“Totoo, totoo iyan, and maraming salamat. I thank him for the concern and love for our family.”


PROFESSIONAL IN HANDLING SITUATIONS. Samantala, marami naman ang humahanga kay Cesar dahil sa propesyunal na pag-handle nito sa sitwasyon at intriga ngayon sa kanilang pagsasama ni Sunshine.

Sa kabila nga ng problema ay hindi nito pinabayaan ang trabaho niya sa showbiz gaya na lang ng pagtapos niya sa pelikula ni Mayor Lim.

Paliwanag ni Cesar, “Of course, kailangan ganun naman. And I’m being paid to do a film, to promote it, dapat gawin ko.

“Kung anuman ang problema ko sa pribadong bagay, I have to take it to myself at isantabi ko iyon, of course.

“Kung iyon ay naging problema within our family, it has to be fixed inside our family. Hindi ko kailangang idamay ang ibang tao.

“Aayusin ko iyon sa sarili ko at aasikasuhin ko ang trabaho na ito kung saan ako binayaran at ipakita ko na nagtatrabaho ako roon.”

Sa huli, dasal pa rin ang hiling ni Cesar sa mga taong nagpapakita ng concern sa pamilya nila.

“If you think you are a concerned person para sa pamilya namin, then we need your prayers. Please pray for us. Marami pong salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN