Arci Muñoz on her natural flair for stunts and action scenes: “Gusto ko po talaga yung adrenaline rush.”

Arci Muñoz says she’s not disappointed about not having a TV series in TV5. She’s happy co-hosting Wowowillie because: “na-showcase pa yung iba naming talent.”


Masaya si Arci Muñoz sa paghu-host ng noontime variety show ng TV5 na Wowowillie.

Katunayan, dito raw pala sa naturang show nadiskubre ang kanyang taglay na galing bilang TV host.

“Na-showcase pa yung iba naming talent,” wika ni Arci nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Pebrero 21, sa presscon ng The Fighting Chefs sa Steak Plus restaurant sa Quezon City.

“Kasi alam naman ni Kuya Wil [Willie Revillame] na kasama ako sa soap [opera], sa drama... tapos, ngayon hosting,” kuwento niya.

“‘Tsaka pinapakanta pa niya kami everyday—ito na-enjoy ko, e.

“After ng schedule mo in the afternoon, wala ka nang gagawin, you’re free to do anything you want. Tapos, puwede ka pa mag-soap after, puwede ka pa mag-shooting...

“Kaya lang, ngayon wala pa rin nakalatag kasi sa TV5. Kasi maraming rin [galing] sa Artista Academy, para mabigyan din sila muna ng chance.”

Nabanggit na rin niya ang Artista Academy talents; hindi ba siya nagtatampo sa kanyang home network na wala siyang teleserye?

“Hindi naman, wala naman,” pagtanggi ni Arci.

“‘Tsaka sobrang inaalagaan din kami nina Kuya Wil, kaya open naman siya sa idea na puwede kaming gumawa ng soap after, basta priority pa rin namin later yung show.

“Kasi di ba, tatlong oras lang naman siya, e, yun lang hinihingi nila sa amin—three hours every day. Then after no’n, puwede na kaming [gumawa ng ibang show].”



FIRST MOVIE. Samantala, walong taon na rin pala sa industriya si Arci, pero ngayon pa lang siya nakagawa ng pelikula, ang The Fighting Chefs.

“I play a chef dito. Tapos may kanya-kanya kaming restaurants, tapos ano, parang love interest din ni Kuya Rakets [Ronnie Ricketts],” paliwanag niya sa kanyang role.

Bukod kay Ronnie, kasama niya din sa pelikula sina Vandolph Quizon, Chef Pablo “Boy” Logro, at Jeffrey Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakaibang Ronnie Ricketts daw ang nakasama ni Arci sa pelikulang ito. Kilala kasi niya ito bilang dekalibreng action star.

Pero sa pelikulang ito, mas nangibabaw daw ang comedy.

“More on comedy. Tapos yung action, lahat kami binigyan niya ng mga stunts na puwede namin gawin,” dagdag ni Arci.

Bumilib nga raw sa kanya ang kanyang leading man, dahil hindi raw akalain nito na kakayanin niya ang mga fight scenes na gagawin nila sa pelikula.

Si Ronnie raw mismo kasi ang nagte-train sa kanila, bukod sa pagiging director nila dito at kasama rin sa cast.

“Nagulat nga po siya, e!” natatawang kuwento ng aktres.

“Kasi parang ang tahi-tahimik ko daw, tapos pagdating dun [sa action scenes] parang gigil na gigil daw ako.

“Bihira nga yung ganun na… sabi niya. Sabi ko naman, ‘Hindi, gusto ko po talaga yung may adrenaline rush.’

“Tapos, sabi niya ulit, ‘sige, dadagdagan ko pa yung mga action [stunts] mo.’”

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Arci na sa unang pelikula niya’y nagawa niya ang mga hilig at pinangarap niya.

“Mahilig kasi ako magluto talaga. Tapos gusto ko yung mga ganitong action. Kaya very privileged ako na makasama sa pelikulang ito,” pagtatapos ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN